CHAPTER 5

1922 Words
“Weston…” Tawag ko sa aking asawa nang tanggalin niya ang sapatos ko, habang ako naman ay nakaupo sa kama. “Uhmm?” Hindi siya nakatingin sa akin at animo’y busy sa pagtanggal ng aking kabilang sapatos. Mahirap sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Ngayon lamang ako nagselos at hindi ko aakalain na sa kapatid ko pa. Hindi siya malapit sa mga babae nang magkakilala kami. “Ano iyon?” Inangat niya ang tingin sa akin nang matapos niya nang alisin ang dalawang sapatos ko. “A-ano…” Sabihin mo na, Leveste! “Ano?” Gaya niya sa tanong ko nang napalunok naman ako. “H-hindi mo nagustuhan ‘yung kape?” s**t you, Levest! Natural lang naman na magtanong ka sa kaniya tungkol sa nararamdaman mo, dahil asawa mo siya! Valid ang nararamdaman mo! Nagtatalo ang puso at utak ko. “Hindi ko pa natitikman ang kape na binili mo,” sagot niya naman sa akin at pinagmasdan naman ang mga mata ko. “Maganda ka, asawa ko.” Tinaas niya ang baba ko para magtapat ang tingin naming dalawa. “Huwag mong intindihan ang sinasabi ng kapatid mo,” sabi niya. Umawang ang labi ko nang isipin kong hindi ko pa man nasasabi sa kaniya ay siya na itong nag-open. Nakakaramdam siya! “Sanay naman ako, Weston. Saka totoo naman…” Inilapit ko ang sarili kong mukha sa kaniya at tila tinitigan siya sa kaniyang mga mata. “Nakikita mo na?” Taas-taas pa ng aking mga kilay sa kaniya kung itanong iyon. “Maganda ka at hindi ko alam kung bakit kailangan mo pag-isipan ang sarili mo nang hindi maganda?” “Nagsasabi lang naman sila ng totoo kaya naniniwala ako.” “Maniwala ka sa akin, dahil asawa mo ako.” Hinawakan niya ang aking kamay at tila pinisil-pisil iyon. Hinalikan niya ang ibabaw ng aking kamay habang ang mga titig ay nasa akin. “Nagseselos lamang sila sa iyo, dahil ang ganda-ganda mo at hindi mo nakikita ang nakikita ko sa ‘yo.” Parang nanlambot ang katawan ko. “Masaya ako na napangasawa kita…” Para sa isang katulad ko na laging nilalait ay siya lamang ang kaisa-isang nilalang na binigyan ako ng lakas ng loob sa itsura ko. “Maghanda ka na at pupunta raw ang mga tiyahin mo para tignan ang kapatid mo.” Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaluhod sa akin. “Pwede namang kapatid mo na lang ang kumausap sa mga tiyahin mo kung gusto mo,” sunod niya pang sabi. “Ayos lang, Weston.” “Magpahinga ka muna saglit at ihahanda ko lang ang warm bath mo.” Isang halik mula sa kaniya ay mas lalong lumawak ang ngiti ko. Hindi ko akalain na magiging maganda ang bunga ng pagsasama namin kahit na nangangamba ako. Natural lang ba mangamba? Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko pero habang iniisip ko na mas maganda ang kapatid ko at maaring mahulog si Weston sa kaniya ay natatakot ako. Mas matimbang nga ba ang pagmamahal kaysa sa labas na kaanyuan? “Ang gandang bata talaga nitong si Anthonet!” Bida ng aking tiyahin sa mesa ng hapunan. Dito sila nag-dinner at ayos lang naman iyon sa akin… ayos lang ba talaga? Kailangan ko ba talaga pakisamahan ang mga taong wala namang naambag sa buhay ko kung hindi ang laitin lang ako? “Ito namang si tita parang hindi na nasanay!” Humalik si Anthonet sa aking tiyahin na siyang paupo pa lamang sa kaniyang upuan mula sa aking harapan. Ang iniisip ko ay tatabi sa kaniya si Anthonet ngunit nagkamali ako. Tumabi siya sa asawa ko. Sobrang sama ko na ba talaga kung napa-paranoid na ako? Kapatid ko naman iyan… bata ‘yan at hindi ‘yan papatusin ni Weston. May