Ginugol nilang mag-ina ang maghapong iyon sa paghahanap ng bagong matitirhan na malapit sa opisina nang DGC. Nang malaman ng Mommy niya na tinanggap niya ang alok ng mga Delgado na papalitan niya ang pwestong inalisan mg ama ay natuwa ito. Madadalaw na raw niya ng madalas ang puntod ng asawa kung doon sila mamamalagi. She sighed. Muntik na siyang maging selfish dahil lang sa galit niya kay Nathan. Hindi man lang niya tinanong ang ina kung ano ang opinyon nito. Isang maliit na apartment ang nahanap nila sampung minuto lang kung lalakarin hanggang sa building ng DGC. Natatanaw mula dito ang baybaying karugtong ng Puerto Galera. Wala silang dalang gamit dahil wala sana silang balak magtagal doon. Dumeretso sila sa isang mall para mamili ng kama, eletric fan, at electric stove. Binilhan niy

