Pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin. At nakumpirma ko nga iyon ng huminto kami sa harapan ng malaking gate. Nagbago man ang kulay ng gate na iyon ay alam kong iyon pa rin ang bahay dahil malinaw pa rin sa isipan ko ang lugar na ito kahit maraming taon na ang lumipas. “Hindi ba’t itong ‘yong…” Maging si mama ay hindi rin makapaniwala. Tumingin pa siya sa akin. Alam naming pareho kung kanino ang bahay na ito. Naging moderno man ang ilang bahagi ng bahay ay alam naming pareho ni mama na ito ang dating bahay nina Jared. And this is our safe haven when we were young. Marami akong alaala sa bahay na ito kasama si Jared. Mga masasayang alaala na kailan man ay hindi ko nakalimutan sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa kanya simula ng iwanan n’ya ako noon. “Amira, are you sure this is

