Chapter 2

1138 Words
"Oh my! Irish, ikaw na!" tili ni Wilma nang makapasok ito sa bahay nina Irish. "Ikaw ang babaing bukod tangi na pinagpala sa lahat. Diyos ko, bes! Kaunting-kaunti na lang ay mag-a-assume na ako na may gusto sa 'yo si Boss Marco." Umupo na ito sa sopa na gawa sa kawayan na naroon sa maliit na living room nina Irish. "Sira ka talaga, Wilma." Umupo na rin si Irish. Nakasuot lamang siya ng pajama at lumang blouse. Wala siyang suot na bra dahil natutulog siya nang dumating ang kaibigan. Ikinurus niya na lang ang magkabilang braso sa harap ng dibdib. Naaasiwa siya dahil medyo mababa ang neckline ng suot niya kaya kitang-kita ang puno ng kaniyang dibdib. "Napaka-advance mo talaga mag-isip." "Hindi, ah. For your info, bes, ipinatawag ako ni Boss Marco sa opisina niya nang makaalis ka. And you know what?" Ngumisi ito na tila nanunudyo. "Ano?" "Ibinigay lang naman niya sa akin ang credit card niya at inutusan akong mag-shopping ng mga gagamitin mo mamayang gabi para sa party na pupuntahan ninyo. I bought five gowns so you could choose what you like to wear tonight." "What? Bakit naman niya gagawin 'yon? E, marami naman akong damit na puwedeng suotin sa party, ah." Sumimangot si Wilma. "Office attire, gano'n? Magsusuot ka ng office attire para sa birthday party ni mayor?" "Hindi, ah. Maayos pa naman ang cocktail dress na sinuot ko noong isama ako ni Sir Marco sa anniversary nina governor at ng misis niya. Si Sir Marco ang bumili niyon at isang beses ko lang nagamit. Sayang kung itatago ko lang." "So you think okay na ang damit na iyon?" May halong inis ang boses ni Wilma. "Oo. Ayoko ng magastos. Ayoko ng pinagkakagastusan ako." "Okay, perhaps I should tell you the reality, Irish. Please listen to me, okay?" Isinandal niya ang likod sa sopa. "First and foremost Sir Marco is a billionaire. The CEO of one of the largest company here in the country. He can afford to buy anything. Hayaan mo siyang gumastos. Hindi naman iyon malaking kabawasan sa kayaman niya. Second is, si Sir Marco ang nagyaya sa 'yo sa party na iyon as his plus one so he is responsible for your attire. Alangan naman na magsuot ka ng basahan. O, e, sino ang mapapahiya, aber? Pangatlo at dapat mong tandaan, ha. Sa sirkulo ng mga nakatataas sa lipunan ay hindi uso ang nag-uulit ng damit. Pagtatawanan ka kapag ang isinuot mo sa party last week ay iyon na naman ang isusuot mo sa party next week. You should know better on how to behave s***h act in front of those crazy rich elites." Tumaas ang kabila nitong kilay. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Irish. "Kaya nga ayaw ko na makihalubilo sa kanila. I certainly don't belong in their circle. Mahirap lang ako. Hindi ako nababagay sa mga ganoong okasyon." Nangalumbaba siya. "Ang gusto ko lang naman ay masuportahan financially ang pamilya ko." Napailing-iling na lang si Wilma. "You have to do this, bes. Ang laki kaya ng pinapasuweldo sa 'yo ni Sir Marco." "Kung hindi nga lang malaki ang sahod ko sa kompanya ay magre-resign agad ako." Ngumiti si Wilma. "See? Kaya huwag ka ng mag-inarte. Sumama ka sa akin ngayon at doon kita aayusan sa condo unit ko." Tumayo na ito at hinawakan sa braso si Irish at niyaya na palabas ng bahay. Nagpatianod na lang siya. Wala naman siyang magagawa dahil sinusunod lang ng kaibigan niya ang utos ng boss nila. Ayaw naman niyang masisante sa trabaho dahil paano ang gastusin ng pamilya niya. Laking tulong sa kanila ang trabaho niya sa Drakenys Company. Hindi na siya nagsuot pa ng bra, kinuha niya na lang ang maong jacket niya at isinuot iyon. Isinara niya na lang ang bahay dahil mamaya pa darating ang mga magulang niya at dalawang kapatid. Kung hindi siya nagkakamali ay baka gabihin ang mga iyon. Tatawag na lang siya mamaya bago dumilim. Naglalakad na sila ni Wilma sa eskinita. Limang minuto ring lakaran iyon at nadaanan nila ang mga manginginom. Mag-a-alas tres pa lang ng hapon pero nakapuwesto na ang mga iyon sa kanto. Ang mga bata naman ay pawisan na habang naglalaro ng habulan. Naroon naman ang mga tsismosa sa isang tabi, nakatayo at abala sa pakikipaghuntahan kahit tirik na tirik ang araw. Napapailing na si Irish sa nasasaksihan. Pangarap niya talaga na maialis ang kaniyang pamilya sa ganitong klaseng lugar. Magulo ang lugar nila. Bibihira lang ang mga araw na tahimik. Kadalasan ay may away roon na kung hindi mga lasenggo na nagsusuntukan ay mga marites naman na nagsasabunutan na nauuwi sa barangay hall para sa kani-kanilang reklamo. Ang masaklap pa sa kanilang lugar ay pugad iyon ng mga dr*g addict kaya ingat na ingat siya sa pag-uwi ng gabi. Natapos ang ilang minuto at natanaw na niya ang likurang bahagi ng isang malaking condominium building na may sampung palapag kung saan nakatira si Wilma. Nasa labasan lang iyon ng slum area. Nababakuran iyon ng isang mataas at konkretong pader. "Wala pa ring pinagbago ang mga kapitbahay mo, bes," wika ni Wilma. Yumuko ito sa maliit na siwang ng konkretong pader para makalabas sa slum area. Ang mga kalalakihan sa kanilang lugar ang ilegal na naglagay ng butas sa konkretong pader na iyon para may madaanan ang mga taong nakatira sa slum area. "Mga lasinggero at marites pa rin." "Kaya nga kapag nakaipon ako ay gusto kong ialis ang pamilya ko sa lugar na 'yon." "Tama 'yan, bes. Walang future ang mga kapatid mo kapag nagtagal pa kayo sa lugar na 'yon," tugon ni Wilma. Pumasok na sila sa lobby ng building. Naroon lang sa pangalawang palapag ang unit ni Wilma kaya sa hagdan na lang sila dumaan. Sumunod na lang si Irish. Maraming beses na siyang nakapunta sa condo unit ni Wilma. Mabait sa kaniya ang kaibigan at masasabi niya na hulog talaga ito ng langit para sa kaniya. "Bes...?" Nagtatanong ang mga mata ni Irish nang mabungaran sa living room ng unit ang mga naka-hanger na cocktail dress. "Don't tell me—" "You're guess is as good as mine!" masayang tugon ni Wilma at nilapitan nito ang mga naka-hanger na damit. Gamit ang palad ay pinasadahan nito ang mga iyon at nangingiting tumingin sa kaibigan. "These two dresses are from the company. Hiniram ko at baka magustuhan mo na suotin. Take note, ha. Nagpaalam ako kay Sir Marco." Napaawang ang labi niya. "How come? Sa lunes ila-launch ang next collection ng kompanya at kasama ang dalawang dress na 'yan. Bakit pumayag si Sir Marco na ilabas mo 'yan sa kompanya?" Nagkibit-balikat si Wilma. "I told him na gustong-gusto mo ang dress na ito. These are my designs, right?" Napailing siya. Hindi niya alam kung bakit pumayag si Marco. Baka mapirata iyon ng ibang kompanya bago ang launching.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD