Chapter 32

1764 Words

Chapter 32 Sinigang III Kanina ko pa tinitingnan ang pamilyar na puting SUV na nakaparada sa harapan ng pawnshop ni Mrs. Ching. Ilang minuto na iyong naroon at nabibilad. Ang kawawang puting Fortuner ay nagtatampisaw sa araw habang ang may-ari nito ay maaaring umiinom ng coke na may yelo o baka naman ay iced tea. Ilang saglit pa ay lumabas din ang inaantay kong si Judge Carol Perez. Kahit sa malayo ay kumikintab ang mga alahas nitong suot. Sumakay sa kotse ang ginang at tuluyan nang umalis. “Ano ang mga plano mo, Judge Perez?” bulong ko sa ere. Bumalik ako sa aking trabaho, ang magsilbi sa mga customers na kumakain sa katanghaliang tapat. Mas marami ang mga driver at manggagawang kumakain sa tanghali kumpara sa gabing halos mga mag-anak ang pumupunta lalo na kapag Sabado dahil payday.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD