THIRD PERSON POV: NAGKATINGINAN ang tatlong magkakapatid na tila iisa ang tumatakbo sa kanilang isipan. "CCTV! Siguro naman ipapasilip nila ang footage nila dito sa hospital sa atin. Kailangan lang nating makumpirma kung 'yong Yuan na nakausap natin kanina sa isla at 'yong nakunan dito ay iisa," wika ni Delta na sinang-ayunan ng dalawa. Sakto namang papasok ang doctor at dalawang nurse na assistant nito para suriin si Manang Celia. Nagulat pa ang mga ito at natigilan na palipat-lipat ng tingin sa tatlong kay gugwapo at macho na nandidito sa silid! "Hi, doc. Uhm, can we talk to you?" saad ni Noah na siyang lumapit sa doctor. Sinenyasan naman ng doctor ang dalawang nurse na lumabas na muna. "About what po, sir?" kinikilig at malambing tanong ng doktora na nagniningning pa ang mga

