THIRD PERSON POV: NAKAYUKO si Naya nang maabutan ng mga kapatid nito na nasa tabi ng kanyang Nanay Celia. Nagkatinginan ang magkakapatid na bakas ang lungkot at awa sa kanilang mga mata na madatnan sa gano'ng sitwasyon ang bunso nilang tinuturing nilang kanilang prinsesa. Mas matanda ng ilang buwan si Naya sa Kuya Noah nito. Pero dahil babae ito at pinakamaliit sa kanilang magkakapatid, siya na ang tinuturing nilang bunso. Dahan-dahang pinihit ni Delta ang doorknob na marahang itinulak pabukas ang pintuan. Naramdaman naman ni Naya na may dumating kaya napalingon ito sa may pintuan. "Rohan?" tanong nito sa pag-asang si Rohan na ang dumating. Nagkatinginan naman ang magkakapatid. Si Delta ang naunang humakbang papasok na sinundan ng mga nakababatang kapatid nito at naaawang nakamata k

