"Brent! Anong nangyayari sa iyo?! Okay kalang ba?!" nag-aalala kong tanong kay Brent. Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig at may suka pa ito sa kanyang tabi. "Brent!" tawag ko ulit sa kanyang pangalan. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Amoy alak ang kanyang hininga at halatang meduo nalasing siya. "I'm fine!" tipid lang niya na sagot. Tinulungan ko siyang makabangon kahit hira na hirap ako. Malaki na rin ang aking tiyan kaya medyo nahihirapan na akong yumuko. "Huwag mo na akong tulungan dahil baka anong mangyari sa baby mo!" sabi ni Brent. Hindi oo siya pinansin at tinulungan na makaupo sa kanyang kama. Mabuti nalang at naglakas loob akong pumasok dito sa kwarto niya. Nakita ko kasi si Jenny na umalis na naman kaya ito sinilip lo si Brent at nadatnan ko siya na ganito

