Nakatanaw pa din sa salaming dingding si Nathan nang muling pumasok ang mga magulang sa conference room. Kalahating oras na halos ng makaalis si Louise sa opisinang iyon. Nang iwan sila kanina ng mga magulang ay halos gusto niya itong yakapin at ipaalam na mahal pa rin niya ito. But he sees hatred in her eyes everytime he looks at her. Hindi niya ito masisisi. He made the biggest mistake in their relationship. Kahit siya'y hindi niya mapatawad ang sarili hanggang ngayon. "Hindi mo ba siya nakumbinsi?" tanong ng ama sa kanya. He shook his head. Nang malaman niya kay Tanya na umalis sila Louise nang walang nakakaalam ay halos mabaliw siya. Sinisi niya ang sarili sa nangyari. Sa sobrang sama ng loob ay pinagsusuntok niya ang salamin ng kotse hanggang mabasag ito. Ang kamay niya'y walang ti

