Pagpasok niya kinabukasan ay tinawag niya si Cherry. "I will be assigning you as my new assistant from now on. Isa ka ding accountant so you know everything." Kumislap ang mata nito sa tuwa. Lalo nang may pinadala siyang pipirmahan ni Nathan. "Pagkatapos niyang pumirma ay dalhin mo muna sa table mo. Ako na ang kukuha mamaya." Pagkalipas ng ilang sandali ay kumakatok si Nathan. Alam niyang magagalit ito. She purposely assigned Cherry para mas lalo silang maging malapit. At para maiwasan niya ang pagpunta sa opisina nito. Tumunog ang intercom, si Sarah ang tumawag. "Ano nanaman bang kinagagalit ni Kuya Nathan? Halos mabingi ang tenga ko sa sigaw niya kanina." Amusement were in her voice. Mas naaaliw ito kapag nagagalit si Nathan. "I assigned Cherry to be my assistant. Siya na ang pin

