NAYA'S POV: PALAKAD-LAKAD ako sa loob ng apartment namin. Alam ko naman na mag-iinuman sina Rohan at mga kaibigan niya sa site ngayon dahil huling gabi na namin dito sa Taguig. Maayos na nagpaalam si Rohan sa akin kanina at pinayagan ko naman ito. But it's already ten o'clock in the evening and he's not yet here. Ang usapan namin, hanggang alasnueve lang siya doon. Dahil maaga kaming luluwas bukas. Hindi ako mapakali dito sa apartment. Knowing na nag-iinuman sina Rohan doon. Malaki naman ang tiwala ko sa asawa ko. Pero may kung anong bumubulong sa akin na sunduin ko ito doon. I took a deep breath. Malamlam ang mga matang napatitig sa orasan naming naka-hang sa wall. Almost eleven o'clock na. Pero wala pa rin siya. Iba na rin ang nagpaparamdam sa akin. Nagsuot ako ng jacket at lumabas

