Itinaas ni Andrea ang kanyang kaliwang braso at marahang ipinatong sa likod ni Rafael. Idinikit niya ang kanyang pisngi sa braso nito, kunwari’y sweet, kunwari’y lambing… pero ang totoo, inaalam niya ang bawat galaw, bawat paraan ng pag-negotiate ng lalaki. Sinusukat niya ang tinig at timing ni Don Rafael, tulad ng isang estudyanteng nagmamasid sa guro.
Para kay Rafael, cute iyon. Para kay Andrea… taktika iyon.
Dahil sa kilos niyang tila inosente, unti-unting bumaba ang pagbabantay ni Don Rafael. At iyon ang pinakaimportanteng bahagi, ang sandaling nalilimutan siyang bantayan.
Hindi rin humihingi ng kahit ano si Andrea mula kay Don Rafael, kusa lang niya itong binibigyan ang allowance para sa kanyang mga personal na pangangailangan. Wala siyang ilusyon, at iyon ang obserbasyon niya dito.
Ngunit si Andrea? alam niya na masyadong mabigat ang mundo para umasa sa kanya habang-buhay. Sa ngayon, nasa taas siya, may pera, may katawan, may kabataan. Pero darating ang panahon… tatas ang edad, lilipat ang atensyon, at lilipas ang halaga niya sa lalaki. At kapag dumating ang araw na iyon, gusto niyang may matitirang silid para sa sarili niya, isang lugar kung saan hindi na siya babalik sa kahirapang kinatatakutan niyang muling danasin.
Samantala, naniniwala si Don Rafael na simple lang si Andrea, ayaw raw nito ng gulo, wala raw interes sa kanyang negosyo. Para sa kanya, ang iniisip lang ng dalaga ay ang suot at itsura nito. At dahil doon, kampante na siya.
Pero hindi niya alam na ang babaeng nasa tabi niya… ay naglalaro ng mas tahimik, at mas mapanganib na laro.
“Five hundred thousand pesos. How does that sound?” Pahapyaw na sabi ni Don Rafael, tila wala lang.
Hindi sumagot ang lalaki sa dilim, na parang nagiisip pa ito.
“Her.” Isang boses ang biglang sumingaw.
Pakiramdam ni Andrea ay para siyang pinako sa dingding matapos marinig ang sagot nito.
“Gusto ko ang babaeng ito,” dagdag ng assassin, malamig, atwalang pakundangan.
Para bang tinamaan si Andrea ng kidlat. Parang nahulog siya mula sa sofa papunta sa isang bangungot. Pag-angat niya ng tingin, naroon ang lalaki... nakapako ang tingin sa kanya na parang tinataya siya, kinukuwentahan, sinusukat kung gaano siya kasarap… o gaano siya kahalaga.
Walang ibang babae sa silid. Walang ibang pwedeng tukuyin. At doon siya nanigas, hindi makagalaw.
Nanlamig ang daliri. Sumikip ang dibdib.
Mabuti na lang... possessive si Don Rafael.
“Ask for something else,” sabi ni Don Rafael, parang nagtataboy ng langaw, habang iniakbay si Andrea sa dibdib niya at idinikit ang katawan ng dalaga sa kanya.
“I don’t want to keep her,” mabilis na sagot ng assassin. “I just want to f**k her. One time.”
Nagtiwala si Andrea na muling tatanggi si Don Rafael. At doon... doon siya natawa. Isang malamig, na katulad sa isang musika na tawa, masarap pakinggan sa taenga na paborito ni Don Rafael.
“Hindi ko ibibigay ang lucky charm ko,” sabi ni Don Rafael, at marahan niyang hinalikan ang noo ni Andrea. Gumaan ang loob ni Andrea…dahil dito. Pero hindi naibsan ang panginginig sa kanyang kaloob-looban.
Naalala niya, tinawag siyang "angel" minsan ni Don Rafael. Anghel raw siya, na may mukha at buhok na hindi matutularan ng iba. Tumawa si Andrea, mapang-akit, pang-akit na sandata, para paalalahanan si Don Rafael kung ano ang meron siya.
Pero sa tonong iyon… kumislot ang assassin. Kumapal ang tensyon. Parang may dumaan na malamig na hangin sa pagitan nila.
Hindi makapagsalita si Andrea. Parang may tinik sa lalamunan niya.
“I don't want to share her,” dagdag ni Don Rafael, maaaring may yamot, ngunit ang boses ay nananatiling kontrolado.
At oo, walang lalaking tulad ni Don Rafael ang nagbibigay ng babae niya. Pero walang saksi dito. Walang makakapigil. Wala siyang iniisip na hindi niya kayang gawin.
“Five hundred thousand plus a high-end UK-manufactured car... Range Rover. Paint code: White Angel. Supposedly a special gift for her. But I’ll give it to you instead,” dagdag pa ni Don Rafael.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Andrea at hinalikan. Ngunit ang assassin... hindi gumalaw.
Hindi ngumiti. Hindi nagtaas ng kilay. Totally... walang reaksyon.
At ang kawalan ng reaksyon na iyon…ay mas nakakatakot kaysa sa galit.
“I will grant your request,” sabi ni Don Rafael.
“Tell me how much you want... except her.”
Tumingin si Andrea kay Don Rafael. May kung anong kakaibang lungkot sa tono ng lalaki. May bahid ng kaba. At may halong pagdadalawang-isip.
“s*x is cheaper than money. You can buy a lot of it with five hundred thousand pesos,” paliwanag ni Don Rafael.
Pero tahimik lang ang lalaki sa dilim, nakabantay at naghihintay. Ngunit ang boses nito...ang kahilingan niya.... ay nananatiling nakabitin sa ere na parang bitag.
“I don’t want your money,” sagot niya sa mabilis at diretso.
Nanlamig si Andrea. Alam niya ang ibig sabihin nun. Hindi na magagamit ni Rafael ang assassin. At mas masahol pa., ay maaaring maging kaaway niya ito. At doon siya kinabahan ng husto.
Tumingin si Don Rafael sa kanya... isang titig na hindi niya mabasa. At sa unang pagkakataon,
nakita ni Andrea ang isang bagay na hindi niya naisip na makikita, at inaasahan.
Pag-aalinlangan.
“Perhaps… I've convinced myself,” biglang wika ni Andrea, mahina ngunit matalim.
“s*x is cheap… and I, too, can do a lot with five hundred thousand pesos.”
Parang umangat ang buong silid. Parang gumulong ang mundo. Tumayo bigla si Don Rafael, tinanggal ang akbay niya, at pinagpagan ang slack pants. Parang wala lang. Parang walang nangyayari.
“I have another business meeting across town. I’ll be gone for five hours,” aniya.
“Don’t damage her.”
At tumalikod ng hindi man lang lumingon.
“What?” Napatalon si Andrea, at nanlaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwala.
“What are you saying?”
“What are you doing?”
"This was a joke, right?"
Pero wala. Walang sagot. Ni isang sulyap mula kay Don Rafael... ay wala.
“Rafael… Rafael!” boses na malakas, paputol-putol, paulit-ulit at desperado.
Pero sinara ni Rafael ang pinto mula sa labas. At nang marinig ni Andrea ang pag-click ng lock… tila nabasag ang buong mundo niya.
Sinapit ni Andrea ang mapait na pagtatakwil, hindi makapaniwalang tatalikuran siya ni Rafael. Gustohin man niyang magwala ngunit wala siyang magagawa.
"Rafael...Rafael" paulit-ulit na pagtawag ni Andrea, boses na nagmamakaawang babalikan siya ni Don Rafael.
Matapos mawala si Don Rafael sa paningin niya, ay tumakbo si Andrea sa pinto upang buksan ito para sumunod sa kanya, gagawin niya ang lahat para pakiusapan ito na huwag siyang hayaang iwan sa lalaking mamamatay-tao. Ngunit huli na siya.
Hindi biro ang lokohin ka ng isang taong mahal mo. Agad tumulo ang luha sa kanyang mga mata na dala ng emosyong itinapon siya na parang basura sa lalaking mamamatay-tao.
Napaupo siya sa sahig. Nanginginig. Humihikbi. hindi makapaniwala. Pakiramdam niya itinapon siya sa kulungang puno ng leon.
At ang leon…ay lumakad papunta sa pinto.
Tahimik na ni-lock ng assassin ang lahat ng bolts, chain, at latch...isa-isa, maingay, at mabagal na sinasadya. Wala nang makakapasok, wala nang makakalabas...
At si Andrea? ay naiwan na mag-isa kasama ng isang halimaw na gusto siyang angkinin.
Sa labas, lumapit si Rafael sa main door, binuksan at umalis ng unit na iyon, katulad ng nakasanayan niya. Sino ba naman ang maghihinala sa nakakita dito? na para bang nagpapahinga lang siya saglit at umalis para magtrabaho uli.
Habang ang kawawang si Andrea naman ay halos naninikip na ang ang dibdib sa kakaiyak sa loob. Dagdag pa dito ay ang kanyang takot na nararamdaman, sa isang estranghero na ito.
Marahang napatingin si Andrea sa lalaki na nakasimangot. Pero sa ibang direksyon naman ang tingin nito. Nang biglang gumalaw ang ulo nito upang tumingin sa kanya, ay agad din siyang napayuko. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.
Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak. Hindi siya tumingin sa assassin, at hindi gumagalaw, na parang lubusan siyang nanigas na parang yelo. Any minute now, umaasa pa din siya na babalikan siya ni Don Rafael, na baka magbago ang isip nito at bawiin siya. Ang kanyang sariling pulso ay umuungal sa kanyang mga tainga, sinabayan na parang kulog ang bawat pintig ng puso niya.