Sa mariin niyang halik ay para ba akong hindi mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nababaliw.
“Oh…” Nakatalikod pa rin akong nakaupo sa kaniyang harapan at siya naman itong nasa likod ko at hawak-hawak ang bewang ko. Nakatagilid na aking leeg nang mas tumaas ang kaniyang kamay at dumapo sa aking dibdib.
“Weston…” Sa malambing kong pagsabi ay narinig ko ang kaniyang kaunting halakhak. “Uhmm?” Napangiti na lamang ako nang mas idiin niya ang halik pa sa leeg ko.
“Ang bango-bango naman ng asawa ko,” sabi niya pa.
“Huwag mo nga akong biruin.” Siko ko sa gilid ng kaniyang bewang ngunit dali-dali akong napakagat sa labi ko sa kaniyang pagdiin ng pisil sa aking kaliwang dibdib.
Nang hihina ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Humarap na ako ngayon sa kaniya at agad na hinubad ang aking damit. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking katapangan mula sa ginagawa ko ngayong na ako pa mismo ang mag-first move.
“Wow, my wife…” Para ba siyang tuwang-tuwa sa aking ginawa. Ngayon ko lang kasi iyon nagawa sa kaniya. Kahit kailan ay hindi ako naghuhubad ng damit sa harapan niya iyong tipong mag-make love kami.
“Stop it!” Saway ko nang haplusin niya ang dibdib ko mula sa aking pagkakapatong sa kaniya. Wala na kaming paligoy-ligoy pa nang hubarin niya na rin ang kaniyang pants.
Nagtatawanan pa kaming dalawa, dahil natutuwa siyang gusto kong pumatong sa kaniya.
Hinubad ko na rin ang aking pang ibabang saplot at agad na pumatong sa kaniya. Inihahanda ko ang kaniyang pagpasok sa akin nang parehas kaming napalingon mula sa mabilis at sunod-sundo na katok sa pinto.
“Ate?! Ate! Archer! Help me! Help me! Please!” Mas mabilis pa lalo ang katok. Tila nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko at dali-dali kong kinuha ang damit ko. Nag-short na ako kahit hindi na ako nag-panty.
“Weston, magbihis ka muna sa banyo. Ako na ang lalabas at sumunod ka na lang,” bilin ko nang tumayo naman ito agad.
“Ate!!” Sa isang sigaw niya pang muli ay nabuksan ko na ang pinto.
“Ano ang nangyari? May nangyari ba?” Nagmamadali ko ring tanong sa kaniya nang pagmasdan niya ang itsura ko.
Nilingon niya ang likod ko kaya isinara ko ang pinto na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Anthonet? Ano ang nangyari? May masakit ba sa ‘yo? May pumasok ba sa kwarto mo?” Huminga siya ng malalim at agad na umiling. “M-may… may nakita akong daga sa kwarto.” Kumurap pa ako saglit nang sabihin niya iyon.
“Anthonet, walang daga sa bahay natin. Every three months ang pest control sa bahay natin.” Mukhang hindi siya naniniwala sa akin nang nagalit ang kaniyang itsura.
“Ano ba akala mo sa akin? Sinungaling?”
“H-hindi… pero kasi last month lang ang-”
“Ibig sabihin ay sila marunong! Hindi sila professional!” Galit siya at nakikita ko iyon ngayon sa kaniya. Lumabas ng kwarto si Weston nang nakadamit na at short. Hinawakan nito ang braso ko at napansin naman iyon ni Anthonet.
“Archer!” Sigaw niya pang muli at para bang natataranta. “Ang daming daga sa kwarto ko!” Saka siya umiyak.
“Weston, pwede mo bang tawagin muna si manang?” Pakikisuyo ko sa asawa ko nang tumango naman siya ngunit hinila ni Anthonet ang kaniyang braso. “Ikaw na lang, Ate. Natatakot ako…” Pinagmasdan ko ang paghawak niya sa braso ng asawa ko.
“Ako na.” Si Weston.
“Si Ate na, Archer! Ano ang gagawin ni Ate kapag may daga na pumunta dito? Babatuhin niya ng salamin niyang makapal? Haharangan niya ng kilay niyang makapal?” Maari ang pagkakabanggit niya no’n habang tinutukoy ako.
Wala akong malabas na kahit anong salita sa bibig, hindi dahil mahina ako. Kapatid ko siya at siya na lang ang mayroon ako. Paulit-ulit iyong natakbo sa isip ko.
Tinitiis ko lahat para sa pamilya ko.
“Ako ang tatawag. Maghintay ka rito kasama ng ate mo.” Walang nagawa si Anthonet nang para bang galit ang tono ni Weston kung sabihin iyon sa kapatid ko. Hinalikan ang noo ko ni Weston bago umalis at pumunta kay manang at ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Anthonet sa labas ng pinto.
“Stop staring at me like I made a mistake, Ate.” Tinaas niya ang mataray niyang tingin sa akin. Umiwas lang ako at tinikom na ang bibig ko.
“Ayon ba ‘yung gusto mong mapangasawa? Ni-hindi man lang magawang gawin ang sinabi ng kapatid ng asawa niya? Hindi gentelman.” Tila para pa siyang naduduwal kung bigkasin iyon.
