Nakangiti pa rin si Irish kahit ramdam na niya ang pagkailang. Tila kasi napapantastikuhan sa kaniya si Pat at panay ang tanong kung saan siya nakatira at sino ang kaniyang ama na hindi naman niya masagot dahil panay ang sabat ni Helena. May dumaan din na waiter at inalok sila ng inumin.
"You know, Tita," saad ni Pat matapos sumimsim ng alak. "Irish looks so familliar. Parang nakita ko na talaga siya before."
"Really, Pat?" Ibinaling ni Helena ang paningin kay Irish. "O, baka may kamukha lang siya."
"I...think so." Sinaid na ni Pat ang laman ng baso. Hindi siya mapakali. Masama ang kutob niya sa babaing kasama ni Marco. Tila may kung ano sa personalidad nito na hindi niya matukoy. Hindi pa siya nakaka-move on sa relasyon nila ni Marco at ang pagdating ni Irish sa buhay ng dati niyang nobyo ay nagdadala ng takot sa dibdib niya.
"Hey, sweetheart," saad ng lalaking papalapit sa kanila. Agad nitong ipinulupot ang kaliwang kamay sa baywang ni Pat at tumingin kay Helena. "Good evening po, Tita Helena."
"Oh, Giovanni." Kumunot ang noo ng ginang. "Mabuti at nakarating ka. I thought nasa ibang bansa ka?"
"Kararating ko lang ho kaninang umaga. And I wouldn't miss an occasion like this. Baka sumama ang loob sa akin ni Tito Dmitri," natatawa nitong saad at hindi sinasadyang mapatingin kay Irish dahilan para matigilan ito.
Napakunot ang noo ni Giovanni at hindi maalis ang paningin sa mukha ni Irish. Kagaya ni Pat kanina ay tila may pakiramdam siya na nakita na niya ang dalaga. Hindi niya lang maalala kung saan.
"Oh, sweetheart," wika ni Pat dahil naiinis siya sa pagkakatitig ng nobyo kay Irish. Ipinakilala niya sa isa't isa ang dalawa. "She is Irish and Tita Helena told me that she is Marco's new girlfriend. Irish, this is Giovanni, my boyfriend." Diniinan pa ni Pat ang pagkakasabi ng huling salita na para bang binabalaan si Irish.
Inilahad ni Marco ang kanang kamay. "Please to meet you, Miss Irish." Ngumiti ito habang nakatitig pa rin sa hugis pusong mukha ng dalaga.
Tumango si Irish at tipid na ngumiti. Wala siyang plano na makipagkamay kay Giovanni dahil napansin niya ang inis sa mukha ni Pat. Isa pa ay may hawak siyang handbag sa kaliwang kamay at wine glass naman sa kanang kamay.
Segundo lang ang dumaan ay naramdaman ni Irish ang matigas na kamay na humawak sa kaniyang baywang. Muli ay naramdaman na naman niya ang kuryenteng dala niyon. Alam niya na si Marco iyon dahil naamoy niya ang panlalaking pabango nito.
"Having fun, baby?" nakangiting bulong ni Marco sa tainga ni Irish.
Tensiyonado man sa sitwasyon ay pinilit ng dalaga na huwag magpahalata. Kahit sinasalakay na siya ng kakaibang kaba bunga ng mga tingin sa kaniya ni Pat ay nakuha niya pa ring kumalma. Hindi niya alam kung ano ang nasa utak ng mga taong kaharap niya. Si Helena ay tila tuwang-tuwa sa kanilang dalawa ni Marco, si Pat ay kanina niya pa napapansin na tila kinikilatis siya mula ulo hanggang paa, samatanlang si Giovanni ay hindi mapuknat ang mga titig sa kaniya.
"Yup!" tugon ni Irish saka uminom ng alak.
Mas lalong hinigpitan ni Marco ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ng dalaga saka muling bumulong, "You are tense. Just relax, Rish." Ngumiti siya para hindi makahalata ang mga kaharap.
Tumingin si Irish sa mga mata ni Marco. "I'll do that."
Napailing na lang si Pat sa nakikitang ka-sweet-an ng dalawa. Maging si Giovanni ay nagbago ang reaksiyon ng mukha nang dumating si Marco. Si Helena ay hindi matanggal ang ngiti sa mukha. Masaya siya para sa inaanak na si Marco dahil nagkaroon na ito ng nobya matapos ang ilang buwan.
"Don't forget that I am here, Marco," wika ni Helena. "And Giovanni and Pat."
Agad na sumeryoso ang mukha ni Marco. Tumingin siya kay Giovanni na nakapulupot na rin ang braso sa baywang ni Pat. Lihim siyang napangisi. Ang akala siguro ng lalaking iyon ay hindi pa siya naka-move on sa naging relasyon niya kay Pat.
"So you two are here," matabang niyang sagot.
"Aren't you happy to see me, Marco?" Matamis na ngumiti si Pat at ibinaling ang paningin kay Irish. "You see, Irish, Marco used to be my lover and we—"
"That was almost a year ago, right, Pat?" sabat ni Helena. "And Marco has already moved on." Hinawakan nito ang kabilang braso ni Irish at ipinagpaalam kay Marco. Ayaw na niya kasing makipag-usap kay Pat dahil naiirita siya sa kaartehan nito.
"Sa akin muna si Irish, ha?" wika ni Helena at nagpaalam na sa tatlo. "I want to talk to her alone."
Naiwan sina Pat, Giovanni at Marco. Tanaw pa ng huli si Irish habang naglalakad papasok ng mansiyon kasama ang ginang. Lihim siyang humihiling na sana ay huwag magalit si Irish sa ginawa niyang pang-se-set up dito.
"So it seems to me that you already moved on from our past, Marco," wika ni Pat at kumuha ng alak sa dumaang waiter. Si Giovanni ay naroon pa rin sa tabi ni Pat at nakahawak pa rin sa baywang ng huli na para bang ipinangangalandakan kay Marco na hindi na nito mababawi pa ang nobya.
Napailing na lang si Marco. Sumimsim muna siya ng alak saka nagsalita, "You know the real score between us, Pat." Ayaw niyang magsalita patungkol sa naging relasyon nila ni Pat. Hahayaan niya na ito ang magsabi niyon.
Hindi nakapagsalita si Pat. Aminado naman siya na siya ang nagkamali. Pero hindi niya matanggap na may iba ng mahal si Marco. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang pag-ibig sa mga mata ni Marco habang nakatingin kay Irish. Iyon ang mga tingin na hindi niya nakita sa mga mata ni Marco noong sila pa.
"Or are you just mad dahil iniwan ka ni Pat? Dahil sa akin, right?" sabat naman ni Giovanni na may halong kayabangan.
"Mad?" Nagsalubong ang kilay ni Marco at ilang segundo ang dumaan ay napahalakhak siya. "Are you kidding me? I feel like I was relieved from stress knowing that you two are together. Seriously, you two are so perfect for each other." Tumalikod na siya dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
Hindi naman siya galit kay Pat. Ang ikinaiinis niya lang ay sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay si Giovanni pa ang ipinagpalit nito sa kaniya. Si Giovanni na mahigpit niyang kalaban pagdating sa bentahan ng il*egal na dr*ga pati na sa g*n smuggling. Ito rin ang sumulot sa mga investor na dapat sana ay mag-i-invest sa Drakenys Company. Pati ang mga damit na dinesenyo ng designer ng kompanya ay nagawang kopyahin ni Giovanni.