Sinubukan kong bumangon sa aking higaan. Hindi na masyadong masakit ang tiyan ko. Nakapag pahinga na rin ako kahit papaano. "Rose, kamusta na ang pakiramdam mo?!" tanong sa akin ni Alice. Napaigtad naman ako sa bigla niyang pagdating. Ito talagang babaeng 'to palagi nalang sumussulpot tapos hindi pa kumakatok. "Ikaw talaga hindi ka manlang gumawa ng ingay bago nagsalita, nakakagulat ka naman!" inis kong sabi sa kanya. "It naman ang sungit, kaya lang naman ako pumunta dito dahil namiss kita at gusto kong malaman kung okay na ang sitwasyon mo," sabi naman ni Alice sa akin. "Oo na, pero sa susunod kumatok ka naman. Palagi mo nalang akong ginagulat baka mapapaanak ako ng maaga dahil sa iyo!" sabi ko. Ngumiti lang ito sa akin. "Nakita mo ba si Nath?" tanong ko sa kanya. Hindi ko napansin

