Chapter 26

1808 Words

Chapter 26 Inosente Maraming pumapasadang mga jeep at tricycle sa isang gilid. Ang maiingay na mga busina at umpukan ng usok ang sumasabay sa pagharurot ng mga sasakyan. Nakababad din sa mainit na kalsada ang mga Takatak Boys. Mayroong nagtitinda ng mga basahan, mineral water at Sampaguita. May mga nag-aalok din ng mabilisang car wash. Saboy ng isang latang sabon. Saboy ng isang latang tubig. Abot ng lima pero kung minsan ay sampu. Sa isang gilid naman ay ang mga nakabilad na baratilyong iba’t ibang klase ang binebenta. Nagtatakbuhan ang mga batang walang short at ang mga tsinelas ay nakasukbit sa siko. May mga naghahanda pa lang kumain sa oras ngayong alas-dos pasado. Minsan ay mas maaga kung matumal ang benta. Pero mas maganda nang kumain ng wala sa oras kaysa naman magtinda ng wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD