ROHAN'S POV: ILANG minuto kaming nanatiling magkayakap na umiiyak sa balikat ng isa't-isa. Maging ang mga kasama namin dito ay umiiyak at bakas ang halo-halong emosyon sa kanilang mga mata. Kahit hindi ko pa sila naaalala, damang-dama ko sila sa puso ko. Alam ko at nararamdaman ko na hindi nila ako niloloko katulad nang ginawa sa akin ni Fatima. Nakatitiyak akong sila nga ang pamilya ko. Na totoong. . . nakauwi na ako sa pamilya ko--sa mag-ina ko. Kumalas ako dito na sumapo sa kanyang pisngi at pinahid ang luha nito. Napahawak naman ito sa kamay ko. Patuloy ang pagragasa ng luha sa kanyang pisngi. "R-rohan," nanginginig ang boses nitong sambit. "Nandito na ako, baby. Hwag ka nang umiyak. Hwag ka nang mag-alala. Nakauwi na ako, hmm? Hinding-hindi na ulit tayo magkakahiwalay," pagpapa

