I’m yours to keep and I’m your to lose – T.Swift
“How’s your dad?” napatingin naman ako kay Gette ng bigla itong magtanong. Kompleto kami ngayong magkakasama tatangi na sana ako kanina ng tumawag sila but I realize I need to unwind also.
“Maayos naman na. Nag-iimprove na ang lagay niya araw-araw. Nagpapalakas na lang siya.”
“Mabuti naman kung ganun, pasensya na hindi na rin kami nakadalaw, masyadong busy na.”-Jhoanne
“Ayos lang, Kayo ang kamusta na lalo na sayo Jho. Hindi ko namalayan your getting married a week from now.”
“Oh, please kung alam ko lang na ganito kastress preparation ng kasal hindi na lang sana ako umuo sa mukong na iyon.” I know that was a joke dahil makikita naman sakanyang masaya ito ngayon and we are all happy for her. “Feeling ko nga pagkatapos kong ikasal may susunod na ulit saaking ikasal hindi ko lang ma-point out kung sinong mauuna kung si Eraizha or Camilla.”
“At ba’t ako ang nasa listahan mo aber? Maniniwala pa nga ako kung si Carms at Gette.”
“Wala lang. Malakas ang pakiramdam ko.”
“Baka nga si Elesse. Sino yung hot papa na kasama noong nakaraang linggo, ha babae?”usisa naman ni Era.
“It’s just a friend. Nakausap ko lang siya sa eroplano noong pauwi ako dito. He don’t even know who am I kaya nakakatawa lang. Naisip ko tuloy ng mga panahon na iyon na hindi talaga ako ganun ka famous.”
“Talaga namang hindi ka ganung kafamous ni hindi nga namin alam na model ka pala.”- pambabara naman ni Era dito. Here we go again, alam kong hindi magpapatalo yung isa rito sila ang favorite nemesis na dalawa.
“Ikaw nga rin hindi ko alam na umaarte ka. Buti nga at may nanunuod pa sa palabas mo.” Ganti naman ng isa. Pero alam naman naming hindi totoo ang bangayan nila, ganyan lang silang dalawa dahil hindi sila nagkita ng ilang buwan pero sila rin ang pinakaclose sa isa’t isa.
“Hoy, ang sama ng ugali mo. Magaling akong actress iyon nga pang supporting actress ang kaya kong role.”
“Tama lang iyon dahil kahit sa off cam pang kontrabida ka talaga. Tignan mo kontrabida ka sa buhay namin.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo.”
“Tama na iyan baka kung saan na mapunta ang usapan niyong dalawa. May maungkat kayong hindi dapat.” Pag-awat naman ni Gette siya naman ang dakilang referee namin.
“Kaya nga, kanina lang pinag-uusapan kasal tapos napunta kayo sa role. Di kayo ng sikat. Itapat ko sainyo yung araw para hindi kayo nag-aaway kung sinong mas sikat sainyo. Ang yayabang niyo.” Sabat naman ni Jhoanne. Kaya isa ring rason kaya ako nakipagkita sakanila dahil alam kong kahit papano makakalimutan ko ang problema panandalian.
“By the way, bago ko makalimutan naisipan kong magkaroon ng bridal shower kahit paano. Gusto ko sanang may lalaking sasayaw sa harap ko gaya nung mga napapanood ko pero baka mapatay ako ng mapapangasawa ko. Kaya yung typical na lang, like get together tayo mag-iinom tayo habang nagmomovie mga ganun. Di ba ang boring kaya mag-isip nga kayo ng magandang gawin.”
“Okay naman yung idea, doon na lang tayo sa hotel namin kung gusto niyo.” Suggestion ko naman.
“Sige ba, mag-invite na rin tayo ng ibang girls para hindi boring na tayong lima lang tapos mag night swimming tayo. Ayos ba yun sainyo girls?” Dagdag naman ni Jho.
“Walang problema saakin , ang tanong kailan?”-Gette
“This Saturday, available ba kayo?”-Jho
“Game!, off ko naman yun.”- Era
“Same”-Ellese
“gabi naman yun hindi ba? Susunod na lang ako.”-Gette
“Titignan ko kung maaadjust ang sched. ko pero kung hindi man abot na rin ako sa gabi.”
“Okay. Basta umabot kayo gusto ko makita ko kayo ng gabi doon kung hindi magtatampo ako sainyo. Pasabihan na rin yung mga gusto niyong isama. Girls only!” …
***************
“Your not going to pick me up, today?” pagkatapos niyang sabihin ang sagot niya ibinaba ko na agad ang tawag at napabuntong hininga na lamang. I don’t know this past few day masyado siyang busy iniisip ko na lang dahil sa band nila. Baka nga. Hindi ko naman natanong sila Gette or si Era kong may bago bang project ang mga boyfriend. Hindi kasi ako nagtatanong kay Make dahil siya ang unang nagsasabi saakin pero ngayon mukhang confedential pa ata.
