Chapter 25 Nakilala “Ito? Gusto mo nito? Masarap!” Walang reaksyon si Gabriel. Tahimik lang itong nakaupo sa harapan ko. Kanina pa ako nito pinanonood. “Ito? Baka gusto mo nito?” Dinuro ko naman ang binili kong isang box ng half-dozen na donut. Assorted iyon dahil baka hindi na siya mahilig sa Choco Butternut. Binili ko rin kanina dahil katabi lang ng tindahan ng ice cream. Kagaya ng kaniyang mga naunang reaksyon ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at muling sinarado ang box. Sayang naman. Ang bango pa naman at mukhang masarap dahil assorted. Sinarado ko rin ang iba pang mga pagkain katulad ng mga paborito niyang chichirya at shake. Itinabi ko sa isang pwesto samantalang ang isang tub ng vanilla ice cream ang aking tinira sa lamesa,

