I'm so glad I found you
I love being around you- PWTs
Napasimangot ako ng makita wala akong mahagilap na isusuot ewan ko ang dami kung dinala pero ni isa wala akong mapili. Paano ba naman kasi dumating kanina ang tito at tita nila Maze at nagyaya silang magresort. Dahil minsan lang nilang makita ito kaya niyaya na nila ang buong family at nadawit rin ako. Kaya ngayon namomorblema ako dahil wala akong mga pang swimwear, hindi ako prepared!. After lunch kasi ang naisip nilang umalis bali sa byahe na lang kami kakain raw dahil balak nilang mag-overnight sa resort.
"Knock, Knock. Pwede bang pumasok?" Napatingin naman ako kay Yuri na nakasilip sa may pinto.
"Ikaw pala Yuri, pasok ka. Nakapag-impake ka na?" hindi ko naman ng inabala itong tignan dahil malaki talaga ang problema ko ngayon.
"Hmmm, kaunti lang naman yung dala ko sa yun na kasi ang madalas ko dinala kapag may mga ganitong outing. May problema ba, Ate Milla?"
"Kinda, wala kasi akong mga swimwear na nadala hindi ko inaasahan kasi ito."
"Yun lang pahihiramin ko sana kayo kaso wala naman kasi akong swimwear puro t-shirt at floral shorts lang ang dinala ko for sure ganun rin sila ate. Doon lang kami nagkakaintindihan na tatlo." Napalabi naman ako dahil sa sinabi nito. Bigla naman akong may naiisip na idea.
"May malapit ba rito na mall?" tanong ko sana lang hindi gaanong malayo.
"Opo, may SM rito mga 20mins. Drive kung hindi traffic." Nagtataka man pero sinagot pa rin nito.
"Great, samahan mo akong magmall." Nakangiting sabi ko. Buti na lang wala rito si Maze alam kong hindi yun papayag na aalis ako hindi ito kasama.
"Ay bet ko yan. Pwede bang isama sila ate? Baka kasi may gusto rin silang bilhin."
"Sige, gagamitin natin yung kotse ng kuya mo." Nagmadali naman itong lumabas para tawagin ang mga kapatid. Nagpaalam naman kami kay tita na lalabas lang at mabuti na lang pumayag ito.
"Maganda yan para makapasyal man lang ang ate niyo. Umuwi kayo bago magtanghalian para makaalis agad tayo." Walang sabing umalis na agad kami. Si Eula ang nagdrive dahil hindi ko alam ang daan dito.
"Bumaba na kayo ipapark ko lang ito. Saan ko kayo titignan?"
"Dito na lang sa may Penshoppe para malapit. Titingin lang muna kami dito." Tulad ng usapan pumasok lang kami doon at nagtingin marami naman namang magaganda pero hindi nagustuhan. Saka ang kailangan ko ngayon ay swimwear. Umikot muli kami sa iba't ibang store pero wala talagang pumupukaw ng attention ko nahihiya tuloy ako sakanila.
"Meron pa namang ibang mall rito yung nadaan natin bago itong SM pwede tayong pumunta roon." Sudggest naman ni Yuri. Okay lang naman saakin yun pero gusto kong marinig rin ang opinion nila baka kasi pagod na sila.
"Okay lang saakin. Kung ako rin kasi ang tatanungin wala rin akong mapili rito." Sagot ni Mira kaya naman napatingin kaming lahat kay Eula namukhang nagulat.
"Bakit kayo nakatingin saakin? Hindi naman ako ang bibili. Saka aminin kong hindi rin ako nagandahan." Kaya rin wala kaming nakitang maganda masyado siguro dahil maliit lang itong mall at kakaunti lang ang store sa loob lalo na ang clothing. Bumili muna kami ng pagkain para na rin dalhin namin sa beach. Pagkarating namin sa mall na sinabi nila nagmadali na agad kaming maghanap hindi gaya sa SM mas maraming clothing store rito yun nga lang hindi mga branded pero mas marami akong nakikitang magagandang designed at naamaze ako dahil doon. Kahit kasi walang tatak ang mga ito mukhang high quality siyang tignan, nagandahan rin ako sa mga tela.
"Akala ko hindi mo magugustuhan dito kaya sinadgest ko kanina sa SM tayo pansin ko kasi puro branded ang mga gamit mo Ate Milla." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo mahilig ako. Pero mas tinitignan ko kasi ang quality and designed kung babagay ba siya saakin. Hindi ko rin expected na may mga ganito pala dito."
"Pero ang dami niyo naman atang binibili mag-stay ba kayo sa hundred island ng isang linggo?" Takang tanong nila. Ngumiti lang ako.
"Hindi para saakin lahat yan. Yung iba sainyo kaya nga pinasukat ko sainyo kanina."
"Hala siya. Saamin talaga yung mga napili namin kanina sabi mo ipilihan ka namin. Thanks ate Milla nagustuhan ko yung akin isusuot ko yung isa mamaya tas yung isa bukas. Pag mag-island hopping tayo pang IG post ko." Tumawa lang ako, dahil alibi ko yun. Pinagpili ko silang tatlo kung ano sa tingin nilang babagay saakin pero actually sakanila na iyon. Pumili naman ako para kay Tita ng Bohemian floral off shoulder. Dalawa ang kinuha ko pero magkaiba ang designed yung isa walang slit yung isa meron. Binilhan ko rin ang mga tito at tita ni Maze pati ang papa nito. Napatingin naman ako sa orasan ko at nakitang mag12 na pinacounter ko na naman na lahat ng pinamili namin.
"Bali Php.25,572.00 po lahat, Ma'am." Bigla namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What! Tama ba yung narinig ko?
"Hala, ate ang laki ng babayaran mo." Napatingin naman ako sakanila mukha silang naguguilty pero ako na-amazed ako. Akala nila kaya nanlaki ang mata ko dahil malaki ang babayaran ko. Pero hindi yun. Kadalasan kasi pag may binibili ako mga 2 or 3 damit lang ang nabibili ko sa halaga na yan pero dito hindi lang sampu ang nabili namin plus may mga kasama pang accessories.
"Huwag kayong mag-alala, akong bahala. Hindi lang ako makapaniwala kanina kaya ganun ang reaction ko." Buti na lang at may cash akong dala dahil hindi raw sila tumatanggap ng card. Pag-uwi namin na abutan namin si Maze sa may balkonahe nila. Nakakunot ang noo nito saamin or baka saakin lang.
"Bakit ba ang tagal niyo? At bakit hindi ka nagpaalam saakin na aalis ka di sana sinamahan ko kayo." Bungad naman nito. Niyakap at ngitian ko naman ito na hindi niya inaasahan kaya alam kung medyo kumalma ito.
"Sorry hindi na ako nakapagsabi sayo, saka alam ko iyang ugali mo, masyadong maikli ang pasensya mo dahil ayaw mong naghihintay ng matagal." Ngumiti naman ako ulit sakanya narinig ko lang itong nag-tsk kaya natawa ako.
"Wala ka pala kuya, napakarupok mo. Si ate Milla lang palang makakapagpakalma sayo." Mapang-asar na saad ni Yuri. Nakita ko naman itong napasimangot sa mga kapatid na tinawanan lang ng mga ito.
"Tsk, pumasok na nga kayo sa loob kanina pa kayo hininahanap ni Mama." Pumasok naman na ang mga ito pero hindi pa rin sila tumitigil sa pang-aasar sa kuya nila. "Ikaw, saan mo balak pumunta?" tanong naman nito saakin ng kumalas ako sa pakakayakap sakanya.
"Mag-aayos rin ng mga dadalhin ko. Wala pa akong naimpake."
"Bakit ba ang dami niyong pinamili. Wala ka na bang damit? Dalawang maleta ang dala mo wala kang napili roon."
"Actually wala akong swimwear na dala kaya nagpasama ako sa mga kapatid mo na magshopping."
"Huwag mong sabihing binilhan mo yung mga yun? Baka umabuso sila sayo."
"Ngayon lang naman, hayaan mo na saka sabi mo dati saakin dapat ako mismo ang mag-abot sakanila kaya yun na lang yung paraan ko. Alam mo ring bang mura lang doon sa pinagshoppingan namin ang dami tuloy naming napamili." Napailing lang ito sa sinabi ko dahil alam niyang wala na rin itong magagawa.
"Magkano naman yung murang sinasabi mo?"
"Mga mahigit 25k lang yung nagastos ko PERO marami kaming napamili. Nabilhan pa nga kita kaya wag ng magtatampo."
"Tuwang-tuwa ka naman. Sa mga mahihirap nga na pamilya baka dalawang buwan na nila pangkain o higit pa. Alam kong sariling pera mo yan pero sana gamitin sa mas importanteng bagay." Nagiguilty naman uli ako dahil alam kong tama siya. Kahit talaga Carmilla hindi mo pinag-iisipan ng mabuti lahat ng desisyon mo.
"Sorry na talaga. Hindi na mauulit promise." Tumango lang ito bago iniwan. Inayos ko naman na lahat ng dadalhin ko para mamaya. Napatingin naman ako sa phone ko ng bigla itong umilaw hindi iyon galing kay Mommy pero kay Era. Alam kong hinahanap ako ni Mommy kaya hindi ko sinasagot ang mga tawag niya mabuti na lang rin at tumigil na ito sa kakatawag saakin.
"Bakit naman kaya naiisipang tumawag ng babaeng ito?" hindi ko naman na nasagot dahil bigla na itong nagback kaya hihintayin kong tumawag uli siya baka manggogoodtime nanaman.