bc

Into The Arms of a Mafia Lord

book_age18+
2.1K
FOLLOW
15.1K
READ
HE
opposites attract
arrogant
badboy
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

Simple lang ang pangarap ni Irish at iyon ay ang maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan kaya sa edad na beinte dos ay nagtrabaho siya sa Drakenys Company na pag-aari ni Marco Estefanoire. Payapa ang buhay niya subalit hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magugulo iyon dahil sa mga mafia leader na nakapaligid sa kaniya. Gustuhin man niyang umiwas ay patuloy pa rin siyang hinahabol ng panganib lalo na at isa si Marco Estefanoire sa mga dahilan niyon. Desidido siya na mag-resign para makaiwas, subalit ang hindi niya inaasahan ay nang magkurus muli ang landas nila ni Giovanni Peroniche na gaya ni Marco ay isa ring malupit na mafia boss. Parehas nanligaw sa kaniya ang dalawang mafia boss dahilan para maipit siya sa tila nag-uumpugang mga bato. Mas lalong gumulo ang buhay niya nang maranasan niya ang buhay sa mafia world nang makilala niya sina Pat at Apo Gor. Hangad niya ang isang normal na buhay subalit sa piling ng mga mafia leader ay imposibleng mangyari ang kaniyang hiling.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakaupo si Irish sa swivel chair. Nakatutok ang mga mata niya sa hawak na tablet at tinitingnan niyang maigi ang schedule ng kaniyang boss para sa araw na iyon. May shareholders' meeting ang boss niya mamayang alas dos ng hapon at nagtataka siya kung bakit kaninang umaga pagpasok niya pa lang sa opisina ay sinabihan na siya nito na mag-half day lang sa trabaho. Kinakabahan siya dahil baka sisantehin siya ng boss niya na si Marco Estefanoire. Kailangang-kailangan niya pa naman ang trabahong ito para may pantustos siya sa gastusin nila sa bahay at sa pag-aaral ng dalawa niyang kapatid. Mahirap lang ang pamilya niya. Labandera ang nanay niya at karpentero naman ang tatay niya. Nakatira sila sa slum area. Nakapagtapos siya sa kolehiyo dahil sa scholarship na nakuha niya nang magtapos siya bilang valedictorian noong high school siya. "Hey," wika ni Lex. Agad itong umupo sa visitor's chair na naroon sa harap ng kaniyang mesa at iwinagayway ang kanang palad sa harap niya. "Nakatitig ka na naman sa tablet na 'yan, e, hindi ka naman niyan sasagutin. Kung sa akin ka tumitig, wala pang isang minuto ay sasagot na agad ako ng oo sa 'yo." Matamis itong ngumiti sabay kindat sa kaniya. Sa loob ng tatlong buwan niyang pagtatrabaho sa Drakenys Company ay kabisado na niya ang ugali ni Lex. Kalog ito, palabiro kaya ito ang clown sa kanilang opisina. Kapag kausap niya ito ay nababawasan ang dinadala niyang problema dahil sa mga binibitiwan nitong punchline. Sa accounting department ang opisina ni Lex pero kapag lunch break ay palagi itong dumadaan sa puwesto ni Irish dahil malapit lang sa puwesto ng dalaga ang mga kaibigan nito. "So, ano? Tayo na ba?" muling tanong ni Lex nang hindi pa rin umiimik si Irish. Kumindat na naman ito. "Huwag kang oportunista, Lex," sabat naman ni Wilma na agad na nakalapit sa mesa ni Irish. "Hindi ikaw ang tipo nitong kaibigan ko." Umikot pa ang mga mata nito sabay irap. "Paulit-ulit mo man 'yan ligawan, ay paulit-ulit ka rin niyang babastedin." Si Wilma ang unang nakapalagayan niya ng loob sa opisina. Isa ito sa mga designer ng kompanya at ilang beses na rin siya nitong ginawan ng damit. Isa rin ito sa mga taong malalapit sa kaniya na palagi siyang pinagsasabihan na makipag-blind date. Alam kasi ng mga katrabaho niya na wala siyang boyfriend since birth. "Hay sus! Naku, Wilma, baka gusto mo lang na ligawan kita," biro ni Lex sabay tawa. "Sabihin mo lang at gagawin ko." "Yuck!" Umastang nasusuka si Wilma. "Never in my whole life would I imagine to be with a man like you. I'd rather be an old maid." "Naku, tama na nga 'yan!" saway ni Irish sa dalawa. Inilapag niya sa mesa ang hawak na tablet. "Magsibalik na nga kayo sa puwesto ninyo at baka lumabas si Sir Marco." Tumingin siya nakasaradong