NAYA'S POV: PARANG nawalan ako ng siglang magpatuloy sa buhay. Bawat araw na lumilipas, ay napakabigat at tulin para sa akin. Ni hindi ko alam kung umaga na ba? Hapon o gabi na. Para akong nakakulong sa isang madilim at masikip na silid. Walang maaninag maski kaunting liwanag. Hindi ko tinanggap ang operasyon ko sa mata. Kahit anong pilit at pangungumbinsi sa akin ng pamilya ko na magpa-opera ako para makakitang muli, hindi ako pumayag. Bakit pa? Kapag na makakakita na ako. . . makikita ko na rin si Rohan? Makikita ko ba ulit ang asawa ko kapag nanumbalik na ang paningin ko? Hindi naman 'di ba? Kahit anong gawin ko. Hindi na mababago ang nangyari. Maibabalik nga ang paningin ko. Pero ang buhay ng asawa ko? Hindi na. Hindi na maibabalik ang buhay ni Rohan. At ayokong makita ang katot

