ROHAN'S POV: MABILIS lumipas ang mga araw sa pagsasama namin ni Naya. Naging mas matured nga ito at natuto na rin kahit paano sa pagluluto. Umuuwi ako sa apartment namin sa tanghali para doon mananghalian kasama ang asawa ko. Kapag dumarating ako, nakahain na ito sa mesa at nakahanda na rin ang pagbibihisan ko. Magkasalo kaming kakain sa umaga, tanghali at hapunan. Maging sa hapunan namin ay ito na ang nagluluto. Hindi siya gano'n kasarap magluto dahil hindi naman talaga siya nagluluto. Pero dahil luto iyon ng mahal ko, walang pag-aalinlangang kinakain ko ang mga inihahain nito sa akin. Sa effort pa lang niya na ipagluto ako ay panalo na ako. Magrereklamo pa ba ako? E nasa mahal ko na ang lahat. Mapagmahal, malambing, maalaga, makulit at palagi akong pinapatawa. Masaya bawat araw na l

