Chapter 1
Pagdating ko sa apartment na tinutuluyan ko ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Sobrang pagod ang nararamdaman ko araw-araw, matapos kasi ang trabaho bilang isang dishwasher sa restaurant ay naglalakad pa ako pauwi para makatipid. Hindi rin naman kasi ganun kalaki ang sweldo ko tapos nagbabayad pa ako ng upa dito sa apartment at yung pangkain ko pa araw-araw. Dalawang buwan narin akong narito sa Maynila.
Wala talagang natitira sa sweldo ko, minsan nga isang beses na lang ako kumain sa isang araw para lang makatipid. Akala ko pagbalik ko dito sa Manila ay may magandang opportunity na naghihintay sakin pero wala dahil mas mahirap pa ang buhay dito kesa sa probinsya.
Bumalik lang naman ako dito para alamin kung ano ba talagang nangyari sa buhay namin noon. limang taong gulang ako nang mamatay si papa sa isang aksidente daw at napagdesisyunan ni mama na umuwi kami ng probinsya.
Nang makatapos ako ng highschool ay namatay si mama, doon nawindang ang buhay ko. Wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko lamang. Lahat ng trabaho sa probinsya ay pinatos ko. Nagtatanim ng mais at palay at kung ano pa. Bumalik lang ako dito dahil ang dami kong katanungan na nais mahanapan ng sagot. Tulad ng kung anong nangyari sa bahay namin noon at para saan ang susing binigay sakin ni mama bago siya mamatay.
Noong dito pa kami naninirahan ay maayos ang buhay namin, mayroon kaming maayos na tirahan at naibibigay lahat ni papa ang pangangailangan namin. Si papa ay nagtratrabaho bilang sekretary ng isang Senador, hindi ko lang matandaan kung sino iyon.
Tumunog ang aking tiyan, nagugutom na ako pero limang daan na lamang ang natitira kong pera at kailangan ko itong tipirin hanggang sa katapusan, akinse palang ngayon.
Tumayo ako at uminom ng dalawang basong tubig pamatid gutom saka nagshower at nagpasyang itulog na lamang ang gutom na nararamdaman.
Kinabukasan ay tulad ng dati, bibili lamang ako ng isang tinapay sa tindahan at iyon na ang aking agahan, sasabayan ko ng tubig. Pagkatapos ay muling maglalakad para pumasok sa trabaho. Day off ko bukas, balak kong hanapin ang bahay namin noon. Sobrang laki na kasi ng pinagbago ng lugar kaya hindi ko alam kung nasaan na ba ito o kung buhay pa ba o nawala na. Idagdag mo pang napakabata ko nang umalis kami dito.
" Good morning ate Valin. " bati ni Mica, ang kaworkmate ko. Isa siyang waitress at siya lang ang mabait sa akin dito, mabait naman ang boss namin pero hindi ito masyadong nakikihalubilo sa amin.
" Good morning din. " sabi ko dito at tinungo na ang kusina para masimulan ang trabaho.
" Ate may ipapakita ako sayo! " kinikilig na sabi nito at lumapit sa akin, ako naman ay sinimulang magsuot ng apron.
" Ano ba yun? " tanong ko at ipinakita niya ang cellphone.
" Panoorin mo si Sandro, napakagwapo talaga! " kinikilig na sabi niyo at pinindot ang video para maiplay.
Lalaki ang nasa video at napalunok ako nang mapagmasdan ang mukha niyo. Sa itsura pa lamang niya ay halatang laki na ito sa marangyang pamumuhay at tila hindi man lang nadapuan ng kahit langaw.
" Today, i officially announced my candidacy to run for Vice Governor. " sabi ng lalaki sa video at ipinakita pa ang ilang larawan niya kung saan namamahagi siya ng mga tulong sa mga tao.
" Sino iyan? " curious kong tanong kay Mica nang matapos ang video, ngumiti ito ng malawak.
" Siya si Sandro de Mevius, dito talaga siya ipinanganak pero nang makatapos siya ng highschool ay doon na siya sa ibang bansa nagpatuloy ng pag-aaral. Alam mo ate, napakatalino niya at napakabait. Idagdag mo pa yung kagwapuhan niya. " kinikilig na sabi nito, napailing na lang ako sa inaasal niya.
" Parang ang bata naman niya para tumakbo sa pagka vice governor. " sabi ko at sinimulan nang maghugas ng mga hugasin.
" Hindi ate, 27 years old na yan bata lang talaga siyang tignan. " sabi nito.
Bata parin, kasi karamihan ng nakikita kong politician ay may edad na. Sabagay wala naman sa edad yan.
" Crush mo? " tanong ko, ngumiti ito ng malapad at umiling.
" Yung bunso nila ang crush ko. " sabi nito at namula pa ang mukha nang tila maalala ang lalaki.
" Huy ikaw bata ka, unahin mo ng pag-aaral bago yang mga ganyang bagay. " sabi ko dito, working student kasi siya. 20 years old na ito at napakasipag na bata.
" Oo na ate, dun na ako baka mapagalitan tayo ni boss. " sabi nito at iniwan na ako.
Nagflash back sa utak ko ang mukha ng Sandro na yun at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Parang ang sarap niyang amoy-amuyin. Ano ba tong iniisip ko, ipinilig ko ang aking ulo para burahin ito sa isip.
Nang hapon ay lumapit sakin si James, isa rin itong waiter dito habang abala ako sa pag-aayos para sa pag-uwi.
