KABANATA 12

1326 Words

KABANATA 12 “Jian, anak!” Kaagad siyang niyakap ng ina pagkakita pa lang sa kaniya nang buksan nito ang pinto ng bahay nila. “Masayang-masaya ako na nakadalaw ka ulit pagkatapos ng halos limang buwan. Tuloy ka, tuloy.” Napangiti siya nang malapad dahil wala pa ring pinagbago ang ina niya kagaya ng huli nilang pagkikita. Masiyahin pa rin ito at maalagain. “Masaya rin akong makita ka ulit, Ma. Si Papa po?” tanong niya noong nakapasok na sila sa sala. “Ay naku, ang ama mo, excited na excited noong sinabi kong tumawag ka at matutulog dito ng isang gabi. Ayon at bumili ng mga inumin at aayain ka raw mamaya ng inom. Naku, ang ama mo talaga alam naman na wala naman ang asawa mo para makipag-inuman, hindi ka naman nahilig uminom.” Umiling-iling ang ina bago ito pumasok sa kusina dahil naamoy n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD