Ang Lalaking May Peklat
Written by: Lheanne Roxas
𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟐
---
8:15 ng umaga. St. Benedict’s Academy, Room 4-B.
Hindi ako makapag-concentrate.
Sa tabi ko, si Elias Vellin. Tahimik. Hindi nagsusulat. Hindi rin tumitingin sa board. Ang tingin niya nasa akin.
Hindi nakaka-ilang. Nakaka-kilabot.
Parang sinusuri niya ako. Parang sinusubukan niyang alalahanin kung saan niya ako nakita.
“Miss Monquez, pakibasa ulit ang sagot mo,” sabi ni Ma’am Delgado.
Binasa ko. Tama pa rin.
“Very good. Elias, ikaw naman. Ano ang derivative ng problem na ‘yon?”
Lumingon siya sa board. Tiningnan lang.
“3x² + 2x,” sagot niya, walang kopya, walang kopya.
Tumango si Ma’am. “Okay, both of you sit down. Transfer student but genius, ha.”
Pag-upo ko, bulong niya: “Kilala mo ba ang nanay mo?”
Nanigas ako.
“Anong ibig mong sabihin?”
Ngumiti siya. Maliit lang. Hindi friendly. Parang ngiti ng taong may sikreto.
“Wala. Pakiramdam ko lang, may hinahanap ka.”
Hindi ko alam kung matakot ako o magtanong. Bago pa ako makasagot, tumunog na ang bell.
Lumabas siya agad. Walang paalam.
---
*12:30 ng tanghali. Canteen.*
Nakaupo ako mag-isa sa pinakadulong lamesa. Dito ako laging kumakain. Walang gustong umupo sa tabi ko. “Anak ng yaya,” sabi nila. “Amoy labada.”
Binuksan ko ang baon ko: kanin lang na nilagyan ko ng toyo. Walang ulam.
“Pwede ba dito?”
Si Elias. May dalang tray na may spaghetti at juice. Umupo siya sa tapat ko nang hindi nagtatanong.
“Wala kang friends?” tanong ko, para may masabi lang.
“Wala akong kailangan,” sagot niya. Tiningnan niya ang baon ko. “Kain ka. Hindi masarap ang gutom.”
Kinuha ko ang kutsara ko. “Bakit mo ako sinusundan?”
“Hindi kita sinusundan,” sabi niya. “Gusto ko lang malaman kung totoo.”
“Totoo ang ano?”
Na titigan niya ako ng diretso.
“Kung ikaw talaga si Kira Monquez. Anak ni Amara Monquez.”
Bigla akong napatayo. Nalaglag ang kutsara ko.
“Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ng nanay ko?”
Umiling siya. “Kumain ka muna. Maraming mata dito.”
Tumayo ako at iniwan siya.
Habang naglalakad ako palabas, narinig ko siyang nagsalita, mahina lang:
“Babalaan mo ang sarili mo, Kira. Ang Pangatlong Pintuan, nagising na.”
---
*3:00 ng hapon. Pagkatapos ng klase.*
Hindi ako umuwi agad.
Sumunod ako kay Elias.
Alam kong mali. Sabi ni Tita Lourdes, huwag magtiwala sa estranghero. Pero mas takot ako sa hindi ko alam.
Naglakad siya papunta sa lumang parte ng Quiapo. Papalapit sa Mansyon de Vellin.
Huminto siya sa tapat ng bakod. Ang bakod na may karatulang:
*DELAPIDATED. KEEP OUT.*
Tiningnan niya ako. “Alam mo ba kung bakit nasunog ‘yan?”
“Sunog daw. Sabi ng balita.”
“Sunog?” ulit niya. Tumawa siya ng walang boses. “Walang apoy na kayang sunugin ang ganoong bahay, Kira. Ang kayang sunugin lang ‘yan, ay dugo.”
Kinilabutan ako.
“Ano bang alam mo?”
Hakbang siya papalapit sa bakod. Ang peklat niya sa kamay biglang sumakit. Nakita ko kung paano ito pumula.
“Alam ko na ang nanay mo hindi namatay sa aksidente,” sabi niya. “Alam ko na ang tito at tita mo ang may kasalanan.”
“Sinungaling ka!” sigaw ko. Pero nanginginig ang boses ko.
“Hindi.”
Hinugot niya ang isang lumang susi mula sa bulsa niya. Susi na kalawangin, may tatak ng tatlong pintuan.
“Hanapin mo ‘to sa bahay niyo,” sabi niya. “Sa ilalim ng ref. Kung matapang ka.”
Bago ko pa masagot, narinig namin pareho ang boses.
“KIRA!”
Si Tita Lourdes. Nakasakay sa tricycle, galit na galit ang mukha.
“Ano’ng ginagawa mo dyan?! Sabi ko wag lalapit dyan! Gusto mo bang kunin ka ng demonyo?!”
Hinablot niya ako sa braso at hinila papalayo.
Bago ako tuluyang hilahin, lumingon ako kay Elias.
Nakatayo lang siya doon. Hindi gumagalaw.
Pero sa likod niya, sa loob ng bakod ng Mansyon, may anino na nakatayo rin.
At tumango ito sa akin.
---
*11:00 ng gabi. Bahay ng mga Monquez.*
Hindi ako nakatulog.
Pagkauwi ko, sinampal ako ni Tita Lourdes. “Hindi ka na lalabas ng gabi! Naiintindihan mo ba?!”
Tumango ako. Pero sa isip ko, ang sinasabi ko: _Bakit ka galit? May tinatago ka ba?_
Ngayon, nakahiga ako sa banig ko sa tabi ng ref.
Alam ko kung nasaan ang susi.
Dahan-dahan akong dumulas pababa. Ang kamay ko nanginginig habang inaabot ang ilalim ng ref.
Malamig. Maalikabok.
At may metal.
Nahawakan ko ito.
Isang susi. Kalawangin. May tatak ng tatlong pintuan.
Pareho sa hawak ni Elias.
Bago ko pa mailabas, biglang umilaw ang buong kusina.
Si Tiyo Renato, nakatayo sa pintuan. Nakahawak sa sinturon.
“Anong ginagawa mo dyan?”
Hindi ako makasagot.
Ang susi nasa kamay ko, habang ang litrato naman ay nasa bulsa ko.
At sa labas ng bahay, narinig ko ang tatlong katok.
Tatlong beses. Dahan-dahan.
Parang kahapon lang.
Si Tiyo Renato sumilip sa bintana. Namutla siya.
“Huwag mong buksan,” bulong niya.
Pero huli na.
Dahil sa ilalim ng ref, may isang bagay na gumalaw.
At bumulong:
_Kira. Binuksan mo na ang unang pintuan._
• • •
Ang Unang Pintuan
Written by: Lheanne Roxas
𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟑
---
*11:03 ng gabi. Bahay ng mga Monquez.*
Nakabukas ang susi sa kamay ko.
Sa labas, tatlong katok. Dahan-dahan. Parang kahapon.
Sa ilalim ng ref, may gumagalaw.
Si Tiyo Renato nakatayo sa pintuan, putla, hawak ang sinturon pero hindi gumagalaw. Parang mas natatakot siya sa nasa labas kaysa sa akin.
“Huwag mong buksan,” bulong niya ulit.
Pero huli na.
Dahil ang susi sa kamay ko umiinit. Parang may sariling pulso. At sa ilalim ng ref, may bumulong—
_Kira. Binuksan mo na ang unang pintuan._
Nagtaas ako ng tingin kay Tiyo. “Ano’ng ibig sabihin niyan?”
Hindi siya sumagot. Tumakbo siya papasok ng kwarto, sinara ang pinto, at narinig ko ang pag-lock.
Iniwan niya ako.
Ang tatlong katok tumigil.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
Dahan-dahan akong lumuhod at sinilip ang ilalim ng ref.
Madilim. Maalikabok.
At may mata.
Isang mata, kulay abo, nakatitig sa akin mula sa dilim. Walang talukap. Walang blink.
Bumukas ang bibig nito, pero walang tunog na lumabas. Ang narinig ko lang ay sa isip ko:
_Pumasok ka. Alamin mo kung bakit ka namin pinili._
Napaatras ako. Ang susi nahulog.
“ANO YAN?!” sigaw ni Tita Lourdes mula sa kwarto nila. “RENATO! PATAYIN MO YAN!”
Hindi sumagot si Tiyo.
Tumayo ako. Ang puso ko parang lalabas sa dibdib ko.
Ang mata sa ilalim ng ref kumurap. Minsan lang. At nawala.
Naiwan ang susi.
Pinulot ko.
At sa sandaling ‘yon, parang may pumitik sa likod ng utak ko.
Isang alaala na hindi sa akin.
_Nasa loob ako ng Mansyon de Vellin. 8 years old ako. Hawak ko ang kamay ng nanay ko. Sa harap namin, tatlong pintuan. Ang pangatlo umiiyak._
Nagising ako. Hinihingal.
Hindi ako 8 years old. Hindi ako nandoon.
Pero bakit parang totoo?
---
*Kinabukasan. 6:45 ng umaga. St. Benedict’s Academy.*
Hindi ako pumasok kahapon.
Ngayon, lahat nakatingin sa akin.
“Yan ba yung sinampal ni Mrs. Monquez sa palengke?”
“Narinig ko nagsasalita daw siyang mag-isa sa gabi.”
“Multo yata ang kausap.”
Binalewala ko sila. Diretso lang ako sa Room 4-B.
Nandoon na si Elias. Nakaupo sa upuan ko.
Tumayo siya pagkapasok ko.
• • •