THIRD PERSON POV: MAGKASAMANG bumalik ng isla si Haden at Delta. Naiwan naman si Noah sa hospital at ito ang umasikaso sa pagpapalipat kay Manang Celia sa Madrigal's hospital sa Manila. "Saan natin hahanapin si Rohan nito, Kuya?" tanong ni Haden habang nasa harapan sila ng bahay. Inaaral kung saan posibleng naroon si Rohan sa mga oras na ito. Kasama nila dito si Syd, ang isang tauhan ni Delta na inutusan nitong dalawin si Naya at alamin ang kalagayan nito. "Bahala na. Maghanap muna tayo nang posibleng magturo kung saan naroon si Rohan ngayon. Tiyak kong kung sino man ang may hawak sa kanya ngayon, siya rin ang may kagagawan sa nangyaring aksidente sa kanila ni Naya noon. Titiyakin kong magbabayad ang salarin sa likod ng insidenteng nangyari sa kanila ni Naya." Saad ni Delta na nagngi

