Chapter 27 Girlfriend “Ako si Wayne Salvador. Isa akong private investigator.” Luminga ako sa paligid. Mukhang hindi pa naman dumadami ang mga kumakain kaya hindi siguro masama kung makipag-usap muna ako sa lalaking nagngangalang Wayne. “Ako si Anastasia Resurreccion.” Tumango ang lalaki at umayos ng upo. Pinatong nito ang magkasalikop na mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Kumpara kay Gabriel ay maikli lamang ang buhok nito. Bilugan ang mga mata ni Wayne pero nakasingkit ngayon dahil sa pag-iisip. Matangkad ito at moreno ang kutis. Halos magkasingkatawan sila ni Gabriel ngunit sa palagay ko ay mas maliit ng ilang sentrimetro. “Inosente po si Gabriel?” nabubuhayan kong tanong. Tumango ito, lumilinga sa paligid. “Kagaya ng sinabi ko kanina, naniniwala akong inosente si Gabriel pero hindi

