KABANATA 10 “You’re the one who needs to know your place, Jan Adrian!” Nagugulat siyang tumitig sa asawa habang hawak ang nananakit niyang pisngi. Tears wouldn’t stop falling from Jian’s eyes. Hindi siya makapaniwala na para bang sa sitwasiyon na ito, siya pa ang nagmukhang masama samantalang siya ang naagrabyado rito. Halatang nagulat din ang asawa sa nagawa nito at sa sakit na makikita sa mukha niya, kaso imbes na humingi ng tawad at daluhan siya ay inalalayan pa nito ang babae nito para dalhin sa kwarto nila. Oo nila. That was what broke Jian’s heart more. “Haa…” Humigop ng hangin si Jian dahil sa labis na pagtangis. Napahihiya siyang tumingin sa paligid. May ibang umiiling, may ibang naaawa, at ang iba nama’y naeesakandalo siyang tinignan. Napahihiya, mabilis na kinuha ni Jian ang

