Ang aga pa pero nandito na si Tita Vernice upang bisitahin ang kanyang apo. Masaya naman ako dahil kahit malayo kami sa kanya ay gumagawa siya ng paraan para makita ang kanyang apo araw-araw. Mag-isang buwan na ngayon si baby Brian kaya dinalhan niya ito ng mga maraming damit at mga gatas, diaper at kung anu-ano pa. Tinanong ko si Tita kung bakit hindi sumasama si Brent sa kanya para makita ang bata, ang sagot naman nito ay hindi daw pumapayag si Jenny. Napaka bruha talaga ng babaeng iyon. Lahat talaga ginagawa niya para malayo si Brent sa amin. "Alam mo Rose, nokng unang dating mo sa bahay sinabi ko naman sa iyo na magaan ang aking loob sa'yo. Gusyo kita para kay Brent at mahalaga kana rin sa akin. Nakita ko talaga ang pagbabago ni Brent, dahil noon na wala kapa sa bahay palagi siyang lu

