NAYA'S POV: MASAYA kaming nagkwentuhan na muna nila kuya sa sala habang nagkakape ang mga ito at iniinom ko naman ang gatas ko. Inihanda na ni nanay Celia ang higaan nila kuya dito sa sala. Maging ang isang silid kung saan ako tutuloy. Malalim na ang gabi nang magpasya kaming magpahinga. Maaga pa kasing aalis sina kuya bukas para mamili ng mga gamit namin dito sa bahay ni nanay Celia sa bayan. "Goodnight, bunso. Magpahinga na, hmm? I love you." Malambing wika ni kuya Delta sa akin na inayos ang kumot ko. Napangiti ako na humalik pa ito sa noo ko. "Salamat, Kuya. I love you too. Goodnight." Hinaplos naman niya ako sa ulo. Sunod ding nag-goodnight sa akin si kuya Noah. "Goodnight, bunso. Kuya loves you," malambing nitong saad na humalik sa noo kong ikinangiti ko. "Goodnight too,

