Chapter 33

2660 Words

Chapter 33 Hukay “Uy! Balik ka ulit ha! Ang sarap ng Adobo mo!” kaway ni Matilda, ang misis ni Fermin. Pangatlong araw ko iyon sa pagdadala ng mga ulam nila sa maghapon. Hindi rin naman ako nagtatagal. Tanging ginagawa ko lang ay ang mag-abot ng ulam. Ang dating mabagsik na si Fermin ay unti-unting naging tahimik hanggang sa ang kaya na lang niyang gawin ay ang tingnan ako ng masama. “Ton, tingnan mo. May ulam na naman tayo! Adobo naman!” Tumalon si Matilda patungo sa asawa. Kumaway ako ng huling beses sa nakatanaw na si Fermin. Pumara akong tricycle upang makadalaw na kay Gabriel. Habang nasa byahe papuntang Ilagan ay malalim ang iniisip ko. Paulit-ulit kong inaaalala ang gabing dapat ay kami ang mananakawan sa halip na ang pawnshop ni Mrs. Ching. Bagama’t mas mayaman sila at kakamp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD