Mabilis akong napabangon nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking pisngi. Agad kong hinila ang kumot hanggang sa baba ko sa hindi malamang dahilan. Nakaramdam na rin ako ng kaba at nagsisimula na ring manginig ang aking katawan. Ang pamilyar na pakiramdam na ayaw na ayaw kong maramdaman ulit. Ang mga imaheng unti-unting naglalaro sa aking isipan na ayaw kong balikat at gustong makalimutan kahit kailan.
Akala ko ay masamang panaginip ‘yon pero nang maramdaman ko ang sakit sa tiyan ko at pamamanhid ng kunti ng aking mukha ay alam kong hindi. Lahat ng ‘yon ay totoong nangyari. Lahat ng ‘yon ay ginawa ng taong hindi ko aakalain na gagawin ang bagay na ‘yon sa akin. Hindi ko rin alam anong nagawa kong mali kung bakit umabot sa point na he intends to rape me.
“N-No! P-Please, don’t harm me!” Nakapikit nang mariin ang aking mga mata habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang ‘yon.
“What the hell are you talking about, Katya?”
Hindi ako nakinig sa kaniya.
“A-Ayoko, please? D-Don’t harm me!”
“Katya, Si Ping ‘to,” sabi ng isang taong nasa gilid ko, agad inaalog ang magkabilaang balikat ko para maagaw niya ang aking atensyon.
Mabagal na dinilat ko ang aking mga mata habang nanginginig pa rin ang aking katawan. I am praying na hindi ako dinadaya ng aking pandinig at mabilis na napayakap nang makita kong si Ping nga. I am a bit relieved dahil siya ang nabungaran ko at hindi iba. I might freak out if same person pa rin na naging dahilan bakit ako ganito right now. Ngayon ko lang din napansin na nasa kuwarto na ako sa bahay namin mismo at wala sa isang kuwartong hindi pamilyar sa akin.
Hindi ko na alam anong gagawin ko if that would happen. Mababaliw na siguro ako kung maulit ang pangyayaring ‘yon but this time nagawa niya nang tuluyan ang balak niya. I would prefer to kill myself kung mangyari man. Isa akong malaking kahihiyan.
“Shhh! You are safe now,” bulong niya right after kong umiyak na naman.
Unti-unti na rin kasing pumapasok sa isip ko ang nangyari. Ngayon ko lang din napagtanto na wala na talaga ako sa condo ni Vico at nasa mismong kwarto ako ng bahay namin. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil doon, pero naroon pa rin ang takot ko sa ginawa ni Vico sa akin.
Hindi talaga ako makapaniwala na umabot kami sa punto ng buhay namin na ganoon. Unexpected pero sobrang nakakatakot. I never imagine na he will do that to me. Ibang-iba talaga siya kahapon. Kung alam ko lang talaga ay hindi na ako pupunta sa condo unit niya.
“Bwisit ka kasi!” Sabay kinagat nang malakas si Ping sa braso niya ngunit hindi ako tinulak ni Ping palayo sa kaniya.
She just let me bite her na may kasamang panggigil na pinagpapasalamat ko naman.
“Aray!” Malakas na daing niya lang ngunit, wala naman siyang ginagawa para patigilin ako sa pagkagat sa braso niya.
Kung hindi lang naman dahil sa pang-aasar niya sa pagiging virgin ko at sa sinasabi niyang ‘wasakin na ang puri ko ay hindi na sana mangyayari ‘yon. Hindi naman ako pupunta sana sa condo unit ni Vico kung hindi lang dahil kay Ping. I want to decline his offer na makita siya kahapon, kasi I can sense na may mali pero pi-nush ko pa rin. Ayoko rin kasing ibigay ang satisfaction kay Ping na tama ang hinala niya kasi hindi naman mangyayari ‘yon. I won’t let it to happen kasi straight as pole ako. Kung hindi ko lang agad napansin ang panunukso ni Ping at sa mga sinasabi niya na may pahiwatig ay hindi hahantong ang lahat sa ganoon.
‘Yong hinala niya na sa misteryosong babae na ‘yon ko lang isusuko ang p********e ko at makakakuha sa akin na hindi makuha-kuha nga ni Vico for almost six months namin. Kaya naisip ko na hindi naman siguro masama na subukan na mag-step up ang relasyon naming dalawa, but, in the end, I can’t. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya.
Nakaramdam ako ng guilt para sa sarili ko, kasi parang sinasayang ko lang ang taon na iningatan ko talaga ang aking p********e para lang ibigay sa kaniya for the sake of my ego. He doesn’t deserve to pop my p********e and have my puri with that kind of reason, kasi walang sense. Also, he doesn’t deserve it, at all. Huli na nang mapagtanto ko ang lahat para makaatras, kasi may nangyari na. Kamuntikan na rin talaga ako, kung hindi lang ako nakawala sa kaniya. At hindi pumasok ang sampung bodyguards na kasa-kasama ko sa mga oras na ‘yon.
I didn’t expect naman na aabot talaga sa point na kamuntikan akong magahasa dahil sa pagiging ganito ko na ingat na ingat na huwag maibigay sa maling tao ang lahat-lahat sa akin. Hindi kasi ako katulad ng iba na pag may boyfriend at nagtagal ay isusuko na ang puri, kasi isa ‘yon nga ang patunay na mahal mo nga ang isang tao. It doesn’t make sense for me. Para ko na ring sinasabi sa sarili ko na in order for him to say I need to give everything para may mapanghawakan ako at hindi niya ako iiwan. Kasi sa totoo lang, bilang lang ang mga taong kayang panindigan lahat ng desisyon sa buhay. At alam kong sa mga past relationship ko, hindi sila kasama sa hanay na ‘yon, lalo na si Vico.
Ayokong sumunod sa ganiyang trend, kasi hindi tama kahit parang cool tignan sa iba. Yes, masarap ikanga nila na magkaroon ng s*x life, pero sa isip ko para kong unti-unting dinudumihan sarili ko sa pinaggagawa ko. Daig ko pa ang pokpok, pero ‘yong lowkey na way. Kaya it is a big no for me. I don’t fvcking care if someone might bully me for being a virgin at this age. This is my life at ako ang bahala anong gagawin ko sa buhay ko. Pero kung ‘yon naman ang gusto ng iba sa buhay nila, I don’t give a damn. Buhay nila ‘yon, at buhay ko rin ‘to. ‘Yon lang.
“Thel, stop that!” sita sa akin ng isang pamilyar na boses na ilang buwan ko na ring hindi naririnig.
Mabilis akong napalayo kay Ping para makita ang taong ‘yon. Mas lalo tuloy akong naiyak nang makita ko na si Daddy nga ang sumita sa akin.
Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin sa nangyari kahapon. I felt guilty.
“D-Daddy,” almost whisper na sabi ko kaya agad naman siyang lumapit sa akin para mayakap ako.
Instead na salubungin ang yakap niya ay napaatras ako. Mahigpit na napahawak ako sa aking kumot para maibsan ang panginginig ko lalo. Agad namang napansin ‘yon ni Daddy and smiles at me. Nagtataka ako bakit ganoon na lang ang ginawa niya. Umalis naman si Ping para pumunta sa paanan ng aking kama at doon tumayo habang si Daddy ay mabagal na lumalapit sa akin sabay naupo sa aking kama.
“You are brave, Anak,” he said.
Unti-unting nanunubig ang aking mga mata lalo na nang wala akong mababakas na pandidiri sa mga mata niya, wala ring panghuhusga and such. ‘Yong relief at pagmamahal ang mababakas doon kaya agad kong siniksik ang aking sarili sa kaniya when he finally hugged me. ‘Yong tension na nararamdaman ko ay nawala bigla.
“I told you that he is bad news,” sabi niya habang hinahagod na niya ang aking likod dahil sa patuloy na pag-iyak ko sa mga bisig niya. Humigpit ang yakap ko sa kaniya at mas lalong naiyak dahil sa kaniyang ginawa at sinabi.
Lagi kasing sinasabi sa akin ni Daddy na kailangan ko na talagang makipaghiwalay kay Vico, kasi alam niyang may hindi magandang maidudulot sa akin ang lalaki. Sa vibes pa lang daw ng lalaki ay alam niyang may gagawin siyang hindi maganda sa akin na siyang nangyari nga. Hindi naman sila nag-meet personally ni Vico, pero kilala naman siya ni Daddy dahil nga sa boyfriend ko siya. Lahat ng taong nagiging close ko o nakikilala ay alam ni Daddy. He wants me na malayo sa kapahamakan but, he doesn’t interfere naman except kay Vico. Simula kasi nang malaman niya na almost two months na kami ni Vico ay hindi na siya natuwa. He expects na after one month of in a relationship kay Vico ay maghihiwalay rin kami na hindi talaga nangyari. It took almost six months before ko naisip na ayoko na nga. I was planning naman na makipaghiwalay talaga sa kaniya nang pumunta ako sa condo unit niya, at the same time, ay subukan ang isang bagay na pinagsisisihan ko na. Kung hindi ko lang kasi sinabayan ang trip ni Vico sa simula pa lang ay hindi na sana mangyayari ‘yon. I triggered him kaya naisip niya siguro na kaya walang nangyayari sa amin kasi mabilis siyang pumayag sa gusto ko na huwag niyang ituloy kung anong balak niyang pang-aakit sa akin. Parang kumabaga, nasa isip niya ay kailangan niya lang ng push para magawa ang pinakakaasam niya sa akin.
I admit, nagkulang ako bilang girlfriend niya, pero kung ang basihan ng pagkukulang ko ay dahil sa hindi ako nakipag-s*x sa kaniya ay isang malaking kagaguhan ‘yon. Hindi ako nabuhay sa mundong ‘to para maging parausan niya.
Tang!na siya!
“Don’t worry, Katya. Kami na ang bahala sa gagong ‘yon,” sabi ni Ping na siyang ikinatigil ko sa pag-iyak.
“Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ko nang makita ko siyang nakatayo lang sa gilid ni Daddy habang nakatingin sa amin.
“Anak, ‘wag mo na alamin kung ano. He deserves it, after all,” ani naman ni Daddy na may ngiti sa labi.
Ngunit umiling ako. Kinakabahan ako sa klase ng tingin na binibigay ni Ping sa akin. Kitang-kita ko rin kung paano niya pinipigilan ang kaniyang sarili na huwag mapatiimbagang sa harap ko. Nakita ko rin kung gaano niya kahigpit na kinuyom ang kaniyang mga palad habang iniisip ang isang taong alam ko na siya ang dahilan bakit ganito na lang siya kung umakto.
“Ping,” tawag ko sa pangalan niya.
“Don’t worry. No one knows. Besides, that jerk deserves to be put in hell after what he did to you,” ani pa niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang umalis sa kwarto ko. Pinigilan na rin ako ni Daddy na huwag na ring tawagin pa si Ping o pigilan man lang.
“Alam mo naman ‘yang pinsan mo, Anak,” sabi ni Daddy. “She doesn’t want na may manakit sa ‘yo. Isa kaya siya sa nagbabantay rin sa ‘yo. Palihim nga lang. She doesn’t want na matulad ka sa kaniya.”
Kumunot naman ang noo nang sabihin ‘yon ni Daddy sa akin.
“What do you mean, Daddy?”
“Wala akong karapatan na sabihin sa ‘yo ang mga nalalaman ko, Anak,” sagot niya. “But don’t you ever tell Cyll sa sinabi ko sa ‘yo. She wants to keep it forever, kasi ayaw niyang maalala pa ‘yon. Mananatili na lang na madilim na lihim ang lahat.” Dugtong pa niya.
Hindi na ako nagpumilit pa dahil ganoon din naman ako minsan. Naglilihim din naman ako sa pamilya ko and I respect naman sa decision ni Ping na huwag ng sabihin pa sa akin lahat ng nalalaman ng iba. Mukhang nangyari ‘yon noong mga panahon na nagsisimula pa ako sa career ko. Lagi kasi akong busy at sobrang bilang lang talaga sa daliri sa mga panahon na ‘yon ang pagkikita namin, kasi hindi rin naman ako nakakauwi sa bahay sa busy ko.
“But I am thankful na buo pa rin ang ‘p********e’ at ang ‘yong ‘puri’, Anak,” sabi ni Daddy na naging dahilan para maramdaman ko ang hiya. “Mana ka talaga sa nanay mo. Magaling mag-alaga at bantay kaya hindi nasasalakay.” Sabay tawa niya nang mahina.
Parang bigla na lang nawala na parang bula ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa sudden ng changes ng mood ko which is alarming for me.
“Daddy!” sigaw ko sabay takip sa aking taenga.
Baka ano pang marinig ko sa kaniyang hindi ko dapat marinig.
Daddy is a cool daddy talaga. Hindi kasi siya marunong mag-filter ng bibig, kasi he doesn’t want to act na inosente siya. He wants to show to the world who is he at kung anong lumalabas sa bibig niya. Sa kaniya kasi ko talaga naririnig ang iilang kabastusang nalalaman ko. Si Mommy rin sumisita, pero isa rin si ‘yon sa bastos din ang bibig. Sa kaniya ko nga nakuha ang puri na word eh, kasi minsan na niyang nakuwento sa akin paano raw nawasak ni Daddy ang p********e niya at makuha ang kaniyang ‘puri’ na naging dahilan para mabuo ako. Isang gabing atake lang, pero nakapag-iwan ng binhi kaya raw nabuhay si Kuya Kel tapos ako ang sumunod.
“Thank you, Daddy,” nasabi ko na lang nang yakapin niya muli ako habang tumatawa ‘to.
“Anything for you, Anak. Chill mo lang ang puri mo, ha? May makakawasak din diyan,” sabi pa niya na naging dahilan para makurot ko si Daddy sa tagiliran niya.
Tumawa lang naman ‘to, kasi sanay naman siya na ginagawa ko ‘yon pag may sinasabi siya na ayaw ko o nakakahiya sa part ko.
“Ikaw talaga, Daddy. Kung ano-ano na lang pinagsasabi mo. Sumbong kaya kita kay Mommy,” sabi ko.
“Alam mo naman na mas malala pa ang Mommy mo kaysa sa akin, Anak,” sabi niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na yakapin siya na may panggigigil dahil doon. Totoo naman ang kaniyang sinabi.
“Kasi siya ang dahilan kung bakit mas lumala ka rin?” I asked him na pabiro.
Nagkibit balikat siya as if wala siyang alam kaya kinurot ko siyang muli kaya natawa na rin siya.
This kind of moment with him is one of the best. Pansamantalang nakalimutan ko ang aking problema sa mga oras na ‘to. I am thankful na binigyan ako ng Diyos ng ganitong pamilya. I will never trade it sa kahit ano at kahit sino.