"SHAINE POV"
Bukas na.
Bukas na kami ikakasal. Kahit medyo naiinis ako, dahil alam ko napipilitan lang si sir Lance, kahit magka ganun pa mang.
Ramdam ko pa rin ang excitement para sa mangyayari.
Wala akong pakialam kung sabihin nila na ang bilis ko namang mag mahal. Tao rin ako, babae, madaling mahulog. Noong una, naisip ko na baka, pinaglilihian ko lang si Sir Lance. Pero hindi eh, iba ang nararamdaman kong ito. Pagmamahal.
Mahal ko na nga si Sir Lance kahit na malayo ang agwat ng edad namin. Sabi nga nila 'age doesn't matter' when it comes to love.
Oo, naniniwala ako sa kasabihang iyon. Kapag love ang pinag-uusapan, wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao, o sa sasabihin ng buong mundo. Kung dati'y nakakaramdam ako ng guilt sa tuwing naaalala ko si Lyka, ngayon hindi na. Sabihin niyo nang makasarili ako; wala akong pakialam.
I love Sir Lance.
Alam kong alam niya na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masakit, dahil parang wala lang iyon kay Sir Lance. Pero sana naman, kahit kaunting pagtingin bigyan niya ako. Hindi yung, puro kay Lyka na lang.
Huminga ako nang malalim nang muting maalala ang pag-alis niya kahapon dahil may tumawag sa kaniya. Akala ko ayon na eh, makakasama ko na sana siyang kumain, kaya lang naudlot pa.
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at
tumungo sa kusina. Kailangan kong tubig.
Habang umiinom ay hindi ko napigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Ano ba kasing meron sayo Sir Lance? Bakit mahal na mahal kita? Hinawakan ko ang medyo may umbok kong tiyan. I'm carrying his child, isn't that enough for him to love me back? Hindi ba pwedeng isama niya ako sa papanagutan niya? Talagang bang para lang sa anak namin?
llang beses akong napabuntong-hininga habang naghahanap pwedeng lutuin. Malapit nang magtanghalian. Ayaw ko namang tumunganga at maghintay kay Sir Lance na ipagluto ako. Malamang sa mga oras na ito'y baka nasa opisina siya.
lsang corned beef ang naabot ko sa cabinet. Kaagad ko iyong binuksan at iniluto. Tama na iyon sa akin. Hindi naman dito kakain si Sir Lance eh.
Mag-aaksaya na naman ako kapag marami akong niluto. kahit masama pakiramdam ko pinilit ko parin mag luto.
Nasa kalagitnaan ako nang pagluluto nang marinig ko ang door bell. Hindi ko iyon pinansin sa takot na Ako baka si Jerald na naman ang nasa labas. Pero maya-maya lang ay muling tumunog ang door bell. Wala akong nagawa kundi ang tingnan saglit sa monitor kung sino ang nasa Iabas. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita si Karra. "What do you want?" Malamig kong tanong nang mabuksan ko ang pinto. "Uhm, I just want to see you." "What for?" "Shaine"
"Hihingi ka ng tawad gaya ni Jerald?" Taas ang kilay na tanong ko.
Nakita ko ang biglang pag-iyak ni Karra. Marahan niyang inabot ang kamay ko pero kaagad ko iyong iniwas. "Shaine please, patawarin mona ako. Ang hirap kasing dal hin sa dibdib na hindi tayo okay." "So, nakokonsensiya ka na?'' Sarkastiko kong sabi. "Shaine" "Saka na tayo mag-usap, Karra. Kaya naman kitang patawarin, pero huwag mo muna akong kausapin." Seryosong sabi ko bago isinara ng pinto.
Kaya ko naman talaga siyang patawarin. Ang totoo'y parang wala na nga sa akin ang mga nangyari. Pero hindi ko pa kayang magtiwala ulit.
I missed Karra. She's my best friend. Pero gaya nang sinabi ko, ayaw ko na munang magtiwala. Papalipasin ko muna ang lahat ng kinakaharap ko ngayon. Pagkatapos ng lahat ng ito'y baka tuluyan nang bumalik kami sa
dati.
Bigla akong napakurap nang maramdaman ang
luhang pumatak mula sa aking nga mata. Bakit ba kasi si Karra pa? Bakit hindi na lang ibang babae?
Mabilis akong uminom ng tubig sa basong naiwan ko sa kusina. Hindi ko pa man iyon napapangalahati nang marinig ko naman ang pagbukas ng pinto.
He's here. lnubos ko ang Iaman ng baso at sinalubong si Sir Lance.
"Hi Sir!" I faked a smile. "Hey." he replied.
Nakangiti rin siya ng mga oras na iyon. Wala akong pakialam kung anong dahilan ng pagngiti niya, basta masaya ako na for the first time na kasama ko siya, nagawa niyang ngumiti sa akin.
"Dito ka magla-lunch?" tanong ko habang sinusundan siya sa sala.
"Hindi, may lakad ako. Dumaan lang ako rito para i-check ka." Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Mukhang ganito na palagi ang mangyayari. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili.
"Work?" mahinang tanong ko, habang nauupo sa tabi niya.
"Nope." he answered.
Napansin ko ang paglayo niya nang kaunti. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa ginawa niya. Ganoon niya ba ako kaayaw at ultimo pagtabi ko sa kaniya ay pinangingilagan niya?
"D-Date?" kahit masakit sa lalamunan ay tinuloy ko pa ring itanong iyon. Naiiyak na naman ako.
"Mauna na ako." pag-iwas niya sa tanong ko. Kaagad na tumayo si Sir Lance.
buti pa huwag mo na ituloy ang balak mo kasal! kayo nalang ni Lyka mag pakasal. at kalimotan mo na may anak ka sakin, habal ko sa kanya, tapon mo na yang dala mo or bigay mo sa pinaka mamahal mo, baka Maya may lason pa yan, umalis parin siya,
Ayaw kong umalis na naman siya. Ayaw kong iwan niya ulit akong mag-isa rito.
Tuluyan na ngang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Buo na ang loob ko, sasabihin ko na. Dahil baka habambuhay ko nang dalhin ang sama ng loob.
lsang malalim na pag hinga ang pinakawalan ko. "Mahal kita."
Natigil si Sir Lance sa pagpihit ng seradura. Marahas siyang napahinga bago tumingin sa akin. Galit ba siya? Nagalit na ba siya sa sinabi ko?
"I know." Walang emosyong sabi ni Sir Lance. Napayuko ako dahil doon. Ko lang na lang sabihin pa niyang pigilan ko ang nararamdaman ko dahil kahit kailan hindi niya ako mamahalin.
"Sir, anong dahilan mo?" tanong ko sa garalgalna tinig. Siguro naman alam niya ang tinutukoy ko.
Yes, I want to know his reasons. His reasons kung bakit kailangan niya pa akong pakasalan gayong pwede naman siyang maging amasa magiging anak namin kahit hindi niya na gawin iyon.
Alam kong pagpapakatanga na ang ginagawa ko.
Bakit ko pa ba itinatanong iyon? Dapat nga maging masaya pa ako diba? Dahil papakasalan niya ako, magiging asawa ko ang lalaking mahal ko.
"Dahil nasa sinapupunan mo ang anak ko." narinig kong sagot niya.
'Yan na naman? Lagi mo na lang idinadahilan ang anak mo. Napalunok ako nang ilang beses bago muling nagtanong. "Paano ako?"
"But I love you! Hindi ko alam kung kailan
nag-umpisa, basta mahal kita!" sabi kong umiiyak habang nakaharap sa kaniya.
"I know, but I can't love you back! Alam mo namang mahal ko pa si Lyka diba?! lsa pa, napakabata-" "Bakit ba !aging problema sa inyong mga lalaki ang edad?!" sigaw ko sa kaniya. kung hindi mo ako Mahal huwag mo na Ako pakasal pa,
"I don't mind the age gap. It doesn't matter to me." "Then why not me?" Tanong ko sa basag na boses.Hindi ko na talaga kaya ang pag-iyak. Sobrang sakit na
ang nararamdaman ko.
His jaw clenched. He's angry. "Sir, kung ganun naman palang. di mag pakasal kayo na Lyka,
Kaya ayaw kuna , please, lang sir Lance palain mo nalang ako Sir." humahagulgol kong pakiusap.
Mukha na akong tanga sa harapan niya. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko naman gawain ang magmakaawa para palayain niya ako. Pero bakit pagdating kay Sir Lance nagagawa ko ang mga bagay na ito?
"Shaine wala kang karapatang diktahan ako kung sino ang dapat kong mahalin. Papakasalan kita, dahil sa anak ko. Pero hanggang doon lang iyon. So please, stop loving me." Matigas niyang sabi bago ako iniwan sa condo.
Tulalang napatitig na lang ko sa kawalan. Ganoon nalangiyon?
Marahan akong naglakad palapit sa sofa. Pero bago pa man ako makaupo'y bigla akong napangiwi. Napa hawak ako sa aking tiyan nang sumakit iyon. Mabilis akong naupo dahil parang nanlalambot ang aking mga tuhod.
lsang malakas na daing ang pinakawalan ko. Bigla akong kinabahan nang makita ang patak ng dugo sa tiles. Muli akong napaiyak. Narinig ko ang pag tunog ng door bell. Alam kong hindi iyon si Sir Lance. Pero kahit ganoo'y pinilit kong maglakad palapit sa pinto kahit parang papanawan na ako nang ulirat.
Hawak ang tiyan at napapangiwing binuksan ko ang pinto.
"Baby! How are-" Hindi ko na narinig pa ang ilang sinabi ni mommy. Tuloy-tuloy na bumag sak ako sa kaniya.
Nagising ako sa isang kwartong puro puti.
Hospital?
Napansin ko ang monitor na nasa gilid. Nasa hospital nga ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, medyo masakit pa ang aking tiyan at ulo. "Hey," Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Sir Lance. Kakapasok lamang niya sa kwartong kinaroroonan ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. umalis kana hindi kita kaylangan at ayaw ko makita pag mumukha mo, magsama kayo, Nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi. Napaiwas na lang ako ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Pinilit kong huwag ipahalata na parang kinikiliti ang puso ko sa nakikitang reaksiyon ni Sir Lance. galin niya mag kunuwari,
"Kanina ka pa bang gising?" tanong niya habang marahang lumalapit. Awtomatikong lumaki ang mga mata ko nang marahan niya akong ibangon. He adjusted my bed. Ngayon ay nakasandalna lang ako. Mas komportable na ako sa posisyon ko.
llang beses akong napalunok nang manuot sa aking ilong ang pabango ni Sir Lance. Kaiba ng naging reaksiyon ko noon ang reaksiyon ko ngayon. Mariin
akong napapikit nang muling maramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"I just w-woke up." nahihiya kong sagot. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang ayos niya. White long
sleeves na nakatucked-in sa black slacks ang suot niya.
Palagi namang ganoon dahil sa trabaho niya sa opisina. Pangit naman na magripped jeans lang siya at t-shirt. Pero may iba akong napansin kay Sir Lance ngayon. Kaya muli kong pinasadahan ang kaniyang kabuoan.
New hair style? New hair color? Napapangangang tiningnan ko nang mataman si Sir Lance. Tumaas naman ang kilay niya nang mapansin ako. "Your hair, it was black a while ago. How..."
"Yeah, I dyed it ash gray..." Mabilis na sabi niya sa akin. "Why?" "Napilitan lang..."
Hindi na ako nag-usisa dahil mukhang wala naman siyang balak na sabihin sa akin kung bakit nagpalit siya ng kulay ng buhok. Wala namang kaso iyon sa akin. Nagtaka lang ako dahil wala sa personalidad niya ang gawin ang mga ganoong bagay. Sa totoo lang, mas gusto kong itim ang buhok niya. Mas gwapo siya sa kulay na iyon. Gwapo rin naman siya sa kulay abong buhok. Pero ewan, parang bigla akong nainis na nagpalit siya ng kulay. Pero ganoon pa man, di pa rin naman nababawasan ang nararamdaman ko sa kaniya.
Bigla akong natigilan. Napaiwas tuloy ako ng tingin nang maalala ang mga sinabi ko kay Sir Lance kanina.
Shaine,
Napalunok ako. "Bakit?" "About our wedding..."
Napahawak ako nang mahigpit sa kumot habang hinihintay ko siyang magsalita muli.
Parang gusto ko na namang umiyak. Nakunan ba ako? Wala na ba ang magiging anak namin ni Sir Lance? Kaya hindi niya na itutuloy ang kasal? sabagay dinabi ko naman kahapon na huwag na tuloy ang kasal,. "Let's move the date. Hindi natin pwedeng ituloy
iyon bukas. Hindi mo pa kaya." Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
Tuloy ang kasal namin?
"How about the b-baby?" nahihirapan kong tanong. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Ano mang oras ay tutulo na ang mga luha ko. "The baby's safe, mabuti na lang nadala ka kaagad dito." sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin.
Nakahinga ako nang maluwag sa narinig na sagot ni
Sir Lance. Ibig sabihin buhay pa ang anak namin. Ibig sabihin matutuloy ang kasal!
"I need to go Shaine, may mga aasikasuhin pa ako sa opisina." Sabi niyang napapakamot sa noo. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihin na huwag niya muna akong iwan.
Aren't he going to apologize? Kahit isang sorry lang okay nasa akin.
"Sige po." mahina kong sagot bago iniwas ang tingin. Bakit parang wala naman siyang pakialam sa magiging anak namin? Gusto niya ba talaga kaming panagutan o napipilitan lang siya?
Tiningnan ko si Sir habang papalapit sa pinto. Napayuko na lamang ako sa isiping, wala na talaga siyang balak na mag sorry. Napakurap-kurap ako, hindi ako pwedeng umiyak, baka makasama na naman sa baby.
Napaangat ang tingin ko nang mapansin ang paglapit ni Sir Lance. Akma akong magtatanong
nang ilapit niya ang sarili sa akin. Nahigit ko ang aking paghinga. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mainit niyang yakap.
"I'm sorry, for what I've said earlier. I'll be back,
I promise." sabi niya sabay halik sa noo ko.
I don't know what to say. I was shocked! Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makalabas nasi Sir Lance ng kwarto ko.
"s**t! Why am I crying?!" pagalit na sabi ko sa aking sarili. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha sabay ngiti nang abot hanggang tenga. Si Sir Lance ba talaga iyon? Assuming na kung assuming, pero, gusto na rin ba ako ni Sir?
Para na akong tanga sa kama na kinauupuan ko. Ngumingiti ako habang umiiyak. Hindi na ako magtataka kung may makakita sa akin at isiping nababaliw na ako.
Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa sobrang tuwa. "Baby, I promise to you, magkakaroon ka ng masayang pamilya. Kaya kapit ka lang ah, dapat mo akong tulungan na mahalin ng daddy mo." Nakangiti kong kausap sa umbok ng aking tiyan.
Ilang sandali lang ay wala sa sariling sinalat ko ang aking noo na dinampian ng halik ni Sir Lance.
Sana mag tuloy-tuloy na iyon. Okay lang kahit hindi niya pa ako lubusang gusto. Basta maayos lang ang pakikitungo niya sa akin. Makasarili mang iisipin, pero ipinapangako ko, makakalimutan niya rin si Lyka. Ako at ang magiging anak naman namin ang mamahalin niya. Kinabukasan ay pinayagan na rin ako ng doktor na
lumabas ng hospital. Mabuti iyon, nakakabanas kasi doon, ako lang mag-isa sa kuwarto.
"Be careful..." sabi sa akin ni Sir habang inaalalayan ako sa pagbaba ng kotse niya.
I know I'm blushing right now. Pero parang wala na iyon kay Sir. Hindi tulad noon lagi siyang nakakunot ng noo. Parang akala mo'y first time makakita ng nagba-blush.
"Tell me if you're not comfortable, okay?" Tukoy ni Sir Lance sa pagkakahawak niya sa bewang at balikat ko.
Wala sa sariling napangiti ako. "I am very comfortable..." bulong ko, sapat para marinig mi Sir Lance. Expected ko nang kukunot na naman ang noo niya't magsasalubong ang kilay. Pero hindi niya ginawa. Bagkus isang ngisi ang pinakawalan niya. "Sir, wala kang work ngayon?" Tanong ko na lang kay Sir Lance nang manatili siyang tahimik.
Napansin ko kasing damit pang-opisina ang suot niya. Kaya naisip kong baka may trabaho siya ngayon. "Meron, pero mas importante ang kalagayan mo
kaysa doon." Sagot niya sa akin habang naglalakad kami palapit sa elevator.
Muli na namang nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sagot niya. Mukhang maganda ang mood niya ngayon.
vAnong nangyayari sayo Sir? Nabagok ba ang ulo mo? May nakain ka bang kakaiba? "Should I call you Lance? Nakakailang na kasi ang tawagin kang Sir." Nahihiyang tanong ko. Kung hindi man siya papayag, okay lang.
"Bahala ka kung anong gusto mong itawag sa akin. Hindi naman na kita employee ngayon." kaswal na sagot ni Sir Lance.
I realized that this is the first time we talked without fighting. Yung mga nakaraan kasi naming pag-uusap
puro bangayan at sagutan. Siguro nga good mood siya ngayon.
Sana hindi lang ngayon. Sana tuloy-tuloy na ang kabaitan niya.
"It's Law, then..." Nakangiti kong sabi bago naunang pumasok sa loob.
"Law?" Kunot ang noong sabi ni Lance. "Yeah, para maiba. Lance ang palagi kong naririnig na tawag ng iba sa iyo, eh." Sagot ko bago tumingin sa repleksiyon namin sa salaming dingding ng
elevator.
Noon ko lang napansin na nakahawak pa rin pala si Lance sa baywang ko. Sobrang lapit rin namin sa isa't isa. "Law? My mom used to call me Lane."
"Where's your mom? "
Napansin ko ang pagtahimik ni Lane dahil sa tanong ko. Hindi na lang ako nag-usisa pa. Baka ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa mommy niya. Hanggang sa makarating kami sa condo ay hindi na siya umimik. Ngali-ngaling sabunutan ko ang sarili dahil mukhang bumalik na naman sa pagiging masungit si Lane.
"Sa totoo lang naiinis lang Naman ako sa kanya!, kala ko iyon sinabi ko sa kanya huwag na tuloy ang kasal kala ko din hindi na matuloy. ngayon alam kuna dahilang kung bat niya gusto matuloy" dahil lang pala sa magigin anak ko,