ROSE POV) Nang magising ako mukha kaagad ni Nath ang aking nakita. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog ang naalala ko lang ay ininjectionan nila ako ng anesthesia at pampatulog para hindi ko maramdaman ang pag cs nila sa akin. Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ni Nath. "Huwag ka munang bumangon Rose, baka mapunit ang tahi mo. Alam mo naman na malaki ang tahi mo sa tiyan!" sabi ni Nath. Napahawak ako sa aking tahi sa tiyan. Kumikirot nga ito siguro nawalan na ng bisa ang anesthesia. "Nasaan ang anak ko Nath?!" tanong ko sa kanya. "Nasa nursery pa huwag kang mag-alala nandoon naman sina Ma'am Lee at Brent!" sabi pa niya sa akin. "Ano? Nandito si Brent? Sinong kasama niya at ano ang ginagawa niya rito?!" sunod-sunod kong tanong. "Ang sabi sa akin ni Ma'am Lee alam

