Nicole's POV
Gumagala ako ngayon dito sa school namin dahil wala kaming klase. May emergency meeting kasi ang mga guro may iniwan lang activity 'yong teacher namin pero tapos ko na rin. Naisipan kong pumunta sa music room para makapag practice ako mag piano. Gusto ko kasing matuto non matagal na kaso 'di ako nagkakaroon ng time. Marunong naman ako pero kunti lang hindi pa talaga bihasa.
Nasa hallway pa lang ako papuntang music room may naririnig na akong nag s-stram ng gitara. Mukhang may tao sa music room kong maraming tao 'di na ako tutuloy.
Pero nang pumasok ako isang tao lang ang nakita and it's Zk. Ang ganda ng tinutugtog n'ya kahit na 'di ko alam kong anong kanta ba yon. Ngayon ko lang din nalaman na marunong pala siya mag gitara.
Napahinto siya sa pagtugtog ng mapansin n'yang nakatingin ako sa kanya.
"Hi." Nag wave ako sa kanya pero hindi man lang nag wave back pabalik. Napangiwi tuloy ako para naman ako nitong na pahiya.
"What you're doing here?" Para namang 'di ako welcome dito? Pagkaalam ko music room 'to at pwede lahat ng student.
"Hindi ba music room 'to? Hwag mong sabihin na 'di ako pwede dito? Pag-aari mo ba?"
"Yes it is." Mabilis na sagot n'ya at ang sama pa ng titig n'ya sa akin parang lalamunin akong buhay.
"Hoy Zacharias! Ano na naman bang problema mo? Para sa lahat 'tong music room 'wag mong inaangkin. Hindi porket mayaman ka inaangkin mo na ang lahat ng nandito."
"Anong sabi mo?!" Hindi ko alam kong matatakot na ba ako sa kanya kasi literal na galit na talaga siya.
Mukhang na pikon siya sa tinawag ko sa kanya. Actually hindi naman ako ganito sa kanya talaga, pero kailangan kong mapalapit sa kanya. Pero tama ba 'tong way ko ang inisin siya para lang mapalapit sa akin. Ang tanga mo Nicole baka lalo kang layuan nito.
"Sabi ko Zacharias! Hindi ba name mo Zachary Kent dzuh pinaganda ko lang." Sagot ko naman sa kanya na mas lalo n'ya pa 'atang ikinapikon. Pagkakaalam ko kasi ayaw na ayaw n'yang tinatawag siya sa full name n'ya or any nickname pa bukod sa Zk 'yon lang dapat itawag sa kan'ya. Napaka arte 'di ba?
"Get out!" Hinila n'ya ako sa wrist at pinalabas sa music room at pinagsarhan ng pinto. Shet! Napikon ko nga 'ata siya ng bongga. Huhuhu paano kaya 'to? Kailangan kong mag-isip ng paraan kong paano ko 'to mapapaamo!
"Hoy Zk! Nagbibiro lang naman ako sa pangalan mo buksan mo na 'tong pinto. Grabe ka naman pala magtampo kawawa naman magiging girlfriend mo n'yan or baka 'di ka na n'yan magka girlfriend. Para naman kasing pinaglihi ka sa sama ng loob. Buksan mo na 'tong pinto 'di na ako galit." Hayys ano ba 'tong pinanggagawa ko sa buhay para naman akong tanga. Pero basta kailangan ko mapalapit sa kanya baka kasi kinulang lang 'to sa aruga kaya ganito ugali.
"Hoy Zk! Hindi mo pag-aari 'tong music room 'wag kang madamot. Buksan mo na 'tong pinto." Pinopokpok ko na ang pinto baka sakaling maingayan siya dahil alam kong hate n'ya ang maingay.
Pinaghahampas ko pa rin ang pinto actually nanakit na nga palad ng kamay ko pero keri pa naman. Buti nalang talaga walang klase kaya ang ibang student wala dito at di maiingayan sa pinaggagawa ko.
"f**k you're so annoying!" Hindi ko namalayan na binuksan na pala ni Zk yong pinto at ako nakasandal ako sa pinto habang pinaghahampasa 'yon. Kaya ang nangyari na out of balance ako. Napapikit ako kasi for sure babagsak ako nito sa napakatigas na sahig.
Pero napamulat ako ng 'di ko maramdaman na tumama ako sa floor.
"You're too heavy freak." Tsaka ko lang na realize na sinalo pala ako ni Zk kaya 'di ako tuluyang bumagsak.
"Salamat." In-snob n'ya lang naman ako pero laki ng improvement non no? Sa pagsalo palang sa akin.
"Saan ka pupunta?" Paano ba naman kasi parang paalis na siya.
"You're too annoying how can I stay?" Para namang pinapamukha nito sa akin na ka iwan-iwan ako.
"Zk dapat masanay ka naman sa maingay hindi 'yong lagi ka lang nag e-emote! Nandito lang ako kong gusto mo ng kausap."
"What? Hindi ako nag e-emote!" Namumula na ang mukha n'ya at mukhang mapipikon na naman 'ata sa akin. Natatawa ako sa reaction n'ya at sa mukha n'ya pero naging cute siya sa paningin ko. What? Nababaliw na ba ako? Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
"Hoy! Hwag ka namang pikon dyan."
"Who the hell are you?!" Nanggagalaiti na siya sa galit sa akin. Sobra na ba ginawa ko? Mukhang 'di n'ya ata talaga ako tanda sabagay kapag wala talagang paki sa'yo 'di ka matatandaan or maaalala.
"Okay fine sorry kong nainis ka. Ganito nalang para mapawi 'yang inis mo pwede mo ako utusan." s**t! Ano ba naman 'tong pinasok ko?
"Utusan?"
"Oo utusan. Kong kailangan mo ng utusan nandito lang ako 'wag ka na nga magalit. Grabe ka naman magtampo."
"What you're talking about?!" Mukhang naiinis naman siya ulit.
"Hoy chill ka lang!" Hinila ko siya papasok ulit dito sa music room para naman kumalma siya at pina upo.
"D'yan ka lang wag ka aalis." Pumunta ako sa may piano at umupo sa harap nito. Nag-iisip pa ako ng pwedeng i-play para naman kumalma siya.
Nag start na ako pumindot ng mga key sa piano. Hindi ako mapakali at tingin ako ng tingin kay Zk baka kasi biglang umalis 'to.
Yong i p-play ko sana 'yong laging tinutogtog sa akin ni mommy noong bata pa ako. Pero sa tuwing tatanungin ko siya about that music hindi n'ya daw alam kong ano 'yon. Siguro dahil matagal na kaya 'di n'ya na siguro matandaan.

Sa sobrang pag enjoy ko sa pag piano hindi ko na pansin na wala na pala si Zk sa inuupuan n'ya kanina. Napatigil naman ako sa pagtutog at nagpalinga linga. Medyo nalungkot lang ako kasi iniwan pa rin talaga ako ka iwan-iwan siguro talaga ako.
Mag e-emote na sana talaga ako nang tumingin ako sa harapan ko and it's him standing beside the wall and staring at me. Bigla ko na lang naramdaman 'yong bilis ng t***k ng puso ko at napahawak ako don. Bakit naman ganito kabilis 'to? Hindi naman ako kinakabahan. Pinakalma ko muna ang sarili ko tsaka ako ngumiti sa kanya.
"Akala ko umalis kana talaga. Magtatampo na sana ako." Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko tsaka umiling iling.
"You're crazy." Tsaka lumabas na talaga siya ng tuluyan. Hindi ko na siya pinigilan atleast 'di ba hindi na siya galit.
Lumabas na rin ako kaso minalas na naman ako, nasalubong ko naman kasi si Blaze.
"Hi miss me?" Ang tamis pa ng ngiti n'ya habang naka wave sa akin. Hindi na ako sumagot sa kanya para sana lampasan siya at magpatuloy sa paglalakad.
"Naibigay mo ba kay Zk yong pinapabigay ko?" Huminto ako at tumango sa kanya.
"He didn't reponse." Ngayon ko lang siya nakita na nalungkot. Don't tell me crush ni Blaze si Zk pero hindi base sa information na nakalap ko second cousin sila. Baka 'di alam ni Blaze na mag pinsan sila kaya 'to nag e-emote. Tumingin naman siya sa akin at nagbago agad 'yong aura ng mukha n'ya.
"Hindi pa tayo tapos Nicole ah. Pa salamat ka nakiusap sa akin si Ke kaya 'di mo na kita guguluhin. Enjoy your day mwaah!" After n'yang sabihin 'yan umalis na rin siya.
Tumingin ako sa wrist watch ko at hapon na pala kailangan ko ng umuwi.
****
Nasa bahay na ako at kinuha ang laptop ko at sinaksak ang flash drive na pinadala ni mommy sa akin.
Inopen ko isa-isa ang mga files at maraming picture na naglalaman. Yong iba hindi ko kilala pero napaka sophisticated ng mga datingan nila. Nag scroll pa ako ng ibang picture and ang napansin ko sa lahat ng picture ay 'yong naka mask na lalaki na color blue ang mata.
May note si mommy na nilagay na kailangan kong i-sabotage ang party na 'to. Mag start sila ngayong 7:30pm at 7:00 pm pa lang naman ngayon. May oras pa ako para makapag-ayos.
Tumayo ako at nagbihis. Kinuha ko ang leather jacket ko at nilagay sa pocket nito ang baril. Kinuha ko rin ang sunglasses ko. Kahit gabi ngayon kailangan ko mag sunglasses at nakakadagdag ng charisma ang sunglasses no. Pinindot ko ang button ng wrist watch ko at bumakas ang isang pinto dito sa kwarto ko. Hindi mahahalata na pinto ito para lang talaga siyang wall tanging itong wrist watch lang ang susi para mabuksan 'to.
Ngumiti ako ng makita ang big bike ko. Sa wakas magagamit ko na rin matagal na rin kasi huli ko 'tong nagamit mga 3 weeks ago na.
Sumakay na ako at nagbukas pa ang isang pinto diritso sa basement ito palabas ng bahay sa likod. In-on ko ang gps ng big bike ko para malaman kong saan ang exact location ng hotel na sinabi ni mommy. Connected kasi 'to sa mga details na binibigay sa akin ni mommy.
After 20 minutes nakarating na ako sa hotel. Malayo pa lang ako nakita ko ng sobrang higpit ng security. Sobrang daming nakapalibot sa hotel. Paano kaya ako nito makakapasok?
Iniwan ko ang big bike ko dito sa malayong part at unti-unting lumapit sa hotel. Kailangan kong maging maingat dahil baka magkamali ako at maging katapusan ko na talaga. Kailangan kong makahuli kahit dalawa sa mga security guard at dapat malayo ito sa ibang mga kasamahan nila para 'di mapansin na nawawala sila.
Tumakbo ako papalapit sa isang security guard na nakatalikod sa akin at kinuha ko ang isa sa pin na nakatusok sa damit ko at tinusok ko sa isang security guard. Agad siyang nawalan ng malay hinala ko naman ito sa madilim na part. Kinuha ko ang rope and hook na nasa bag ko. Maliit lang ang mga 'to pero sure akong kaya akong mabuhat paakyat sa second floor. Hwag lang sana may tao sa second floor pero base sa sun glasses ko na suot walang tao don. Yes may sunglasses can detect a motion isa din talaga na dahilan kaya sinuot ko siya.
Nakaakyat na ako sa second floor pero agad din akong napatago ng marinig ko na may mga yapak na paparating. Hinintay ko silang makaalis pero parang 'di ata sila aalis. Sumilip ako para makita ko kong anong ginagawa nila.
Natuptop ko ang bibig ko sa nakita ko. Nag mamake-out 'ata 'tong dalawa na 'to at dito pa talaga na isipan sabagay madilim na part 'to. Pero parang pamilyar sa akin 'yong lalaki 'di ko lang kasi maaninag masyado dahil madilim nga. Hindi naman ata nila ako mapapansin dahil ma dilim at busy silang dalawa plus naka all black rin ako.
Pero malalaman nilang outsider ako kapag nakita nila ang suot ko mukhang kailangan kong mag switch sa plan b. Kinuha ko ang bag ko at need ko 'atang mag dress. Bahala na nga!
Hinubad ko ang jacket ko at ang leather pants ko rin buti nalang talaga may mga double ako. Sinuot ko na 'yong damit na dala ko at ang mask good thing naka mask ang theme nang party na 'to. May ibang 'di naka mask dito pero mukhang mga invited sila na kilalang angkan kaya 'di na sila naka mask. Mabuti nalang naka boots ako hindi ako mahihirapan sa taas ng heels. Bago kinabit ko na rin ang mask ko na tanging mata lang ang natatabunan.
(Nicole outfit)

Lumabas na ako at taas noong lumakad sa dalawang nag ma-make out na 'to. Napatigil silang dalawa ng dumaan ako pero nagpatuloy din agad sila nang malampasan ko. Ang lala naman nang dalawa na 'to kahit saan na lang talaga. Hindi nalang kumuha ng room, e hotel naman 'to dito pa talaga.
Nakalabas na ako sa part na madilim at marami na rin akong nakakasalubong na mga invited dito. Nasa second floor ako napatingin ako sa third floor nitong hotel. Nakikita kasi mula dito ang third floor may mga ibang naroon rin. Kinabahan ako ng maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin hinanap ko kong na saan ito.
Nasa third floor siya at nakatitig sa akin parang kinikilatis kong sino ako. Naka suite na black siya at ramdam ko mula dito 'yong authority n'ya. Pakiramdam ko isa siya sa pinaka mataas na rank sa lahat ng invited dito hindi naman ako makakaramdam ng kaba kong hindi. Kailangan kong mas mag-ingat ng husto.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil baka pumalpak pa ako sa plano ko. Hinanap ko ang comfort room dito. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle room at kinuha sa pouch ng bag ko ang liquid ball. Kumuha ako ng lima isa 'tong maliit na bilog na aakalain mo maliit lang na candy.
Umakyat ako sa third floor at inalaglag ko ang isa sa hagdan. Inilaglag ko ang isang hawak ko na maliit na bilog at inapakan ito. Magsisimula itong maging effective after 10 minutes. Maglalabas ito ng amoy at sino mang makakaamoy ay mawawalan ng malay.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang inisa isa kong nilalaglag ang liquid ball. Malakas ang amoy ng liquid ball na kahit sino man ang makaamoy nito.
Umupo ako sa isa sa mga bakante ditong upuan at kumuha ng wine sa waiter. Sa wakas dumating na rin ang hinihintay ko.
Si Mr. Alajar! Isa siya sa mga investor nitong party at siya ang target ko.
****
Kyle Enrique's POV
Bumaba ako mula third floor para mag check ng security dahil nandito na si Mr. alajar. Kailangan naming mapanatiling maayos 'to.
"Maayos ba ang lahat?" Tanong ko mula sa ear piece, naka connect din dito sila Alex, Shen, Zyrone and Zk.
"Yeah, okay na okay dito sa pwesto ko." Sagot ni Zyrone.
"s**t guys!"
"Alex anong meron? May problema ba dyan sa pwesto mo?" na alarma agad ako.
"Nope! Hehe."
"Masaya na naman 'yan dahil nakapag make out 'di ginagawa ng maayos ang trabaho tsk tsk tsk." Napailing nalang ako sa sabi ni Zyrone.
"May problema dito sa baba."
"What is it Shen?" Ang nagtanong ay si Zk.
"Walang malay ang isa sa mga security dito sa baba."
"Guys focus, we need to catch the culprit who did that!"
"Copy!"
"Roger that."
Tumingin ako sa paligid pero wala akong napansin na kahit sino man. Mas lalo akong kinabahan dahil biglang nagtumbahan ang mga ibang nandito.
Sobrang bango ng naamoy ko at kahit sino 'di makakanresist sa bango nito. Unti-unti na nag b-blured ang paningin ko. Gusto ko sana pigilan pa ang sarili ko na 'wag mawalan ng malay pero 'di ko talaga kaya.
*****