NAYA'S POV: NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid ko. Napakatahimik kasi dito at kabisado ko ang air freshener na gamit dito sa loob ng silid. Idagdag pang napakalambot ng kamang kinahihigaan ko. Naigalaw ko ang ulo. Inaalala kung anong nangyari. "Mommy, wake-up. Gising na si Naya," dinig kong wika ni Ate Angelique. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Sa natatandaan ko kasi ay nasa hospital ako at hinihintay si Rohan. Pero dumating ang mga kuya ko na sinabing. . . hindi totoong buhay si Rohan. Na illusion ko lang ang mga nangyaring nakasama ko siya sa isla. "Naya, kumusta ang pakiramdam mo, bunso?" wika ni Ate Roselle na ginagap ang kamay ko. "A-anong nangyari, Ate? Nasa mansion na ba ako?" tanong ko na inalalayan ako nitong makaupo. Naramdaman ko rin ang paglundo ng kama