“Anthonet, asawa ko ‘yon. Kuya mo ‘yon…” Hindi ko mapigilang hindi magsalita. “Kuya? Duh! Hindi ko magiging kuya ‘yan, Ate. Baka nga may gusto pa rin siya sa akin, e!” Sa narinig ko ay tumaas ang dalawa kong kilay.
“Matagal na ‘yon, Ate. Hindi mo kailangang mangamba. Malalaman mo pa rin naman kung gusto pa rin niya ako.”
Ano ba ang sinasabi niya? May gusto sa kaniya si Weston noon?
Piniga ang puso ko kahit pa hindi ko iyon ipahalata sa kapatid ko.
“Ano ang nangyari?” Tanong ni manang nang makalapit siya sa amin. “Manang, pasensiya ka na. Baka pwedeng pakisamahan si Anthonet sa kwarto niya. Tumawag ka na rin ng ibang pwedeng makatuwang at pa-check kung may daga. Pa-ready lang ako ng isang kwarto kay Anthonet,” suyo ko kay manang na nagdududa ang tingin sa kapatid ko.
“Salamat, manang.” Hinaplos ko ang kaniyang braso at tumungo naman sa akin. “Seriouly? Si manang ang ipapasama mo sa akin, Ate? E, ugod-ugod na ‘to!” Kumunot na ang noo ko.
Pansin ko kung paano nagulat ang mga mata ni manang kung tignan ako sa asal ng kapatid ko.
“Hija? Mas matanda ako sa ‘yo at kung maari ay respetuhin mo ako.” Ngumisi lang si Anthonet kay manang.
Ramdam kong magsasalita si Weston nang pigilan ko siya. Ayoko na nang gulo at hindi ko na gusto pa ng bangayan ngayon. Gumalaw ang panga ni Weston na animo’y nagpipigil ng galit.
“Respeto? Binabayaran ka at trabaho mo ‘to. Pero nagsasabi lang ako ng totoo. Matanda na ‘to, baka mas mabilis pang tumakbo ang daga kaysa sa kaniya.”
“Anthonet…” Mahinanon kong tawag sa kaniya.
“What?!” Malakas naman niyang sigaw sa akin.
“Calm down… please? Please…” Lumapit ako sa kaniya at pinikit niya ang mga mata niya. Hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay. “Narito ako, Anthonet. Sasamahan ka ni Ate, lahat gagawin ni ate, okay? ‘Wag ka na matakot, ha?” Nanginig ang labi niya at tumungo sa akin.
Ako na mismo ang sumama kay Anthonet sa loob ng kwarto niya at pati ang ilang kasambahay. Hinanap nila kung saan ang daga ngunit umiling lang sila sa akin.
Nang makakuha kami ng gamit niya ay dinala ko na siya sa isa pang kwarto. Mabuti na lamang at napakalma ko siya at sandali ring nakatulog.
“Leveste,” tawag ni manang sa akin mula sa labas ng pintuan ni Anthonet. “Manang…” Huminga lamang siya ng malalim.
“Wala namang daga sa loob ng kwarto niya. Halos ilang ulit na tinignan ng mga kasambahay pero wala talaga. Hindi naman makakalabas ang daga sa pintuan. Saka kay tagal-tagal ko na rito ay wala naman akong nakikitang daga,” aniya.
“Pasensiya ka na, manang. Iniisip ko kasi ay baka naninibago pa si Anthonet at lumaki siyang mag-isa.” Napaupo kami ni manang sa sala mula sa second floor ng bahay.
“Hija, naiintindihan ko na mahal na mahal mo ang kapatid mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay mananaig lang ang pagmamahal mo sa kaniya. Tignan mo? Kahit mali siya ay wala akong narinig sa ‘yo…” Nakitingin si manang sa mismong mga mata ko.
“At hindi tama ‘yon, Leveste. Hindi ka rerespetuhin ng kapatid mo.” Tikom lamang ang bibig ko. “Matuto kang magsalita at minsan ay ipagtanggol mo ang sarili mo. Kasi hindi mo pwedeng iasa sa ibang tao na ipagtanggol ka.”
Dumating ang kinabukasan nang pansin kong nagiging moody si Anthonet.
“Salad?” tanong niya sa umagahan.
“H-hindi mo ba gusto?” Umangat ng kaunti ang kaniyang labi at ibinaba ang kutsara.
“Ano ba ang akala niyo sa akin? Kabayo? Kakain ng damo? Saka bakit may…” Napahinto siya saglit. “Ano ang sinabi mo, manang?! Kabayo ako?!” Dahil nasa likod lamang si manang ni Anthonet at may pinupunasan ay hindi ko narinig kung may sinabi nga si manang.
“Ano iyon, Hija?” Takang tanong ni manang nang dabog na tumayo si Anthonet. “You freaking old rat!” Iyak ng kapatid ko at agad na lumabas ng kusina.
“W-wala akong sinabi, Leveste…” Iling pang sabi ni manang.
“Wala r-rin po akong narinig…” sagot ko.
Sinundan ko ang kapatid ko na ngayon ay papaakyat na sa taas kaya nang makaakyat na rin ako ay napatigil ako sa paglalakad.
“Why are you crying?” rinig kong tanong ni Weston.
“Hindi nila ako gusto rito! Ayaw nila ako rito, Archer!” Hindi totoo ‘yan, Anthonet. Ano ba ang sinasabi mo?