YUAN'S POV: MATAPOS naming kumain, ako na ang nagpresinta kay nanay Celia na maghugas ng mga pinagkainan namin. Hinayaan naman ako nito at nagpaalam na sa amin ni Naya na magpapahinga na siya. Kahit bulag si Naya, sinamahan niya ako sa likod ng bahay nila. Dito kasi naroon ang poso na pinagkukunan nila ng malinis na tubig. Kaya dito sa labas sila naghuhugas ng plato at naglalaba. "Kaya mo ba?" tanong ko. Magkatabi kami nito. Tinutulungan niya akong maghugas ng mga plato. "Oo naman. Nabulag lang ako, Rohan. Tandang-tanda ko pa naman ang mga itinuro mo sa akin noon kung paano maghugas ng mga plato," sagot nito na nakangiti. Napangiti na rin ako na nagpatuloy sa pagsabon sa mga plato. Ewan ko ba pero--napakagaan sa loob ko sa tuwing nagkukwento siya tungkol sa kanila ng asawa niya.

