KABANATA 11

1075 Words

KABANATA 11     “Sir Jian!” gulat na untag ni Manang Luz nang makauwi siya sa bahay nila halos kalagitnaan na ng gabi. “Naku, akala ko ba at tatlong araw ka roon? May nangyari ba? Ayos ka lang ba?”     Ngumiti si Jian sa matanda dahil halata talagang nag-aalala ito. Nang tumawag nga siya sa bahay at sinabi na pauwi na siya ay mabilis ang pagsagot nito. Nag-aalala rin si Jian na baka hindi ito nakatulog dahil sa kaniya.     “Manang, ayos lang po ako. Walang nangyaring masama,” pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang mas mag-alala ang matanda sa kaniya.     Nakita niyang tila nakahinga naman ito nang maluwag sa narinig. Inalalayan siya nito para makaupo sila sa sofa. Alam niyang marami pa itong tanong kaya kahit pagod ay ininda niya muna. Kumuha si Manang Luz sa kusina ng maiinom niya at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD