Halos magkasama sila buong linggo ni Liam para sa revision ng proposal nito sa renovation at pagpapaganda ng resorts. Sa buong linggo ding iyon ay hindi nagpakita si Nathan. Lunes ng sumunod na linggo ay nagulat siya ng ipatawag sila ni Liam sa opisina nito. His dark compelling eyes lost its shine when he looked at them. Hapis ang mukha at hindi nag-ahit ng balbas. Parang gusto niya itong lapitan at yakapin, but his eyes were obviously avoiding to meet hers. Pagkatapos basahin ang bagong proposal ay nagsalita ito. "Start the bidding with the construction companies, Liam. So we can start this project." "Saan ka kumuha ng pondo? Do we have enough?" Liam asked. Nathan nodded. "I sold a piece of land in San Gabriel," tila walang emosyon nitong sabi. Ohh.. napapikit siya. She could imagin

