Six years later... Kinapa ni Louise ang susi ng kotse sa kanyang bulsa. Dumaan lang siya sa grocery para mamili ng ilang kakailanganin sa byahe. Nasa isang malaking mall siya sa Quezon City na malapit sa opisina. Ipinasok sa likod ng kotse ang mga pinamili pagkatapos ay umupo sa manibela na mabigat ang loob. Her father died due to heart attack. Ngunit bago siya bawian ng buhay ay ipinakiusap nitong sa dating bayan nila siya ilibing kasama ng mga magulang nitong namayapa na. San Nicholas. Ang bayang iniwan nila six years ago. She learned later on what her father had done that made them leave the town in the middle of the night. She was young. Naive. And hurt. Nagpaanod siya sa desisyon ng mga magulang. Tumakas ang pamilya nila sa problemang kinakaharap nila sa DGC. Five milli

