bc

The Battle We Fight

book_age16+
15
FOLLOW
1K
READ
badboy
goodgirl
badgirl
independent
brave
highschool
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nicole is a senior high school student at Stravinsky University. She grew up to be an assassin and spy. She took an order from her mother; one of her missions is to be close with Zk and Ke, and took the information she needed. But one day her mother gave her an order to kill Jerome Diaz; she didn't even know that mission unviel the truth about her whole life.

chap-preview
Free preview
BATTLE 1 - CHAPTER 1
Nicole's POV Nandito ako ngayon sa library namin nagbabasa dahil may quiz kami later. Pero hindi lang talaga 'yan ang dahilan kaya nandito ako sa library dahil nakakapag-isip ako dito ng maayos na walang nanggugulo sa akin. Paano ba naman kasi masyadong magulo ang ibang student dito at ako ang lagi nilang trip. Dito lang naman tumatahimik ang buhay ko. Napansin kong may tumabi sa tapat na upuan ko hindi ko na tinignan kong sino pa ito dahil busy akong nagbabasa. "Miss." Hindi ko alam kong sino ang tinatawag n'ya kaya 'di pa rin ako kumibo. Naramdaman kong may kumalabit sa akin tsaka lamang ako tumingin sa kong sino mang nanggugulo na 'to. Ngumiti siya sa akin na kilala ko kaagad siya. Si Alex Reyn isa siya sa mga kilalang student dito kaya na recognize ko kaagad. "Itatanong ko lang sana kong napansin mo kanina kong nandito si Ke." Umiling ako sa kan'ya dahil 'di ko naman napansin si Ke dito. Umalis na din siya agad after n'ya magtanong at nag thank you. Tsaka ko lang din napansin na nag-iisa na lang pala ako dito. Tinignan ko ang wrist watch ko, it's time for our next subject na pala. Inayos ko muna ang bag ko at binalik ang libro na binabasa ko aalis na sana ako nang mapansin kong may tao pa pala dito. Hindi ko malaman kong sino dahil natatabunan ng libro ang mukha n'ya habang nagbabasa. Mukhang nahalata 'ata n'ya na nakatingin ako sa kan'ya kaya ibinaba n'ya ang libro at tinignan ako. Umiwas ako agad nong magtama ang mga mata namin. It's Ke kaya pala hindi ko siya napansin kanina nandito pala siya naka pwesto sa likod. Isa din siya sa mga popular na student dito and SSG President siya. Actually siya ang hinahangaan ko sa lahat ng student dito lagi siyang nandyan sa bawat kamalasan ko sa buhay. Pero hindi ko alam kong natatandaan n'ya ba ako or kilala n'ya man lang ba ako. Nasa kan'ya na kasi ang lahat matalino, sporty, gwapo, mayaman. Ah basta napakabait n'ya rin kahit na 'di kami nagkakasama pa basta 'yon ang instinct ko. Lumabas na ako ng library dahil late na talaga ako nito sa next subject baka 'di ako maka take ng quiz namin. Sayang naman ni review ko. "Hoy babae!" Napapikit ako pagkarinig ko palang ng boses ni Blaze. Gosh, ang malas naman mukhang 'di na 'ata ako makakapagtake ng quiz nito. Paano ba naman kasi kilalang bully dito si Blaze and worst ako ang palagi n'yang trip. Hindi ko alam sa babae na ito kong bakit ako laging nakikita. Siguro dahil wala akong friends dito kahit isa. "Ano naman ba ang kailangan mo?!" Actually gusto ko siyang labanan kaso wala akong laban dahil marami siyang mga kasama. Tapos ako lang din ang talo ma influence ang pamilya n'ya dito sa School. Kahit mag reklamo ako, ako ang mapapasama pinsan din siya ni Ke. "Wow! So, sumasagot ka na ngayon?!" Tinaasan n'ya ako ng kilay. Ayoko ng gulo kaya aalis na lang ako tapos inaalala ko pa yong quiz namin. Tinalikuran ko na sila pero di pa man ako nakakalayo naramdaman ko na ang sakit sa paghila n'ya ng buhok ko. "Ayoko sa lahat 'yong tinatalikuran ako." Dati gandang ganda ako dito kay Blaze, e. Pero maganda naman talaga siya pero yong ugali napaka pangit. Dati naman 'di n'ya ako trip nag start lang 'to ngayong year ako na palagi. "Blaze!" Binitiwan n'ya ang buhok ko ng marinig n'ya ang sumigaw sa kan'ya. It's Ke ang sama ng tingin sa kanya ni Ke. "What?! Wala akong ginagawa sadyang bastos lang kausap 'tong babae na'to!" Gusto ko nalang mapairap sa pinapagsabi n'ya. Hindi ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang n'ya tong si Blaze or sadyang spoiled brat siya kaya ganito. "Blaze ilang beses na ako nakikiusap sa'yo kahit bilang pinsan mo man lang kahit minsan sundin mo naman ako." Saad ni Ke kay Blaze at si Blaze naman parang walang balak magbago kahit na nakikiusap na sa kanya si Ke. "My dear cousin, sorry but no mwaah." Ngumiti sa kanya si Blaze ng pagkatamis tamis at hinila ako palapit sa kan'ya. "Blaze Stop!" Tumaas na ang boses ni Ke. "Wala akong gagawin may iuutos lang ako sa kanya and after that okay na she can do whatever she want." May kinuha si Blaze sa bag n'ya at inabot sa akin. "Ibigay mo kay Zk." Parang tumigil ang mundo ko nong sinabi n'ya kong sino papagbigyan ko ng papel na inabot n'ya. "Pwede mo naman iutos sa akin 'yan Blaze lalo na 'di nag e-entertain ng kong sino-sino si Zk." Kaya nga bakit sa akin pa talaga sobrang pangit din ng ugali ng lalaki na 'yon. Pinaka worst, pinaka maarte sa balat ng lupa. "Kong gusto mong tigilan ko siya gagawin n'ya ang gusto ko." Sagot ni Blaze kay Ke. Okay gagawin ko kong dahil dito tatahimik kahit pa paano ang buhay ko. "Ke, okay lang kong 'yan magpapasaya kay Blaze." Tinaasan lang ako ng kilay ni Blaze at nag irap. Hindi na sumagot si Ke at naglakad na ako para hanapin kong na saan si Zk. Pagkakaalam ko sa main building siya tumatambay sa rooftop non. Siguro nga nandon siya ngayon. Hindi ako dapat kabahan dahil una tao din naman si Zk hindi siya nangangain okay? Huminto muna ako saglit sa labas bago pumasok sa loob dahil alam kong hihingalin ako sa taas. Paano ba naman kasi hindi pinapagamit ang elevator kapag ordinary student ka lang napaka unfair talaga ng mundo. Nagsimula na ako maglakad sa hagdanan. Grabe nakakapagod kahit nasa unang floor pa lang ako 7th floor pa ang lalakarin ko. Bakit ba kasi hilig hilig mag tambay ng lalaki na 'yon dito sa rooftop? Porket nakakagamit siya ng elevator. Ito na nga nakarating na ako sa 7th floor na pumapatak ang pawis at naghihingalo. Char! Mawawalan lang ata ako ng hininga sa sobrang pagod. Kumatok ako sa pinto. May pinto pa kasi pa papasok sa rooftop. Pero walang sumagot baka wala siya dito? Pero kong nandyan baka may ginagawang kababalaghan. Yuck! Ano ba 'tong iniisip ko! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang lumalaki ang bukas ng pinto nakita ko na siya nakaupo, may suot na earpods habang nakapikit. Kaya 'ata di narinig ang pagkatok ko. Pinagmasdan ko lang siya habang nakapikit di ko alam kong tulog ba 'to or nakapikit lang talaga. Tsaka ko lang napagtanto na gwapo pala siya mas gwapo kay Ke. Gosh, bakit ko ba 'to iniisip?! Sana okay ka pa Nicole kong ano-ano nasa utak mo. Mukha din maamo ang mukha n'ya kapag ganito 'wag lang talaga siya gigising. Kinabahan ako nang iminulat n'ya na ang mga mata n'ya. Sobrang sama ng tingin n'ya sa akin parang papatayin na ako. Sabi ko na nga ba nakakatakot 'di katulad kanina na napakaamo ng mukha n'ya. "What are you doing here?!" Hindi ganon kalakas ang boses n'ya pero ramdam mo yong banta ng boses n'ya. Parang nawalan ako ng boses sa tanong n'ya. Siya kinaiinisan kong student dito sa school hindi ko alam kong bakit kahit wala pa naman siya ginagawa sa akin dati bwesit na ako sa kanya. Lalo na siguro ngayon na na encounter ko na siya totoo pala talaga ang tsismis masama ng ugali and hindi approachable. "Wala ka bang bibig?!" Tsaka lang ako natauhan sa tanong n'ya. Mukha na siyang galit ng tinignan ko. "May pinapabigay si Blaze sa'yo." Tumayo siya at napaatras ako nong papalapit na siya sa akin. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan ng sobra sa kanya. Ganito ba kalakas ang impact n'ya para matakot ako sa kan'ya. Basta kasi parang may kakaiba sa kanya bawat kilos n'ya parang mapanganib. Hinablot n'ya sa akin ang papel at pinunit 'yon hindi man lang siya nagtakang basahin bago nilampasan ako. Hindi ko na alam kong saan siya pumunta after non. Mas lalo ko talaga siyang naging hate after nito. Dati kaya naiinis ako sa kanya dahil sa mga naririnig ko sa mga sabi-sabi na suplado siya. Tapos ayaw n'yang tinitigan or tinitignan pero kahit sino naman maiilang kapag tinitigan. Ah basta ayoko talaga sa kanya kahit siya pa matirang lalaki sa balat ng lupa! After n'yan umuwi na ako dahil 'di na ako nakaabot sa subject na pinag reviewhan ko pa hindi lang din naman ako makaka take. Sayang lang sa oras kasalanan 'tong lahat ni Blaze, e. Napaupo ako sa sofa na 'di alam ang gagawin dahil sobrang boring. Napatingin ako sa paligid ang daming mamahalin na gamit dito sa bahay pero nag-iisa lang ako. Kong tatanungin n'yo kong na saan ang pamilya ko. Nasa ibang bansa sila huling nakasama ko sila bata pa ako 6 years old pagkatapos non hindi ko na sila nakasama pa. Tanging yaya ko lang ang kasama ko dito sa bahay pero wala na rin siya iniwan n'ya na din ako. Kaya start nong nag 13 ako independent ako dito sa bahay tumatawag din naman ang parents ko nangangamusta sa akin. Pero sino bang parents ang matutuwa na iiwan ang anak ng mag-isa dito? Parents ko lang 'ata kasi 'di man lang nila ako naalala kahit birthday ko hindi na ata nila alam. Gosh, napaka drama ko na dito. Ipon na ipon na kasi siguro ang sama ng loob ko kaya siguro ako nag e-emote ngayon. Nagpapadala naman sa akin ang parents ko kaya nga nabubuhay pa rin ako ngayon lagi sila nag babank transfer sa mga bank account ko. Yon ang ginagamit ko sa panggastos sa lahat. Dati sobrang saya ko kapag naalala nila kahit tawag man lang pero ngayon masaya pa rin naman pero nasasanay na ako na wala sila at maaalala lang nila ako kong kailan nila gusto. Nag vibrate ang phone ko and speaking of, it's mom. Sinagot ko agad "Hello mom." Walang gana na sagot ko dahil alam kong hindi naman 'ata para sa akin kaya siya tumawag. "Remember my task for you don't forget that!" See? Hindi n'ya man lang naitanong kong kamusta ba ako. Minsan naiisip ko kong anak ba talaga nila ako or hindi. "Hindi ko po nakakalimutan." Sagot ko. "Good. Tatawag nalang ako ulit may aasikasuhin ako nakapagtransfer na rin ako ng 500k sa bank account mo." After n'yang sabihin 'yan binaba n'ya na ang tawag. Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Hinubad ko ang shirt ko at tinignan ko ang sugat ko sa may dibdib kong magaling na ba. Nakuha ko ang sugat na 'to dahil sa pag spy ko sa isa sa mga member na pinapa investigate ni mommy. Noong iniwan ako ni mommy dati nagtaka ako kong bakit may mga taong 'di ko kilala na pumunta sa bahay. Noong una natakot ako pero kalaunan hindi na. Sila ang nag training sa akin kong paano humawak ng baril, kong paano mag self defense at kong ano-ano pa. Hindi ko alam kong bakit kailangan kong pag-aralan ang mga bagay na 'yon dahil 'di gawain ng isang bata 'yon. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Maraming mga tanong na hindi ko pa rin masagot sagot na kong bakit kailangan kong pumatay para kay mommy. Alam kong mali pero nag iinvestigate din naman ako with my own hindi din sila mga inosenteng tao kaya deserve din nila. Lumabas ako ng bahay para pumunta sa isang fast food chain dahil tinatamad na ako magluto ng dinner ko. Habang naghihintay ng order napatingin ako sa paligid sobrang saya nila. Lalo na 'yong mga bata na kasama ang family na hindi ko man lang naranasan na hindi ko na ata mararanasan hanggang mawala ako dito sa mundo. Ano kaya pakiramdam na may loving parents? ***** Note: Pronunciation po ng Ke is Ke-e. Thank you for reading my dear readers.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.4K
bc

Dangerous Spy

read
323.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.1K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
146.0K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
58.1K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook