bc

The Kings Empire Series 1: Alexander Zepeda (TAGALOG/COMPLETED)

book_age16+
2.4K
FOLLOW
14.8K
READ
billionaire
possessive
pregnant
self-improved
CEO
office/work place
lies
chubby
intersex
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG STORY (COMPLETED)

“I will get her back no matter what and I will make her fall in love with me again. You're mine alone, mi amor!” Alexander Zepeda

Alexander Zepeda made a lot of mistakes that he regretted in the end. He doesn’t care what will be the outcome of the decisions he made. The only thing he has in mind that time was vengeance and him being selfish. He was the biggest asshole for hurting the woman he loves.

Gusto niyang itama ang lahat at maging sa kaniya muli ang babaeng lubos niyang nasaktan. Ano ang gagawin niya kung hanggang ngayon ay hindi pa siya nito napapatawad?

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incedents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead, or actual events are purely coincidental.

©velenexia_06

chap-preview
Free preview
Chapter One
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incedents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead, or actual events are purely coincidental. Naguusap-usap ang grupo ng mga kalalakihan na kung tawagin ay The Kings Empire Boys. Nasa loob sila ng isang VIP lounge sa El Mystico Bar, habang umiinon ng alak. Dito ang kanilang tambayan kapag gusto nilang maglasing at magrelax. Nabuo ang kanilang pagka-kaibigan simula noong nag-aaral pa sila ng kani-kanilang Master’s Degree sa Harvard University. Labin-dalawa ang miyembro ng grupo pero anim lang sila ngayon dahil ang tatlo sa kanila ay kasalukuyang nasa business trip at ang dalawa nama’y nagbabakasyon at ang natitirang isa ay bumalik sa bayang sinilangan nito. The Kings Empire, ito ang titulong binuo ng media kasama na ang mga babaeng humahanga sa kanila. Bukod sa nabibilang sa mundo ng alta-sosyeda, halos lahat ng mga nakakakilala sa ay minamahal silang labin-dalawa. Hindi rin mabilang na roon ang mga negosyanteng gustong mag-invest silang magka-kaibigan sa mga kompanya ng mga ito.  Kahit isa ay walang sino man ang nagtangkang labanan sila sa business world dahil alam ng lahat ang kaya nilang gawin. They can destroy their lives easily. Kaya naman ang tingin ng mga ito sa kanila ay parang mga hari na pinaglilingkuran at kinakatakutan ng lahat at ang sariling mga kompanya na siyang isa sa pinakamalaki at pinakatanyag sa buong mundo ang nagsisilbi nilang imperyo. “Hey, bro! What’s your plan now that Lorraine is back? And to your girlfriend that you had s*x the other night?” sunod-sunod na tanong ni Daniel Niccolo, isa sa may pinakamahabang pangalan sa kanilang lahat at ang pinaka-kuripot. Alexander tsked.  “What else? I’ll break up with her, that’s all,” simpleng sagot niya sabay tungga sa baso ng alak na hawak.  “Yeah right because Lorraine is here now?” labas sa ilong na segunda naman sa kanya ni Michael. Singkit ito at gwapo, hindi galing sa kaniya ang papuring iyon kundi ayon din iyon sa singkit na ito. Ang tinutukoy nila ay tungkol sa isang babaeng ginamit niya para bumalik na ng bansa ang babaeng kaniyang pinakama-mahal. The plan goes well, Lorraine the love of his life is now finally back here in the country from States after two years. Dalawang taon din niyang pinag-tiyagahan ang babaeng naging used girlfriend at ngayong bumalik na si Lorraine ay makikipag-hiwalay na siya sa babaeng iyon na nagngangalang, Darlyn Jane Tuazon.  Hindi niya lubos maisip na pumatol siya sa isang matabang babae pero maganda naman ito kahit mataba and the worst thing was he bedded the woman! He’s not even sure if he used a protection because he was too drunk that night. What the f**k! “I have a question, was she a virgin when you had s*x with her?” singit ni Ulysses Angelo Abramovich. Ito ang klase ng taong prangka sa lahat ng sasabihin. “Of course, she is. What do you expect that she’s not virgin anymore? Sa taba niya ba namang iyon ay may magtatangkang gagalaw sa kaniya? I’m sure nothing dahil mandidiri sila sa mga taba niya,” sabat ni Joshua Zachary na natatawa. No offensement sa gagong ‘to, ito yata ang pinaka-judgemental sa kanilang lahat. Natawa ang mga kasama sa sinabi ni Joshua. Agad namang sumama ang timpla niya. “Stop it! f**k you all! She’s a good woman and you don’t have the damn right to judge her.” Kulang na lang bumulagta ang mga ito sa sama ng pagkakatingin niya. “Whoa! Take it easy, man.” Abramovich while his hands are up like he’s surrendering. Hindi niya ito pinansin at diretso lang niyang nilagok ang kasasalin na alak. Yeah, she’s still virgin when he got her. He can say that he is lucky because he’s the one who got her first but at the same time, he felt guilty because he knew that she is a good person, caring, kind, and loving especially to her family. Marami pang ibang katangian ito na aasamin ng isang lalaki sa isang babae. Napatunayan niya iyon sa dalawang taon nilang naging magkasintahan, ganoon kasi ito sa kaniya kapag magkasama sila. Hindi niya ito magawang mahalin kahit alam niyang mahal siya ni Jane dahil kay Lorraine. Oo, importante sa kaniya ang dalaga pero hanggang doon na lang ‘yon. Ipinilig na lang ni Alexander ang ulo upang iwaksi sa kaniyang isipan si Jane pagkatapos ay tinungga ang alak na papaubos na. “Let’s party tonight for our friend here Alexander!” Kenji Yoshihiro Madrigal shouted to lighten up the mood.  “Yeah! Woooaaahhh!” gatong ng mga baliw niyang kaibigan habang nakataas sa ere ang mga kamay at sabay-sabay na itinungga ang baso ng alak na hawak. Bago matapos ang gabing ‘yon ay nagpakalango silang lahat sa alak bago umuwi na may kasamang babae ang bawat isa sa mga kaibigan, maliban sa kaniya.      SAKAY si Jane ng taxi patungong Zepeda’s Group of Companies upang bisitahin si Alexander dahil matapos nang may mangyari sa kanila ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Kahit man lang text, tawag o ang anino nito ay hindi niya pa nakikita sa nakalipas na dalawang araw. Kaya napagpasyahan na niyang siya na mismo ang dumalaw rito dahil hindi na niya kaya pang mag-isip ng mga negative thoughts.  Gano'n ba talaga kapag nakuha na ng lalaki ang p********e ng isang babae? She asked to herself. Kahit hindi nito gustong pumupunta siya sa kompanya nito dahil hindi raw siya maaasikaso sa sobrang dami raw nitong ginagawa. Ni minsan ay hindi pa siya nakatungtong sa Zepeda’s Group of Companies na siyang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong Asya na ngayon ay si Alexander na ang namamahala nito at the young age of twenty-five. Masayang-masaya siya dahil kasintahan ang isang kilala sa lipunan na si Alexander Janseen Zepeda na sa hinagap ay hindi niya akalaing magkakagusto sa kaniya ang lalaki kahit na alam niyang wala pa siya sa kalingkingan ng mga ex-girlfriends nito at mga babaeng naghahabol dito na puro magaganda at sexy pero siya pa rin ang ginusto nito. Despite of her looks, she is not sexy in fact she is fat as in very big body but according to her mother and her friends she is beautiful because she has curves, she has a flawless mestiza skin, a curly hair and the most important is she has a good heart. Pero sasabihin talaga iyon ng kaniyang ina dahil anak siya nito. Siguro ang ugali niya ang nagustuhan sa kanya ni Janseen kaya tumagal sila ng dalawang taon. Hindi niya namalayan na tumigil na pala ang taxi sa tapat ng mataas na building ng Z.G.C. “Ma’am nandito na po tayo,” imporma ng taxi driver. “Ah, salamat, manong. Ito po ang bayad ko,” aniya sabay abot ng two-hundred pesos sa taxi driver. Bumaba na si Jane ng taxi pagkakuha ng mga pagkaing niluto para kay Alexander dahil alam niyang magpapalipas na naman ito ng tanghalian kaya nagdala na lang siya para sigurado. Pagkapasok ni Jane sa loob ay agad siyang dumiretso sa receptionist para magtanong. “How can I help you, ma’am?” tanong sa kaniya ng isang babaeng receptionist.   “Miss, saan ba ang office ni Alexander?” she asked softly and smiled even though the girl wasn’t smiling. “Bakit po, ma’am? May appointment ba kayo sa kaniya?” nakatikwas ang kilay na tanong pa nito. “Ah, wala. I’m here to visit him,” nakangiti pa ring sagot niya. “Sino ka ba? Auntie niya para dalawin mo siya? First name basis ka pa,” anang isang pang babaeng receptionist na hanggang balikat lang ang buhok. Bakit ang daming tanong ng mga babaeng ito sa kaniya? Hindi ba puwedeng sabihin na lang kung nasaan ang office ng boss ng mga ito? Siya auntie? Nagpanting ang tainga niya at gustong sumbatan ang nagsabi niyon pero ayaw niyang mag-aksaya ng panahon. Kainis ang mga ito. Ang aaskad pa ng mga pag-uugali! “Hindi, miss. Girlfriend niya ako. So, may I know now where is the office of your big boss.” Hindi niya rin mapigilan ang mapa-taas ng kilay. “Weh? Niloloko mo ba kami taba. Ikaw? Girlfriend ni Sir Alexander? Gumising ka miss, nananaginip ka yata ng gising diyan,” maanghang na uyam pa ng babaeng receptionist na hanggang balikat ang buhok.  “Oo nga, tama ka riyan, bes. Hoy, ikaw taba imposible namang magkagusto sa iyo si sir. Ang pangit at ang taba-taba mo kaya!” Dagdag pa ng isang babaeng unang nagtanong sa kaniya na halos nagmumukhang clown sa kapal ng make-up. Wow! Kung makapanlait naman akala mo kung sinong maganda. E, hipon lang din naman ito. Make-up nga lang ang nagpaganda rito. Mas maganda pa yata siya rito kahit na mataba. Hindi siya mapang-mata pero iyon ang nakikita niya. The nerve!  “Miss, hindi kita niloloko. I’m just saying the truth, kung hindi ka naniniwala wala na akong magagawa pa,” she said with gritted teeth. Bago siya tumalikod ay tiningnan muna niya ang mga ito ng masama.  Inilabas ni Jane ang kaniyang cellphone para tawagan si Alexander. Sa unang tawag niya ay hindi nito sinagot pero sa pangalawang subok ay nagdaan muna ang tatlong ring bago sinagot iyon. “H-Hello,” utal na bati niya. Hindi niya maiwasang mautal dahil kinakabahan siya. Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. “Hello, bakit ka napatawag?” tanong nito na tila hindi nito inaasahan na tatawagan niya ito.  “Ahm, n-nandito kasi ako sa lobby ng c-company mo."  “W-What? What are you doing here?”  “Kasi gusto kitang bisitahin. Sana huwag kang magalit,” kagat-labing sabi niya.  “No, I’m not angry. Okay, come here in my office, last floor.” Napangiti si Jane at gumaan ang kaniyang loob dahil hindi ito nagalit. Sa wakas ay pumayag na rin itong pumunta siya sa opisina nito. “Okay, thank you,” malawak ang ngiting tugon niya sa lalaki. Bago siya naglakad patungong elevator ay sinulyapan muna niya ang dalawang babae saka tiningnan ang mga ito ng masama.      ALEXANDER is busy reading so many papers when he heard his phone rang, he didn’t bother to see who is calling before answering it. Nagulat siya nang marinig ang boses ng isang taong hindi niya inaasahang tatawag sa kaniya ngayong araw. What the f**k is she doing here? Sinabi na nga niya rito na huwag itong pumunta sa opisina dahil hindi ito maaasikaso, iyan ang palusot na kaniyang sinasabi rito pero ang totoo ay ayaw talaga niyang pagala-gala ito sa kompanya. He doesn’t want that people will know that she is his girlfriend, it’s not that he’s embarrassed and there’s no reason to be embarrassed. He just doesn’t want her to come here. And the person he’s not expecting to see after two days is now coming to his office right now. Ano ang kailangan nito sa kaniya? Bakit ito narito? Gago! Syempre girlfriend mo siya at dinadalaw ka niya. And to mention that you already got her! Palatak ng isang bahagi ng isip niya. Habang hinihintay si Jane para masagot ang kaniyang mga katanungan ay ipinagpatuloy na lang niya ang naudlot na gawain. After some more minutes, his secretary entered his office telling that Jane is outside and she’s looking for him.  “Sir, may naghahanap po sa inyong babaeng nagngangalang Darlyn Jane. Should I allow her to enter your office?” Mike, his secretary s***h assistant. Lalaki ang kaniyang sekretaryo, nasubukan na niyang kumuha ng babaeng sekretarya pero hindi ginagawa nang maayos ang trabaho. Mas inu-una pa ng mga ito ang magpapansin sa kaniya kaysa sa trabaho. Kapag oras ng trabaho ay trabaho lang, walang halong kalokohan. “Okay let her in,” Alexander said with a deep breath. Jane entered his office with a big smile on her lips, ginantihan niya rin ito ng isang pilit na ngiti pero hindi niya iyon ipinahalata sa dalaga. Tumayo siya sa kaniyang kina-uupuan salubungin ito “Sit. Be comfortable.” Iminuwestra niya ang sofa. Umupo ito at inilapag sa center table ang dalang bag na hindi niya alam kung ano ang laman. “Salamat. Umupo ka na rin,” anito nang nakangiti pa. Wala siyang nagawa kundi umupo sa tabi nito dahil iisa lang ang sofa sa loob ng office niya. It's a C shaped sofa. “Okay. Ano’ng laman ng dala mong basket? And by the way, what are you doing here?” sunod-sunod na tanong ni Alexander. “Pagkain ang laman nitong basket at kung bakit ako nandito ay para bisitahin ka dahil matapos ‘yong a-alam mo na ay hindi ka na nagparamdam sa ‘kin ng dalawang araw kaya narito ako ngayon. Nag-aalala kasi ako,” paliwanag ni Jane habang nilalabas nito isa-isa ang mga dalang pagkain.  Nakita ni Alexander ang pamumula ng pisngi nito na parang nahihiyang sabihin sa kaniya ang nangyari sa kanilang dalawa. Parang natutuwa pa dahil sa reakasiyon nito dahil malawak siyang napangiti. “Okay, let me taste those foods you brought. I’m sure masarap ang mga ‘yan.” Hindi pa siya nag-agahan kaninang umaga kaya ramdam na rin niya ang gutom. “Of course. Masarap talaga ‘yan, ako ang nagluto,” Jane said while opening the Tupperware’s.  Bumungad sa kaniya ang masarap na amoy ng adobong baboy, buttered shirmp, at lasagna lalo tuloy siyang natakam kumain dahil lahat ng dala nito ay paborito niya. He knows that it will taste good because Jane is a good Chef. Kaagad na kumha si Alexander ng paper plate at nagsimula nang kumain. Napatigil siya sa pagkain nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at inuluwa no’n ang mga kaibigan na sina Louis Ghester Koenig at Mark Ethan Lopez.  What are these two doing here? Istorbo sa masarap niyang pagkain. Pagkapasok ng dalawa ay agad na lumapit sa kinaroroonan nila ni Jane. Akmang kukuha si Louis ng hipon pero tinapik ni Alexander ang kamay ng kaibigan. “Hey, Koenig! What do you think you’re doing? Akin lang ‘to,” angil niya rito, pagkatapos ay inilayo ang pagkain.  Hindi niya pinansin ang pagkalukot ng mukha ng kaibigan. “What the hell are you doing here in my office?” salubong ang kilay na tanong ni Alexander sa dalawang kararating lamang. “We just came back from our business trip at nandito kami para tumambay rito sa office mo,” kibit-balikat na sagot ni Mark. Ngumisi si Louis. “Yeah, we thought that you are the only one here pero may kasama ka pala at kumakain ka pa. Puwedeng makikain?”  “No. Hindi puwede. Umuwi na nga kayo kasi hindi park ang opisina ko para pagtambayan niyo. Mga istorbo kayo!”  “Parang pagkain lang pinagdadamot pa,” Nakanguso pang reklamo ni Louis.  Tiningnan niya ito ng masama, may pagka-abnormal talaga ang kaibigan niyang ito. “Hayaan mo na ‘yan magkalahi kasi sila ni Montezor ‘coz they are both misers,” natatawang saad ni Mark. Natawa na rin si Louis. SI JANE naman ay lihim na natatawa sa tatlo dahil parang mga batang nag-aagawan ng pagkain. Tumikhim ang dalaga para malaman ng mga ito na narito pa siya. Natigil naman ang tatlo sa pagsasagutan kuno at sabay-sabay na tumingin sa kaniyang direksiyon. “Hi, Jane. Sorry ang ingay namin,” ani Mark.  “Okay lang, paalis na rin naman ako.” She looked at Alexander. “Alex, uuwi na ako kasi may trabaho pa ako sa restaurant,” paalam niya. Napatayo ang kasintahan. “Okay. Ihahatid na kita sa ibaba.” “Sige, thank you. Share na lang kayo riyan sa pagkain, ha,” sabi niya bago lumabas kasama ang kasintahan na inihatid pa siya sa labas ng ZGC building. Dumiretso na siya sa Dovan’s Restaurant, owned by her parents and she’s working there as the head chef. Dovan’s Restaurant is one of the popular restaurants in town. There are some famous people who visits and eat in the Restaurant and they also do catering service. Sa katunayan nga ay may isang bigtime costumer na suki na yata ng restaurant ang nagpa-cater service ngayong gabi para raw sa pa-welcome back party ng ginang sa anak nito. Minutes later, nakarating na siya sa restaurant at pumasok sa loob nang may ngiti sa mga labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.6K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
454.2K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.5K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook