Inabot ni Nathan kay Louise ang dala nitong red roses habang kumakain sa isang kilalang restaurant sa isang mall sa Calapan. Inabot din niya ang isang maliit na kahong galing sa bulsa. "It's so beautiful!" Tuwang tuwa si Louise ng mabuksan iyon at makita ang laman. It's a gold necklace with a heart-shaped pendant. Isinabit niya sa leeg ng kasintahan bago masuyong hinagkan. "I love you, my Louise, happy monthsary." Pagkatapos kumain ay naglibot sila sa mall at nanood ng sine. Bago ihatid sa bahay ay dumaan muna sila sa gilid ng beach sa Puerto Galera. "This is the happiest place on earth for me. Beach and you." Nakayakap si Louise sa bewang ni Nathan habang nakaakbay naman si Nathan sa kanya. They are watching the sunset. "Ipangako mo sa akin na kahit anong unos ang dumating sa relasyo

