Nang magising ako ay tiyan ko kaagad ang hinawakan ko at bigla akong kinabahan. "Rose, buti naman at gising kana!" sabi ni Nathan. "Nath, kamusta ang baby ko? Ano ng nangyari s akanya?!" mangiyak ngiyak kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. "Huwag ka ng umiyak, okay lang si baby. Mabuti nalang at hindi siya napuruhan. Tska tinurukan kana rin ng gamot na pampakapit. Pero iyon nga lang, simula ngayon kailangan mo ng mag-ingat!" sabi ni Nath. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. "Akala ko mawawala na ang baby ko," sabi ko pa. "Hindi, ang sabi naman ng Doktor malakas ang kapit ni baby. Pero syempre ngayon na dinugo kana hindi na natin sigurado!" ani ni Nath. "Thank you, Nath. Kung hindi ka siguro dumating kaagad baka ano na ang nangyari sa aming dalawa, salamat dahil kahit anong oras k