“What a coincendence, pauwi ka na ba? Ihahatid na kita.” Napatingin naman ako sa nagsalita. I don’t want to be rude but for some reason gusto ko siyang irapan. I guess his being polite. Ilang beses na rin kaming nagkita pero hindi ganun sa dati ang bond namin. Ewan, hindi na ako komportable lalo na ng i-link nila ako sakanya ayokong isipin nilang kinuconsider ko yung gusto nila.
“Thank you for your offer, Wes. Pero may hinihintay ako.” Sinabi ko lang yun para matapos na ang usapan I’m not confortable with and you know the reason.
“Really? Mukhang inidian ka nga ng susundo sayo.” Confident na sabi nito. Shocks how did he know? Hindi kaya kanina pa siya nakikinig sa usapan namin. “Come on, I won’t let you ride a cab.” Kahit ayoko man sumabay sakanya ayoko na ring makipagtalo pa. Sinundan ko na lang itong papuntang parking lot. Pinagdarasal ko na lang na wag itong magsasalita ng hindi ko magugustuhan. Hindi pa naman ako mahilig mag-open ng topic.
“Anong ginawa mo dito sa mall?” Ano ba Camilla sa lahat ng itatanong mo yan pang naisip mo. Ano bang ginagawa sa mall? Sana pala tinikom ko na lang yung bibig ko hanggang sa makarating.
“Nagpalipas oras lang may hinihintay kasi ako.” Makahulugang sagot naman nito.
“Don’t tell me, hindi ka sinipot ng hinihintay mo, kasi naghintay ka ng matagal.”
“Nah, dumating naman yun nga lang ang tagal niya.” Hindi ko alam if his prefering to someone like me. Or I’m just too ambitious. Tumahimik na lang ako baka kung ano pang maitanong ko. Napatingin na lang ako sa labas, pero maya-maya napapakunot ako alam niya ba yung daan. Imposibleng hindi niya alam ilang beses na siyang pumunta sa bahay ng magulang ko.
“Hindi dito ang daan saamin.”
“I know, ang tagal mo kasi nagutom na tuloy ako.” Nagtatakang tinignan ko naman ito. “May masarap na restaurant malapit dito. Doon na lang tayo kumain alam kong hindi ka pa kumain dahil sabi ng dad mo sa bahay ka na kumakain after work.” Hindi pa rin ako makapagsalita dahil hindi magsink-in sa isip ko.
Huminto naman kami sa isang restaurant na familiar saakin. Not again, sana wala ang may ari ng restaurant na ito. Masyado pa namang maintriga ang may-ari nito. Sumunod na lang ako, mabuti na lang ang kakaunti na lang ang kumakain dahil late na rin at satingin ko pasara na rin sila. Inilibot ko ang tingin ko at pinagdarasal na sana wala nga rito ang may-ari, nung satingin kong hindi mahanap ng mga mata ko medyo nakahinga ako maliban na lang kung nasa opisina niya ito. Wag ka ng lumabas hanggang sa matapos kaming kumain yun naman ang sundo na panalangin ko.
“How’s your food? Did you like it?” muntik na akong mabilaukan sa kinakain ng may narinig akong nagsalita sa tabi ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin na siya ikinangisi niya lang. Buti na lang at hindi napansin ng kasama ko.
“The food is delicious as always, you never turn me down, chef Jill.” Hindi na lang ako nagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya. Kahit minsan lang akong kumain rito alam kong masarap naman sorry Jill mas bias ako kay Gette.
“How about you miss?” nakakalokong ngiting sinasabi nito kaya hindi ko alam kung nang-aasar ba or what.
“Wag ka ng magpanggap, Jill. Alam mong kumakain ako rito.” Deretsyang sabi ko. As if she don’t know me.
“I didn’t know, you’ve known each other.”
“Hindi ko rin alam na magkakilala kayo ng kaibigan ko.” Balik rin nito sa sinabi.
“Actually she’s my fiance.” Proud na sabi pa ng mokong na ikinagulat ni Jill. Well, sino ba namang hindi magugulat kung alam mong may boyfriend ang kaibigan mo tapos biglang may magpriprisintang ibang lalaki.
“That’s not a good joke, Wes.” Baka maniwala pa itong babaeng ito wala pa namang alam ang mga kaibigan ko. “Business partner siya ng dad ko. Sinamahan ko lang.” I don't want to think us wrongly.
“I know. Maiwan ko muna kayo, magpapadala ako dito ng dessert. Enjoy your meal.” Nakaihanga naman ako ng maluwag ng umalis ito.
“I didn’t know you two are friends.”
“pinipili ko lang ang mga kaibigan ko.” hindi ko alam bigla akong nainis at nawalan ng gana. Akala ko kapag susumama ako sakanya pwedeng makonsider ko na pwede kaming maging magkaibigan pero hindi pala.