tiwala ako sa asawa ko. “Ang gandang couple! Ang perfect niyo!” Sambit pa ng isa kong tiyahin. “Tita! Asawa po siya ni Ate Leveste…” Animo’y nahihiya pang banggit ni Anthonet sa tiyahin ko na natatawa pa rin. “Wala ka pa rin bang boy friend, Anthonet? Ikaw Weston baka may kapatid ka pa r’yan…” sunod pa ng tita. “Wala po…” sagot ni Weston. “Kung siguro ay unang nakilala lamang ni Weston ang kapatid mo, Levest-” “Nakilala ko na po noon si Anthonet. Boy friend siya ng kakilala ko. Hindi ko naman alam na siya pala ang kapatid ng asawa ko.” Hindi pinatapos ni Weston ang tiyahin ko nang sabihin niya iyon. Kita ko kung paano natahimik ang tiyahin ko. “W-well… well, dahil may boy friend siya noon. Kaya siguro hindi mo niligawan, ano? Ayaw mo kasi na agawan ang kaibigan mo.” Sa naririnig ko ay parang wala nang natitirang respeto pa sa akin para rito. Hindi ako nakikita ng mga tao rito bilang asawa ni Weston o bilang pamangkin nila na anak ng kapatid nila. “Please… stop pushing me to like Anthonet. It’s so disrespectful to my wife.” Umangat ang aking tingin sa asawa ko na kunot na ang noo habang nakatingiin sa mga kamag-anak ko. “Oh! Of course! Niloloko ka lang naman namin, Weston. Don’t be angry… ito naman!” Bawi pa ng isa kong tiyahin. “Eat now, my wife.” Gusto kong maluha nang ibulong niya iyon sa akin. Tumungo ako nang simulan kong galawin ang nasa harap kong pagkain na kaniyang ibinigay. Sa ilang pag-uusap ng mga tiyahin ko ay kahit paano’y nakakasabay ako lalo’t ang usapan ay sa mga business. Basta pera ang usapan ay ako ang kinakausap nila. “Leveste! My dear!” Nasali ako muli sa usapan nang tawagin naman ako ng tita. “Naaalala mo nu’ng sinasabi ko sa ‘yo? Iyong kaibigan kong gustong ipabili ang shares niya sa ‘yo? What do you think? Bibilhin mo na ba?” Kumunot ang noo ko saglit nang wala naman akong sinabi na bibilhin ko iyon. “I’ll check the background po muna, Tita.” Tumungo naman siya sa akin. “You should buy that, dear. Baka mapahiya ako sa kaibigan ko. Saka pera naman iyon ng kapatid ko.” Pikon akong ngumiti. Tama nga naman sila… pera ng tatay ko iyon, pero ako ang nagpalago. “Nakita ko ang details and they’re pricing it too high para sa naluluging kumpanya,” wika ni Weston. Nakita niya na? Samantalang ako ay hindi ko pa nakikita at wala na rin naman ako balak tignan iyon. “But… but it’s a good investment, Archer. Malay mo ay lumago ang company. Hindi natin masasabi ang future,” si Anthonet naman ang sumingit. “Mabuti pa ang bunso ng kapatid natin ay marunong mag-isip sa mga business.” Patama pa nila sa akin pero hindi ako kumibo. “It has nothing to do with the future, Anthonet. You know nothing about business. If you only rely on it for the future, you're squandering your money.” Pinigilan ko si Weston. “Chill, Archer!” Bawi naman sa kaniya ni Anthonet pero bakas sa mukha niya ang animo’y nahiwa sa sinabi ng asawa ko. “Weston, calm down…” Hawak ko pa sa mukha niya nang mapagtanto kong tumungo lamang siya at ngumiti sa akin. Wala nang nagsalita nu’n kahit sino man sa amin. Siguro ay ngayon lamang nila nakita si Weston na gano’n. Noon naman kasi ay kahit may sabihin si tita ay hindi pinapalagan ni Weston, dahil pinipigilan ko lagi. Natapos ang hapunan nang hindi na kumikibo sa amin si Anthonet. Umuwi na rin ang mga tiyahin ko at napansin ko kung paano maglakad papalayo si Anthonet sa amin. “Mauna ka na sa taas, Weston. Kakausapin ko lang ang kapatid ko.” Hinawakan ko ang kaniyang pinsgi. “Mahal na mahal mo ang kapatid mo talaga, ano?” Tanong niya pa sa akin na ikinatungo ko naman. “Siya na lang ang natitira kong kapatid, Weston. Gagawin ko lahat para lang hindi siya masaktan at hindi mahirapan sa buhay.” Ngumisi siya sa akin at dali-dali naman akong hinalikan sa noo. “Kaya gusto ko tuparin mo ang pangako mo sa akin, ha? Kung una akong mamatay sa ‘yo ay tignan mo ang kapatid ko’t pagsabihan mo na para kang kuya niya.” Naningkit pa ang mata ko. “I was her brother, Leveste. May kuya na siya at ako iyon…” Gumaan ang loob ko nang sabihin niya iyon. Ano pa nga ang dapat kong ikaselos kung ang tingin lang naman pala ni Weston sa kapatid ko ay isang kapatid lamang? Sandali lamang nang umalis na si Weston at dumiretso sa itaas at ako naman itong pinuntahan ang kapatid kong nagduduyan sa garden. “Bakit nariyan ka mag-isa?” Umupo ako sa katabi niyang duyan. Wala akong narinig na sagot. “Anthonet… alam mo ba nu’ng kasing edad mo ako? Nu’ng nawala si daddy ay hindi ba’t ako ‘yung naging CEO nu’n?” Lumingon siya sa akin at animo’y nakuha ko na ang kaniyang atens’yon. “Hindi ako marunong mag-handle ng business noon kasi ano aasahan mo sa batang babaeng nag-aaral pa lang ng college,” tuloy ko sa aking kwento. “Alam mo bang ang rami kong narinig na sinasabi nila no’n? Tapos uuwi ako sa bahay at nakikita kitang nagsusulat sa papel mo at nakakuha ako ng lakas.” Ngumuso siya sa akin. “Kaya masaya akong nakapag-aral ka sa ibang bansa at nagawa mo ang mga gusto mo.” Nakangiti pa akong kwento pero nakita ko lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi natutuwa… “A-ahh… inaantok ka na? Matulog ka na sa taas, Anthonet.” Ngunit nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa akin at umiwas ng tingin. “Bakit? Ayos ka lang ba?” Lumingon pa ako sa gilid ko upang tignan kung ano ang pinanlakihan niya ng mata. “Anthonet, tara na?” Tumayo ako mula sa pagkakasiso nang sandali lamang iangat niya ang tingin sa akin. “Mauna ka na, Ate. Sanay akong mag-isa, e. Hindi ko kasi gusto ‘yung ginugulo ako kapag nag-iisa ako.” Matamis siyang ngumiti sa akin na ako naman itong ikinabahala ko. “G-gano’n ba? O-okay…” Mapait akong ngumiti at umalis sa kaniyang harapan at naglakad na lamang patungo sa loob ng kwarto namin ni Weston. “Papasok na ako sa loob, ha? Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka.” Mariin niya akong tignan at ngumiti. “Oo naman, Ate. Kung tulog ka ay si Archer na lang… hindi naman iyon makakahindi at para niya rin akong baby-baby…” Halakhak niya pa. Mabigat ang paghinga ko at ngumiti sa kaniya. Itinaas niya ang kamay niya’t animo’y pinaaalis na ako. “Umalis ka na, Ate. Sleep tight… don’t let your husband come by…” Mas lumawak pa ang kaniyang ngiti. Agad akong tumalikod at hindi na nagsalita pa. Nakapasok ako ng kwarto na tulog na si Weston. Sandali lamang nang umupo ako sa kama. Hindi nanaman mawala sa isip ko ang sinabi niya. Ano ba talaga ang trip ng kapatid ko? “Uhmmm… nakaidlip pala ako, mahal ko.” Luminga ako nang yakapin niya na ang bewang ko mula sa aking pagkakatalikod sa kaniya sa higaan. “Nag-iisip ka nanaman ba?” Tanong niya pa. “H-hindi, ah.” Bakit ba ako nagsisinungaling? “Halika nga rito…” Sabay hila niya sa akin na ikinagulat ko. Hinampas ko ang kaniyang braso ngunit isang halik na mula sa aking leeg ang natanggap ko mula sa pagkakatalikod ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD