Sunod-sunod na ring sa cellfone ang nagpagising sa kanya. Alas otso na ng umaga. Napapikit siya nang maalala ang pag-inom kahapon. Hindi pa rin tumitigil ang pag-ring ng telepono. Nagpasya siyang sagutin ito. "Hello." "Ms. Louise, tinatanong ni Nathan kung papasok ka ba?" It was Cherry on the other line. She can sense the dislike in her voice. "Yes. Pero maya maya pa. My feeling is not well," sagot niya at ibinaba na niya ang telepono. Nakita niya ang ina na nag aayos ng mga bagong biling halaman. Naalala niya ang mga tanim nito sa kanilang dating bahay. "Tara nang mag almusal, anak, hinihintay talaga kitang magising para makakain na. Napasarap yata ang tulog mo." "Medyo masakit lang ho ang ulo ko." Nagtimpla siya ng kape nilang mag-ina. Her mother loves coffee dahil sa luma