pinto ng opisina ng boss niya. "Magagalit 'yon kapag nahuli kayo na nag-chi-chikahan sa oras ng trabaho." "Lunch break na kaya," magkapanabay na wika nina Lex at Wilma. Napangiti si Irish. "Bagay nga kayong dalawa." "Yuck! No way!" tugon ni Wilma saka inirapan na naman si Lex na patuloy lang sa pagtawa. Ibinaling ni Wilma ang paningin sa kaibigan at pormal na nagsalita, "Anyway, bes, sasama ka ba sa akin mag-lunch?" Hindi na nasagot ni Irish ang tanong na iyon dahil bumukas ang pinto ng opisina ng CEO ng Drakenys Company. Iniluwa niyon si Marco na diretsong nakatingin sa mesa ni Irish. Napatingin na rin si Irish sa amo. Naroon na naman ang kaba sa kaniyang dibdib nang masilayan niya ang guwapong mukha ng boss niya na si Marco Estefanoire. Maaliwalas ang mukha nito hindi gaya kanina na galit na galit nang sigawan nito ang isang empleyado dahil mali ang ibinigay na dokumento. Kaya kahit gusto niyang magtanong kanina kung bakit siya nito pinapauwi after lunch ay nanahimik na lang siya dahil baka siya pa ang pagbalingan nito ng galit. Natigil sa pagsasalita sina Lex at Wilma nang mapansin na papalapit sa kanila si Marco. Agad na nagpaalam ang dalawa. Lihim naman na nainis si Iris. Ayaw niya sa ugali ni Marco. Mabilis itong magalit. Kaunting pagkakamali lang ay agad itong naninigaw kaya ilag na ilag dito ang mga empleyado. Suwerte lang ni Irish dahil ni minsan ay hindi siya nito napagalitan o nasigawan man lang. Kaya minsan ay naiinggit sa kaniya ang mga empleyado ng kompanya dahil mabait sa kaniya si Marco. Tumayo na si Irish nang makaalis na ang dalawang kaibigan. Tipid siyang ngumiti. "Anything I can do for you, Sir Marco? Magpapa-deliver po ba ako ng lunch n'yo?" Tumingin siya sa suot na relos. "It's almost noon." "Don't bother," tugon ni Marco. Tumitig siya sa maamong mukha ng dalaga. Isang matamis na ngiti ang binitiwan niya dahilan para mag-init ang pisngi ni Irish. "Rish, haven't I told you to go go home and take a rest?" "Sir...?" Kinabahan siya. Natatakot siya sa susunod na sasabihin ni Marco. Baka tanggalin na nga siya nito sa trabaho. "B-bakit po? May nagawa po ba akong mali? Sisesantihin n'yo na po ba ako?" Nanginginig ang boses niya. Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho dahil sa kangkungan sila pupulutin ng pamilya niya. Kumunot ang noo ni Marco. "What? Did I say that?" Agad niyang ibinaba ang paningin dahil hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Marco. Naiilang siya sa mga titig ng boss niya. Dama niya rin ang ilang empleyado na nakatingin sa gawi nila. Alam niya na mayamaya lang ay may kakalat na naman na tsismis patungkol sa kanilang dalawa ng boss niya. "No, sir." "See? Why would I fire someone who helps me run this company? You're my secretary at isa ka sa mga asset ng kompanya, Rish." "Thank you, sir. I thought..." "Stop thinking such thing. Just pick up your things and go home. Ihahatid ka pauwi ni Mang Ben." Tukoy nito sa sariling driver. Naglakas-loob si Irish na tumingin sa mga mata ni Marco. Para siyang matutunaw habang pinagmamasdan ang kulay tsokolate nitong mga mata. Mapupungay ang mga iyon at tila nang-aakit. "But, sir, you have a shareholders' meeting at two o'clock this afternoon." "I can handle it, Rish." "Pero wala naman po akong gagawin sa bahay. Mas gusto ko pong magtrabaho kaysa magpahinga." Iniisip niya kasi ang pera na sasahurin niya. Mababawasan ang take home pay niya dahil kalahating araw lang ang ipinasok niya sa opisina. "If you think about your salary, don't worry dahil buo mo pa rin siyang matatanggap." Nakangiti pa rin si Marco. "I just want you to go home and take a rest dahil isasama kita mamayang gabi sa birthday party ni mayor." Napaawang ang bibig niya. Hindi niya alam kung ano na naman ang trip ng boss niya at siya ang paborito nitong isama sa mga pagtitipon. Pahirap sa kaniya iyon dahil ilang oras siyang nagtitiis makipagplastikan sa mga taong nabibilang sa alta-sociedad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook