SUGAR DADDY

1476 Words
. "Good morning Love..." Malambing ang tinig ni Andrea. Nagising siya sa silaw ng araw mula sa bintana. Sa ilalim ng kumot, umikot siya at yumakap sa nakahubad na katawan ni Don Rafael. Yan ang kanyang nakasanayan, matagal muna niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki sa tabi niya, na parang sinasagap ang katahimikang bihira niyang maramdaman. Dahan-dahang inunat ni Don Rafael ang kanyang kaliwang braso, nagising sa paggalaw ni Andrea kahit hindi pa niya idinidilat ang mga mata. Kilala niya ang bawat galaw nito. Alam niyang lalapit na naman ito upang gawing unan ang kanyang braso—isang maliit na bagay na tila inaangkin nito sa kanya. At sa sandaling iyon, muling nakatulog si Andrea sa mahigpit niyang yakap. Kalaunan, nakatulog uli si Andrea. At hindi na niya namalayan na nagising at bumangon na si Don Rafael, iniwan siyang payapa na natutulog sa kama. Bago pa pumagitna ang araw sa tanghali, nasa kusina na si Don Rafael. Binuksan niya ang laptop—hindi para sa trabaho, kundi para tiyakin ang isang bagay. Ang seguridad ng kanyang mga lihim. Kinuha niya ang isang hard drive at isa-isang inilipat ang mahahalagang files. Pagkatapos, binura niya ang mga ito sa laptop, walang bakas, walang matitirang ebidensya. Sinuri niya ang search history. Puro branded na sapatos, damit, Korean fashion, at ilang luxury sites. May mga kumpirmasyon din ng orders na umabot sa kabuuang 41,324 pesos. Walang kahina-hinala. Bahagya siyang napabuntong-hininga. Mukhang hindi pa siya nadidiskubre ni Andrea. At hindi dapat mangyari iyon. Muli niyang sinuri ang ilang files, saka nilagyan ng password ang iba. Maya-maya, ay marahang bumukas ang pinto, at lumabas si Andrea. Isang mahinang tunog, pero para kay Don Rafael, isa itong alarma. Agad siyang nagpalit ng tab, kunwaring may binabasang report. Lumapit si Andrea, dala ang magandang ngiti ng bagong gising na dalaga. “What do you want? Coffee or sweet breakfast?” malambing niyang tanong, sabay halik sa noo nito. Mahal niya ba si Don Rafael? O kailangan lang niya itong gawin? “Anything. Pero gusto ko ipagluto mo ako ng paborito ko. Pwede ba?” utos ni Don Rafael. Hindi sa ginawa nya itong alipin ngayon, kundi sinadya niya itong gawing busy ang kanyang oras. Maging abalan din ang kanyang isip sa pagluluto habang hindi pa siya tapos sa ginagawa niya. “Masusunod, aking kamahalan,” sagot ni Andrea, nakangiti… pero may nakatagong sekreto. Sa kanyang pagtalikod ay nagbago ang kanyang hitsura. Ano nga bang binabalak niya ngayong nakasama niya uli si Don Rafael? Habang naghahanda ng kape, palihim siyang sumusulyap kay Don Rafael. Nakalimutan ni Don Rafael na may mga makikinang na serving glass sa kusina, ito ang ginagamit ni Andrea upang magsilbing salamin. Ang position nito ay sakto sa likod ni Don Rafael upang makita ni Andrea kung anong mga pinag-pipindot niya doon sa keyboard. Shoot na! nakuha na ni Andrea ang password ni Don Rafael sa online bank account nito. Halos mapa-sayaw na siya sa tuwa, ngunit pinigilan niya ang sarili. Biglang napalingon si Din Rafael. At sa kanyang paglingon ay naghihiwa si Andrea ng kamatis. Habang nakatalikod sa kanya. Kinakabahan, dahil pakiramdam niya’y binabantayan siya nito, kahit hindi naman ito direktang nakatingin. Alam niyang isang maling galaw lang...ay maaring mawala ang lahat, pati na si Andrea. Pwedeng kayang magbago ang lahat? Si Andrea, na isang magnanakaw? Pero isa ring bihag ng lalaking ninanakawan niya. “Ahh!” Halos mahulog ang tasa. Tumilapon ang mainit na tubig sa sahig. “Bakit?” agad na napatayo si Don Rafael. Napaso si Andrea. Nanginginig ang kamay at nagsisimula nang mamula, nangingintab ang mga mata hindi lang sa sakit, kundi sa nerbyos. “Sorry… love, okay lang ako…” pilit niyang ngiti. Lumapit si Don Rafael, kalmado ngunit halatang nag-aalala. "Please be careful next time.” Pinunasan ni Don Rafael ang natapon na mainit na tubig. At sa bawat lapit nito kay Andrea, mas lalo siyang nalulunod, hindi niya alam kung dahil sa pagmamahal o baka eksina lang. Napaisip na din ito. Bumalik si Don Rafael sa pag upo, sa harap ng kanyang laptop, pagkatapos ay nagtungo si Andrea sa banyo. Isinara niya ang pinto at napasandal. Mabilis ang t***k ng puso niya, dahil sa nangyari. Muntikan na siyang mahuli pero kailangan niyang mag sacrifice ng kaunti. Sapagkat hindi pweding masira ang tiwala ni Don Rafael sa kanya. Dahan-dahan niyang inilabas ang cellphone Nokia 1110i na nakatago sa ilalim ng kanyang damit. Isang lihim na cellphone na may sariling numero. May isang mensahe: "Balita ko nakabalik na siya?” Huminga siya nang malalim, saka nag-type: “Oo. Mahigpit siya kaya nagiingat lang ako. Pero malapit na.” Saglit siyang natigilan. At nagreply ang unknown number. “Mag-ingat ka. Delikado siya.” Napapikit si Andrea. Sa salamin, nakita niya ang sarili na pagod, natatakot… at nagdadalawang-isip. “Mas delikado kung hindi ko ito gagawin.” Iyon ang huli niyang sinabi sa unknown number. Mabilis niyang itinago ng pabalik sa ilalim ng damit niya ang cellphone, pagkatapos ay hinugasan at nilagyan ng cream ang nasunog na kamay, bago lumabas. "Salamat… pasensya na," mahina niyang sabi. Tumango lang si Don Rafael at bumalik sa laptop. At doon, muling humigpit ang t***k sa dibdib ni Andrea. Pagsapit ng oras ng 4:30 PM sa hapon. Biglang tumunog ang doorbell, at si Andrea na mismo ang kumilos para magbukas nito. Nang makita niya ang nakatayong lalaki sa labas, ay namukhaan niya agad ito, siya ay isa sa mga pinagkatiwalaan ni Don Rafael dito sa hotel. “Good afternoon, Sir. Gusto ko lang po ipagpaalm sa inyo na ang inyong bisita ay nag aantay sa room 206. ” sinabi ng lalaki habang bahagyang nakayuko ang ulo sa harapan ni Don Rafael. Tumango si Don Rafael, walang sinayang na salita. Kaya matapos ang ilang minuto, na paghihintay ng isang special guest sa room 206, dumating si Don Rafael na hinatid ng ilang guwardiya sa loob, Umupo ito sa harap na may kalmadong aura ngunit may mga matang katulad sa isang ibong lawin, na naghahanap ng kanyang mabibiktima. “You did an excellent job.” Pumalakpak si Don Rafael habang nakaupo sa master chair. Binabati niya ang kanyang guest. Sa mata ng bisitang ito, ay nakita niya ang kakaibang postura ng babae sa tabi niya, isang magandang dilag na tila mamahalin kung ihahambing sa ilang produkto, isang inosenting babae na pagmamay-ari.ni Don Rafael. Si Andrea. Pero ang bisita, ay mailap, mapanganib, at hindi nagtiwala kahit kailan kay Don Rafael. Nakaupo ito sa pinakadilim na sulok ng kwarto, na parang isang multong tagabantay sa loob. At nang makita niya si Andrea, hindi nito magawang maialis ang tingin sa kanya. Magkakilala ba sila? Mga titig niya na sing lamig ng nyebe sa north pole. Matindi. Mapang-angkin. At may lihim na galit. Para bang gusto niyang alisin si Don Rafael sa tabi nito, pero alam niyang hindi pwede. Hindi siya puwedeng maging kaaway ng lalaking nagbibigay ng pera sa kanya. Tumabi si Andrea kay Don Rafael sa pag upo, at doon nagbago ang tingin ng estranghero. Halos sinisid ang bawat anggulo ng mukha niya, bawat paghinga, bawat galaw niya na kahit ang mabango at malambot na buhok niya ay nais niyang mahawakan. Ngunit hindi pwede, bawal sapagkat hindi niya pagma may ari ang babaeng ito. Kasalukuyan; napatanong si Andrea sa sarili. "Bakit ganyan siya makatingin sa akin?" Kung nakakapagsalita lang ang isang pagtingin ay marahil alam na agad ni Andrea ang dahilan. “Paano kung wala si Don Rafael dito? "Done. I already sent my payment to your account," sabi ni Don Rafael, inilapag ang tablet sa mesa. Sarado na ang kanilang deal. Pero naramdaman ni Andrea ang kabigatan na saglit na nagpapagaan,. Ang titig ng lalaking estranghero na tumatagos sa kanyang mga kalamnan. Hindi niya alam ang pangalan nito, at ayaw niyang malaman. Sa isip ni Andrea, ay kanyang naitanong, "Assassin kaya ito? Bakit hindi niya ito nakikita madalas sa hotel? At ang pinaka-nakakatakot? Hindi niya alam kung kakampi din ito si Don Rafael. “May isa pa akong ipapagawa sa’yo soon,” dagdag ni Rafael, may bahid ng pag-iisip. “Pinagaaralan ko pa kung itutuloy ko.” sinabi ni Don Rafael. Lalong lumamig ang hangin sa loob, na arang may paparating. Inilagay ni Don Rafael ang kamay niya sa hita ni Andrea na may mahinahong paglapag at walang pag-aalinlangan. Nagulat ang dalaga. Hindi siya komportable, lalo sa presensya ng estrangherong iyon na tahimik na nakatingin sa kanila, parang lobo na nagmamasid sa dilim. “Happy to serve,” tugon ng lalaki mula sa madilim na bahagi ng kwarto. At sa puntong iyon… alam ni Andrea na hindi siya kailanman ligtas sa usaping negosyo. Hindi kay Don Rafael. At lalo na, hindi sa lalaking nagtatago sa dilim. “I’d like to offer you a bonus,” dagdag pa ni Don Rafael. Nakangiti pero may be something sa likod ng ngiti. Isang bagay na nakakapanginig ng laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD