Nicole's POV
Galing ako sa cafeteria para bumili ng pagkain umalis din ako kaagad para mag hanap ng pwesto. Pero hindi ako sa loob ng cafeteria naghanap dito sa labas. Saan kaya pwede tumambay dito? Yong tahimik sana 'yong 'di ako magugulo ng kahit sino man.
Naglakad pa ako nang naglakad hanggang sa narating ko na pinakadulo nitong school. Medyo mapuno na dito mabuti nalang din para mahangin at di mainit. Natatanaw ko na lang sa 'di kalayuan ang mga building ng school namin. Naghanap ako ng pwedeng upuan ko kaso lang napatigil ako dahil may tao pala dito.
"Sinusundan mo ba ako miss?" Gusto kong umangal pero hindi ako nag salita dahil 'di ko rin alam kong bakit. Siguro ganito talaga kapag kausap mo crush mo. Akala ko magagalit siya pero ngumiti siya sa akin.
"Kidding, pwede ka umupo dito sa may tabi ko." Ito pinakamalaking puno dito at malawang kasya kahit tatlong tao ang umupo sa may ugat ng puno.
"Salamat." Sabi ko tsaka umupo sa kabilang side ng ugat ng puno bale magkaharapan kaming dalawa. Medyo awkward kasi ang tahimik naming dalawa habang kumakain ako ng sandwich. Kailangan kong mag-isip ng topic.
"Ehem... Gusto mo ba?" Inabot ko sa kanya yong isang sandwich ko nakakahiya naman kong mag-isa lang ako kakain nito mabuti nalang talaga dalawa binili ko.
"Thanks." Kinuha naman ni Ke at ngumiti sa akin. Sobrang layo talaga ng ugali ni Zk kay Ke kahit na mag pinsan din silang dalawa. Bakit kaya? Kailangan kong makakuha ng information about them dahil sa task na pinapagawa sa akin ni mommy.
"By the way lagi ka ba tumatambay dito? Bago ko lang kasi nalaman na meron palang ganito." Kong matagal ko na 'tong alam siguro dito talaga ako laging tumatambay ang presko pa ng hangin.
"Yeah, actually dito kami tumatambay dati ni Zk noong mga bata pa lang kami." Napatigil ako sa sinabi n'ya pagkakaalam ko hindi na raw sila close ni Zk. Pero noong mga bata pa sila lagi sila mag kasama kahit saan. Ano kayang nangyari sa kanila? Hindi ko pa sila ulit nakikita na mag kasama pero malay ko ba. Pero naririnig ko kasi minsan sa mga school mate ko na 'di pa rin daw sila okay until now.
"Sobrang ganda dito bat ayaw na ng pinsan mo na masama ang ugali?" Napatawa naman siya sa tanong ko.
"Ganon siguro talaga people change. Hindi natin mapipigilan ang isang tao na magbago at di natin sila pipilitin na mag stay kong ayaw na sa atin." Tama nga naman siya habang nagsasalita siya napatitig ako at ngayon ko lang napagtanto na color blue pala ang mga mata n'ya.
Hindi kaya? Pero imposible kailangan kong ma confirm kong color blue talaga ang mata n'ya.
"Ang ganda ng color ng mga mata mo." Ngumiti siya ng bitter sa sinabi ko hindi ko alam kong bakit ganon ang ngiti n'ya.
"Maganda nga pero nang dahil dito hindi na mababalik yong pagkakaibigan namin ni Zk." Mas lalo akong na curious kong anong nangyari sa kanilang dalawa ni Zk.
"Sabi na nga ba nandito ka, e." Napatigil kami nang makita namin si Alex napalapit sa amin.
"Wooah may kasama ka pala Ke? First time kitang may nakitang kasamang babae dito ah. Chicks mo ba?" Parang gusto ko naman kutusan 'tong si Alex sa mga pinapagsabi n'ya.
"Umayos ka nga naligaw lang siya kaya nandito siya. May kailangan ka ba?" Lumapit si Alex kay Ke at may ibinulong.
After non tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Ang harot naman ng lalaki na 'to! Napangiwi nalang ako.
"Ano nga pala pangalan mo?" Finally ito na hinihintay ko 'yong ma kilala ako ni Ke. Yong malaman n'yang nag e-exist din ako.
"Nicole."
"Nice to meet you Nicole. Next time nalang ulit mauna na kami."
"Sheeshh" para namang kinilig si Alex sa tabi namin.