" Napag-isipan mo na ang alok ko? " tanong nito, kaedad lamang ito ni Mica at pareho silang nag-aaral.
" Oo, at ayaw ko. " sagot ko dito.
" Pero sayang naman, malaki ang kikitain mo dito at siguradong hindi mo na proproblemahin ang pa ang pera. " sabi nito, tumingin ako dito.
" Alam ko pero hindi ko masisikmurang gumawa ng illegal para lang sa pera. " sabi ko dito. Ilang beses na kasi niya akong kinausap at pinipilit na tanggapin ang ttabahing binibigau niya. Ito yung magbebenta ka ng drugs, mapera yan dahil sa pagbebenta niya ng drugs. Kaya lang siya narito sa restaurant ay dahil nililigawan niya si Mica.
" Ikaw anh bahala! " sabi nito at umalis na. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako sa boss namin at lumabas na ng restaurant.
" Ate! " napatingin ako kay Maicca na papalabas narin ng restaurant. Tuwing hapon ang pasok nito, hindi siya umuwi ngayon ng maaga dahil wala daw siyang pasok ngayon.
" Bakit? May kailangan ka? " tanong ko dito. Lumapit ito sa akin nang may ngiti sa labi.
" Tara kumain, libre ko. " sabi nito.
" Naku wag na! Isave mo na lang yan para sa pag-aaral mo. " sabi ko dito.
" Ate ngayon lang to, pumayag kana. Saka sa mumurahin lang naman tayo kakain at para narin maiwasan ko si James. " sabi nito. Ayaw niya kasi talaga sa lalaki at diko alam kung bakit.
" Ako na lang magbabayad ng sakin. " sabi ko, sumimangot naman ito. Napakaganda talaga ng batang ito, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at pilik mata tapos sexy at makinis ang balat. Hindi tulad ko na pango ang ilong, hindi pa makinis. Nang nasa probinsya nga ako sunog ng balat ko e, medyo pumuti lang ako nang tumagal na ako dito.
"Ate naman, ako na. Pagbigyan mo na ako! " nakangusong sabi nito na ikinatawa ko.
" Sige na nga, halika na. " sabi ko rito at naglakad na kami. Sabi niya kasi sa malapit na jollibee na raw kami kumain.
Nang makarating sa jollibee ay naghanap ako ng mauupuan at siya naman ang nag-order. Napili ko ang table sa gilid, hindi nagtagal ay dumating narin siya.
" Ate, nakita ko kayo kanina ni James na nag-uusap. " sabi nito.
" Yun ba? wala lang yun. " sabi ko, baka kasi pag-isipan niyang may nagaganap samin. Para ko na silang kapatid.
" Alam ko ang pinag-usapan niyo ate. Inalok ka ng trabaho diba? " sabi nito na ikinatahimik ko.
" Wag na wag mong tatanggapin ang alok niya ate. Concern lang ako sayo, dahil once na nahuli ka masisira ang buhay mo. " sabi nito, nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko naman yun kaya nga hindi ko ito tinanggap, pero aaminin kong muntik ko na itong tanggapin noong una dahil sa hirap ng kalagayan ko.
" Wag kang mag-alala, hindi ko tinanggap ang alok niya. Hindi ko masikmurang gumawa ng illegal para mabuhay. " sabi ko, tila nabunutan naman siya ng tinik sa lalamunan.
" Alam ko ang tungkol doon dahik inalok narin niya ako minsan. Pinagsabihan ko nga siya e pero ayaw makinig kaya pilit ko siyang iniiwasan. " sabi nito, kasunod ng pagdating ng order namin. Kaya pala ayaw niya kay James, hindi ko naman siya masisisi. Maski naman ako kung sakali e.
" Kung magagawa lang sana niyang magbago, kaya ko siyang tanggapin dahil okay naman ang ugali niya at mabait naman siya. Ang kaso, ayaw niyang huminto sa illegal na trabaho e. " sabi nito nang kumakain na kami.
" Naintindihan kita, maski ako rin naman pag ako ang nasa sitwasyon mo. Kasi nagpapakahirap ka para umangat e, siguradong mahihila ka niya pababa kapag nagkataon. " sabi ko dito.
" Ikaw ba ate? bat wala kang boyfriend? " tanong nito.
" Sa sobrang busy ko sa trabaho, wala na akong oras pa. Noon naman meron ako, pero wala e. Mas pinili niyang sundin ang kagustuhan ng nanay niya na hiwalayan ako. " sabi ko dito na ikinatingin niya sakin.
" Grabe naman yun! " di makapaniwalang sabi nito.
" Bakit pala ayaw sayo ng nanay niya? " tanong nito.
" Kasi hindi ako maganda at sobrang hirap ng buhay ko. " sagot ko.
" Maganda ka ate! at tungkol sa pagiging mahirap, hindi mo yun ginusto no! Grabe naman yun, parang hindi sila nakaranas ng hirap ah! " sabi nito na ikinangiti ko.
" Okay lang, naka-move on narin naman ako. " sabi ko, dalawang taon narin naman ang nakakaraan.
Nagkwentuhan pa kami bago nagpasyang umuwi, siya ay nagcommute na pauwi dahil malayo pa sa kanila habang ako ay muling naglakad para makauwi. Nasanay narin naman ako, kaya pag-uwi bagsak ang katawan ko.