ROHAN'S POV: MABILIS lumipas ang dalawang linggo naming bakasyon ni Naya. At sa bawat araw ay sinulit namin at mas nagkakilala pa. Masaya ako dahil nakikita ko namang napapasaya ko ang mahal ko. Hindi rin maiwasan na palaging may namamagitan sa aming dalawa lalo na kapag nasa loob lang kami ng silid. Matapos ang dalawang linggo naming bakasyon, bumalik din kami ng bansa. Tumuloy kami sa Taguig. Kung saan ang apartment ko. Matatapos naman na sa isang buwan ang condominium na pinapatayo namin doon kaya babalik din kami ng Madrigal's compound. Doon kasi kami maninirahan ni Naya. Sa mansion nito para hindi siya mailayo sa pamilya niya. Mas gusto ko rin na doon tumira dahil nandoon si ate Yumi at nanay Mikata. "Papasok ka ba ngayon? Wala akong makakasama dito, hubby." Paglalambing nito.