Kinuha n'ya ang bag n'ya na nakasabit sa sanga ng puno at naglakad na paalis pero hindi pa man sila nakakalayo lumingon siya at nag wave sa akin. Syempre ako ngumiti at nag wave rin. Sobrang bait n'ya talaga bata pa lang ako siya na laging nagtatanggol sa akin. Pero hindi n'ya man lang ako napansin non kahit isang beses dahil busy siya sa mga umaaway sa akin. Bilang ssg president role nya kasing mapanatiling maayos dito kaya kapag may nanggugulo lagi siyang nandoon. At ako namang laging hinahanap nang gulo syempre nandon din ako.
Grabe talaga hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to sa akin. Kailangan ko pang maghanap ng information about them. Actually hindi ko rin alam kong bakit ang mission sa akin ni mommy ang mapalapit sa kanila at kailangan ko siya i-update sa mga matutuklasan ko. Ano bang meron sa pamilya nila na interested si mommy?
Hindi naman ako interested sa buhay nila pero naging curious ako about sa mata ni Ke and kong bakit hindi na sila nag-uusap ni Zk. Sobrang pamilyar kasi sa akin ang color ng mata n'ya.
Kailangan ko ring maging maingat sa mga itatanong ko at gagawin ko baka mahalata nila.
****
Pumasok na ako ng room namin dahil maya-maya din mag bi-bill na for next subject.
Nasa pinaka last raw ako umupo dahil naunahan na ako ng ibang classmate ko sa upuan. Wala pa kasi naayos ng teacher namin kong saan kami uupo kaya kahit saan lang kami umupo. Gusto ko rin sana sa may unahan dahil medyo malabo ang mata ko at wala akong eyeglasses na suot.
Nasa harapan ko si Kaylee. She's a twin sister of Ke. Katulad din siya ni Ke na napakatalino hindi ko nga alam kong bakit napunta ako sa section na 'to. Hindi naman ako katalinuhan more on matatalino kasi ang nandito at ako ang pinaka chill lang dito.
Ibang strand din kasi kinuha nila Ke kaya di namin classmate. Hindi ko nga pala nasabi na senior high na ako grade 12.
*****
Kaylee's POV
Nasa parking area na ako ngayon naghihintay sa kambal ko. Sa kanya kasi ako sumasabay pauwi sa bahay paano ba naman kasi ayaw pa ako payagan ni daddy and mommy magka kotse ng sariling akin. Kaya ito palagi ko nalang hinihintay ang kambal ko na sobrang tagal umuwi.
Maraming mga student dito ngayon dahil uwian na nga. Nakita ko pinsan kong si Zk kong sa kanya na lang kaya ako sumabay 'di ba?
"Zk!" Napatigil siya sa pagbukas ng pinto ng car n'ya. "Itatanong ko lang sana kong papunta na rin ba si Ke dito." Mag kaklase kasi sila kaya sa kanya ko nalang itatanong tsaka gusto ko sana sumabay sa kanya pero baka maging yelo lang ako sa loob sa sobrang cold n'ya. Sobrang tipid n'ya kasi sumagot 'yong kambal ko lang nga 'ata nakakatagal sa ugali n'yang ganito dati. Noong friends pa sila no one's knows anong nangyari sa kanilang dalawa kong bakit 'di na sila nagpapansinan.
"I don't know." After n'yang sumagot pumasok na siya sa kotse n'ya at pinahurorot paalis 'yon. Wow! Napaka un-gentleman naman hindi man lang ako inaya na sumabay na lang sana.
"Kie." Napalingon ako sa tumawag sa akin it's Zyrone. Hindi ko siya pinansin instead kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Ke. Nagriring naman ang phone n'ya kaso hindi n'ya sinasagot.
"Baka mamaya pa si Ke sa akin ka nalang sumabay." Gusto ko sana sumabay kaso lang ayoko mapag-usapan ang past. Last time kasi na sumama ako kay Zyrone binabalik yong past naming dalawa. He's my ex boyfriend by the way. Ayoko na kasi balikan 'yong nakaraan kaso lang 'tong si Zyrone parang 'di pa 'ata move on sa akin. Actually mabait naman si Zyrone at isa siya sa bestfriend ng kambal ko at close siya ng family ko. Pero ganon talaga may mga relationship na hindi nagwowork kahit anong gawin.
Pero hindi alam ng parents ko and my twin na naging kami ni Zyrone dahil inilihim ko 'yon. Ayoko pa kasi may makaalam na nagkaroon na ako ng boyfriend sa ganong age pa lang. Sobrang bata ko pa kasi non like 15 or 16 ah basta hindi ko na tanda. Tsaka hindi pa rin ako seryoso non kaya patago lang ang relationship namin.
"Hindi na hintayin ko nalang si Ke." Sagot ko sa kan'ya halata sa mukha n'ya na nalungkot siya sa sagot ko. Gusto ko sana ma guilty pero ito lang paraan para makapag move-on na siya.
"Sige mauna na ako." Tumango ako sa kanya.
Bakit ba naman kasi napakatagal ng kambal ko? Kapag nangyari pa talaga ako 'di na ako papayag kila daddy na hindi ako magkaroon ng own car, I can drived naman pero 'di ako pinapayagan dahil wala daw silang tiwala sa akin mag drive. As far as I know 15 years old pa lang si mommy pinapayagan na siya dati mag drive ng sarili n'yang car. So, unfair naman na 18 years old na ako pero hindi pa rin pinapayagan. May sarili na rin akong license pero walang tiwala sila mommy sa pag d-drive ko.
Napansin kong ako na lang ang nandito sa parking area at kukunti nalang din ang mga naka park na kotse. Tinawagan ko ulit ang kambal ko dahil napakatagal n'ya talaga and good thing sinagot na rin.
"Anong oras mo pa balak akong paghintayin dito sa parking arae?!" Padabog at pasigaw na sabi ko sa kan'ya. Sa kanya ko lang 'ata nararanasan ang maghintay ng gannito.
"Papunta na ako may tinapos lang ako." Pinatay ko na tawag dahil baka lalo lang ako mainis at baka sirain ko 'tong kotse n'ya na nasa harapan ko, edi dalawa pa kaming 'di nakauwi.
After 5 minutes narinig ko na ring may footstep na parating and buti na lang yong kambal ko na.
"Sa wakas! Like one hour na ako naghihintay dito 'di ka man lang ba naaawa sa akin? Kapag ako nainis ako uuwi kang nag co-commute." Sabi ko sa kan'ya. Actually kaya ko kasing i-hack 'yong kotse ni Ke kong gugustuhin ko kaya ko siyang mabuksan at ako na mismo mag d-drive. Kaso dahil mabait akong kambal at masunuring anak syempre 'di ko gagawin 'yon.
"Try it if you can." Tumataas baba pa 'yong kilay n'ya habang sinasabi yan. Ah talagang hinahamon n'ya ako. Humanda ka sa sunod dahil wala ka nang kotse na aabutan sa sunod sa parking area.
"Watch me."
*****
Nakarating na kami sa bahay at sinalubong kami ni daddy and mommy para mag dinner na rin.
"Bakit nakasimangot ka naman Kie." Tanong sa akin ni daddy pagdating na pagdating ko palang napansin n'ya ata na badtrip ako.
"Sino ba naman kasing 'di mapapasimangot kong kasabay ko 'yong unggoy na kambal ko daddy."
"Hoy anong sabi mo?! Narinig ko yon!" Agad akong tumakbo dahil for sure gaganti sa akin ang kambal ko. Dumiritso ako sa room ko para na rin magbihis after bumaba na ako para mag dinner.
Habang kumakain kami naisip kong magpabili na ng car ko mismo.
"Daddy ibili mo na rin ako ng car para hindi na ako hintay ng hintay dyan sa kambal ko. Palagi na lang akong pinapaghintay." Dinalaan ko yong kambal ko after ko 'yan sabihin at siya naman masama lang tingin sa akin.
"Matuto ka rin kasi maghintay kahit minsan bihira lang naman mangyari 'yon." Napa rolled eye nalang ako sa sagot n'ya. Ilang beses n'ya na ba ako pinaghintay?
"Ibibili kita sa birthday mo." Gusto ko sana maging happy pero napakatagal pa ng birthday namin ni Ke.
"But dad ang tagal pa non. 18 na rin naman ako same with my twin pero ako bawal." Nag pout ako sa kanila baka sakaling maawa sila sa akin. Yong reaction ng kambal ko parang nandiri sa paawa effect ko bwesit talaga. Kahit kailan talaga never nag support 'to sa aking kambal ko.
"Ibili mo na kasi yang anak mo at nang 'di na palaging nagrereklamo." OMG effective ang paawa effect ko kay mommy.
"Kaya nga daddy maawa ka naman sa akin." Halos nagpa teary eye ako para lang maging effective 'tong paawa effect ko.
"Not now You're too reckless." Nanlumo naman ako tapos tinawanan pa ako ng kambal ko. Last time kasing nag drive ako mag-isa naibangga ko kotse ni daddy kaya naiintindihan ko naman kong ayaw pa talaga ako payagan magkaroon ng own car. Pero napakatagal na non at bata pa din kasi talaga ako.
****