"Hello, kailangan ko na ng supply na gamot. Naubusan na ako magkita nalang tayo sa dating tagpuan!" sabi ni Jenny sa kausap niya sa teleponon. Nakita ko dali-dali siyang umalis. Saan na naman kaya siya pupunta? Palagi siyang umaalis at mukhang napaka importante ng kanyang lakad. Tsaka anong gamot ang pinagsasabi niya? Nang makalabas na siya sa gate ay inakyatan ko si Brent sa kanyang kwarto. Napakahimbing ng kanyang tulog. Ganoon ata talaga kapag ang nag-aalaga sa iyo ay mahal mo. Maaliwalas ang kanyang mukha. Namimiss ko na siyang yakapin at halikan. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan sa kanyang labi. "I miss you, Brent!" bulong ko sa kanya. Mahal na mahal kita Brent, tandaan mo iyan. "Rose?!" tawag sa akin ni Tita Vernice. "Tita! Andito din pala kayo," sabi ko naman. "Oo,

